Chapter 1: Your remaining life starts now

15 3 0
                                    

Chapter 1: Your Remaining Life Starts Now

I buried my worries
beneath the cold earth,
hoping they would not
rise up to haunt me,
But in the middle of the night
they found me in my bed,
dragging me to the dark place
underneath the world
where dreams can't speak
and demons taunt,
as they play twisted games
with my soul.

-Christy Ann Martine

●●●

Tila tulala sa isang madilim na dimensyon at hinahanap ang liwanag.. Sa dulo nito ay isang makulay at magandang bahay. Malaki at malusog ang mga halaman at punong nakapaligid dito. Kung titignan ng mabuti ay iisipin mong mga prinsepe at prinsesa ng isang kaharian ang nakatira dito. Masaya at kuntento sa buhay na natatamasa nila.

Pero...

Sa isang iglap lamang ay napalitan ito ng bahay na napaliligiran ng dugo. Ang kaninang malulusog na halaman at puno ay nalanta at namatay. Purong boses ng mga taong humihingi ng tulong ang pumapasok sa aking tenga patungong utak at pumipirme doon. Umingay ang paligid dahil sa malakas na kidlat na pabor sa aking nakikita.

Napa atras ako nang ang dugo mula sa bahay na ito ay dumadaloy patungo sa aking kinaroroonan. Tumakbo ako nang tumakbo at nagtago... Hindi alintana na kahit anong gawin kong pagtakbo at pagtago kahit sa kasuluk-sulukan ay maaabutan pa rin ako nito.

"Te Encontré," isang bulong sa tenga ko ang nagpabangon sa akin.

"Oh, shit!"gulat akong napatingin sa nagsalita.

"Gigisingin palang sana kita kaso.. bigla kang bumangon,"sabi ni Fely na matamang nakatingin sa akin.

Ramdam ko ang pawis na tumutulo sa aking noo hanggang sa aking leeg.. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa paghahabol ng hininga.

"Binangungot ka nanaman.. "nag-aalala niyang tanong. Hinaplos niya ang braso ko nang mapatingin sa panyong hawak ko. Kunot noo itong tumingin sa akin. "Bakit may hawak kang panyo?"tanong niya.

Kinuha niya ito sa akin at napaawang ang kanyang labi nang makita ang nakasalut dito. Marahil pati siya ay kinilabutan dahil sa dugong ginamit doon sa sulat.

"Te encontré, Estás muerto. Anong ibig sabihin non?"tanong niya sa akin. Tama lang ang boses niya para marinig ko. Siguro ay ayaw niyang marinig kami ni mommy dahil paniguradong mangingialam 'yon. Alam ko na kung saan nagmana 'tong si Fely.

"Hindi ko alam.."umiling ako sa kanya. Hindi ko rin alam na nakatulog pala ako.

"Saan mo nakuha 'to?"malamig niyang tanong. Anong problema niya at parang interisado siya sa bagay na yan?

"Hinangin lang yan sa bintana. Isasarado ko na dapat yung bintana ko kaso biglang hinangin yan papunta sa akin."paliwanag ko sa kanya at tumayo. Bahala siya kung anong gusto niyang gawin sa panyong 'yan. Hindi naman akin yan kaya wala na akong pake diyan.. besides, itatapon ko lang din yan kaya kung interisado siya ay sa kanya na lang.

Nagtungo muna ako saglit sa banyo para mag ayos ng sarili bago nagpasyang bumaba.

Nang makitang wala sila sa sala ay pumunta ako ng kusina para silipin sila. Prenteng nakaupo ang mga bisita ni mommy. Ang lalaking may katandaan na, na sa tingin ko ay padre de pamilya nila ay naka upo sa dulong upuan. Katabi nito ay ang kanyang asawa na katabi naman sa kaliwa ang kanilang dalawang anak. Isang batang babae na may yakap pang maliit na teddy bear at isang binatang lalaki na sa tingin ko ay kaedaran ko lang.

"Oh, Geva.. pinatawag na kita sa ate mo dahil kanina pa ako sigaw ng sigaw kakatawag sa'yo."sabi ni mommy na nagsasandok na ng kanin.

Kasabay namin ang mga 'tong kumain? Bakit? Wala na ba silang makain sa bahay nila? Sabagay, bisita sila ni mommy.

Umupo ako sa kaliwang upuan ng kay mommy. Dalawang upuan na lamang ang natitira, ang dalawang upuan na nasa tabi ko. Kaharap ko ang binata na mariing nakatingin sa mga mata ko. Tinititigan niya ako na para bang matagal niya na akong kilala.

"Geva, ito nga pala ang kumpare namin ng daddy mo.. Ito si Scarlet Yvonne Salfiro ang bunso nilang anak.. Ito naman ang panganay nila, si Huxley Carter Salfiro. Ito naman sina Macky at Penny Salfiro, parents nila."pagpapakilala ni mommy sa kanila.

"Napakaganda naman ng bunso mong anak. Tita and tito na lang ang itawag mo sa amin nitong asawa ko."sabi ni Tita Penny daw.. mommy nila.

Magpapasalamat pa lamang ako nang may nagsalita na.

"Kung maganda ang bunsong babae, paano na pala ang panganay? Syempre napakaganda."tumatawang papuri niya sa kanyang sarili. Tinignan ko siya at nagtaka agad. Nakangiti siya ngunit halata sa kanyang mukha ang pag-iisip ng malalim. Umupo na siya sa tabi ko st nagpakilala.

"Nakakatuwa ang mga anak mo."nakangiting sabi ni Tita Penny na sinuklian din ni mommy ng isang ngiti. Hindi ko na sila pinansin at nagsandok na rin ng pagkain at ulam. Kung gusto nilang mag ngitian ay sige lang, pero ako? Kakain ako dito.

________

Nang matapos kumain ay nagpasya ang mag-asawang Salfiro na makipag kwentuhan kay Mommy habang ang bunsong anak nila ay natulog na daw. Ang isa pa nilang anak ay hindi ko alam ang ginagawa. Si Fely naman ang nagpresinta na maghugas ng pinggan at magtapon ng basura. Himala nga dahil hindi naman siya nagpepresinta sa gawaing bahay.

Nag pasya akong lumabas muna saglit ng bahay. Umupo ako sa upuan dito sa veranda ng unang palapag ng bahay. Laking gulat ko ng umupo din ang lalaking anak ng pamilyang Salfiro. Prente at Kalmado ito. Feel at home ang isang 'to ah.

Humalukipkip ako at pinagtuonan na lamang ng pansin ang payapang daan. Maririnig ang gangis lalo na't napakatahimik dahil na rin sa oras. Paniguradong matatakot ang sinumang maglakad mag-isa sa tahimik at walang katao-taong daan. Ang mga ilaw sa poste lamang ang nagbibigay liwanag sa daan. Tila, naglalaban ang liwanag at dilim dahil sa mga bituing kakaunti lamang.

"Hux.."tinignan ko lamang ang kamay niya. Tingin niya makikipag kamay ako?

Tinaasan ko siya ng kilay ngunit nakangiti niyang kinuha ang kanang kamay ko.

"I'm Hux, you are Eva."kumunot ang aking noo. Alam ko atsaka ano bang meron sa Eva at tinatawag nila akong ganoon? Palayaw ko lang naman yan noong bata pa ako eh.

"So?"tinanggal ko ang kanyang kamay na nakahawak sa akin. Masungit kong tanong at tinarayan siya. Feeling close kasi masyado eh. Tawagin ba naman akong Eva?! Tss.

Nang nilihis ko ang tingin ko sa kanya ay halos magulat ako ng makita si Fely sa gilid namin. Mariin at malamig itong nakatingin sa aming dalawa. Bakit ganyan siya? 'Wag mong sabihing natitipuhan niya ang lalaking ito?

"Pumasok na kayo sa loob. Gabi na."wala akong mabasang emosyon sa kanyang boses. Bakit parang naging kakaiba siya simula kanina?

Tumayo na kami ni Hux at lumapit na sa kanya na nasa gilid ng pintuan. Papasok na kami ng bigla kaming mapatigil at mapatingin sa kaharap na bahay dahil sa isang malakas na kalabog.

Shit!

Nagmadali akong tumakbo sa bahay na dati ay pinagmamasadan ko lamang. I really find it creepy. It looks like a hunted house in a horror movie. Kasunod ko sila Fely at Hux na pinipigilan ako sa pagpasok sa lumang bahay na ito.

I opened the door. Purong alikabok agad ang sumalubong sa akin. Napa ubo at tinakpan ko ang aking mga mata upang hindi pasukan ng alikabok. Nang makabawi ay tinanggal ko ang aking kamay sa mukha ko at halos mapa-atras nang makita ang nasa harapan ko.

"Oh my god,"bulong ko sa sarili at nagmadaling tumalikod at tumakbo paatras nang mabangga ko si Hux. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Sshh.. I'm here.. Don't be afraid.. I'm here now. No one's going to hurt you.." hindi ko alam ngunit unti-unti akong nanghina at napa-upo na lamang habang tahimik na umiiyak.

Hindi ko alam kung dahil ba sa nakita ko o dahil sa pumapasok sa isip ko.

●●●

____________

Thank you for reading!

Don't forget to Share, Vote, Comment and Just Cessieffy!

For more questions and updates, you can follow me on Twitter!:)

«Twitter:@Cessieffy»

CordelitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon