(A/N: Di ko po na-edit 'to kaya sorry sa mga wrong grammar and typos)
Chapter 10:
●●●
The moment I waked up, it's like everything has changed. Mula sa araw na dating liwanag ang hatid sa akin, sa mga huni ng ibon na nagpapakalma ng damdamin, sa mga bulaklak na humahalimuyak at ang mga taong pinapahalagahan na ngayon ay pinagdududahan.
Disappointed. That's what I'm feeling right now. Kung may lihim man sila sa akin ay hindi ko alam kung para saan. They can just tell me kung may problema sa pamilya. Bakit may magpapadala ng ganoon? I'm sure they know about that. Kung hindi nila masabi sa akin, ako ang gagawa ng paraan para may malaman.
I closed the door slowly. Madaling araw pa lang at hindi na ako nagsubok pang magpaalam dahil ayokong gisingin pa sila kaya nag iwan na lang ako ng note at idinikit sa ref na aalis muna ako saglit.
Tinawagan ko si Harry kanina. Wala na akong naririnig tungkol kay Lita kaya gusto kong ako mismo ang magpunta para makita kung ano nang lagay niya.
Nagtaxi lang ako at halos tatlong oras din ang byahe papuntang ospital.
Nang makababa ako ay nakita ko agad si Harry sa gilid ng entrance ng ospital.
Diretso ang kanyang titig sa aking mga mata. Hindi ko alam pero parang may kung ano sa akin ang nailang. The way he stares at me. The way he looked directly to my eyes. Hindi ko kayang tapatan iyon kaya naman agad akong nag iwas ng tingin at itinuon na lamang ang tingin sa baba.
"It's nice seeing you again," saad nya sa mababang boses dahilan upang maiangat ko ang aking tingin.
Walang nagbago sa hitsura niya. Kahit aura niya ay ganoon pa rin. His dark aura that can make any girls tremble in fear. Hindi nga lang ako. Siguro kung mas una ko siyang nakilala baka...
"It's not so nice to see you again," i said with a wicked smile on my face.
Isang ngisi lamang ang iginawad niya sa akin bago hinawakan ang aking siko at iginiya papasok sa loob.
Nagtaka ako nang makitang wala na ang ibang mga pasyente dito noong unang punta ko. Inilipat kaya?
"Bakit parang wala na ang ibang mga pasyente dito?"
"Nilipat sila. Sa mas kontrolado. Mas mahigpit ang seguridad at mas maoobserbahan sila."
"Really? Hindi pala epektibo ang ginagawa niyo kung ganon?" Tanong ko at bumaling sa kanya. Kita ko ang pagtiim ng kanyang bagang at pagdilim ng kanyang tingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin at binalingan na lamang ang mga pasyenteng sa tingin ko ay bago.
Kita ko sa nilalakaran namin ang mga pasyente sa loob dahil sa pinto nito na ang kalahati ay salamin. May isang babae doon na umiiyak at tulala. Ang sumunod naman ay isang lalaking nagbabasa lamang ng bible. May isa pang sa tingin ko ay kumakanta habang hinahawi ang sariling buhok. Sa gawing kanan naman ay isang lalaki na kinakausap ang kanyang kamay. Ang isa ay babae. Maamo ang mukha nito na hindi mo iisipin na ipinadala siya sa lugar na ito. Inaayusan niya ang sarili niya nakita kong may mga set ng make up sa harapan niya, nakatingin sa salamin at nakangiti. Pwede iyon dito?
Sa lahat ng nakita ko, isang kwarto lang ang nagpahinto sa akin. Hindi kita ang loob dahil purong kahoy ang pinto nito at wala ring salamin. Wala ring nakalagay na pangalan sa itaas di gaya ng ibang mga pinto. Ang nakalagay lamang ay Patient Six.
"They are traumatized," napatingin ako kay Caloy na kakarating lang.
"I don't think traumatized lang sila. Hindi na normal ang pag iisip nila. Dapat nasa ibang department na sila dahil hindi lang sila traumatized. Paniguradong mga baliw na sila."
"Watch your words, miss. They are my patients. Even though they have mental problems, they're still a person like you so you should respect them" nagtataka akong tumingin sa bagong dati na babae. Agaw pansin ang kulay ng kanyang lipstick na dark red. Nakapusod ang buhok at may mga natira sa gilid. She's wearing a fitted turtle neck dress na pinatungan niya ng white coat. Sino naman 'to?
"You're here for a patient named Lita?" Tinaasan ko siya ng kilay. How in this fucking world did she know that?
"Ano ka dito? Psychiatrist? Psychologist? Assistant? Janitress?" Tanong ko at pumunta sa kanyang harap.
"Do I look like a janitress to you?" Nakangisi niyang sabi.
"You guess," nakangisi ko ring sabi.
"She's a psychiatrist, geneva," sabat ni Harry.
"Doktor ka... ng mga baliw," diniinan ko ang salitang baliw para sa kanya.
"Yeah. Kung sa tingin mo isa ka sa kanila wag ka mahiyang lumapit sa akin. I can help you, dear."
Talagang hindi nagpapatalo ang isang 'to?
Nang makitang hinawakan ni Harry ang braso nito ay tumalikod na ako at dumiretso sa kwarto ng ipinunta ko rito. Bahala na silang mag usap tutal hindi naman sila ang kailangan ko.
Tumigil ako sa harap ng pintuan nang makitang nagsasalita ito habang sinusuklayan ang buhok ng hawak niyang manika.
"Coretta, Siguro ngayon hinahanap ka na ng kapatid mo. Hindi niya alam na nasa akin ka lang pala," tumatawang sabi nito. Coretta?
Mukhang wala pa ring pinagbago. O baka naman dahil hindi ako ang nakakapag obserba kaya naman para sa'kin ay malaking pagbabago na 'to.
Napaatras ako sa gilid ng pinto nang lumapit dito ang babae at buksan ito.
"Wag kang mahiyang pumasok. Welcome ka dito," malamig na sabi nito. Ano bang dapat kong itawag dito? Miss? Ate? Doktora?
Bago pa makapasok ang babae ay agad na siyang nahawakan ni Harry sa kanyang braso upang pigilan.
"Are you crazy? Gusto mo bang saktan ka nanaman niya!" kita ko ang galit sa mukha ni Harry. Ano bang meron?
"I can protect myself, Mister Le Mandri. Bakit hindi si Miss Gomez ang protektahan mo? Baka maging bayolente sa kaniya ang pasyente," malamig na sabi ng babae na hindi pinansin ni Harry. Naunang pumasok si Harry at kasunod niya ang babaeng nasa likod niya habang hawak ang palapulsuhan nito.
"Nevermind them," sabi ni Caloy bago pumasok.
Nanlilisik ang mata ni Lita na palipat lipat sa amin ng babae.
"Gomez, Manson at Le Mandri. Napakasayang makitang magkakasama tayo sa iisang kwarto," nakangiti itong nakatingin sa amin.
"Hindi ako isang Manson, I am Bijou Gwynevere Papol. Hinding hindi ako magiging Manson," mariing sabi ni Bijou na pinipigilan ni Harry na kumalas sa pagkakahawak niya. Ano bang mga pinagsasabi nila? Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa usapan nila na sila lang din ang nakakaintindi.
"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan, ikalawang babae ng mga Manson," tumatawang sabi ni Lita. Siguro ay dinadamay nitong si Lita sa mga kabaliwan niya si Bijou.
Nanggagalaiting tinanggal ni Bijou ang kamay sa kanya ni Harry upang makalapit ng tuluyan kay Lita pero mabilis na nakabawi si Harry at niyakap si Bijou. May ibinulong siya kay Bijou na nanginginig na sa galit.
Tsk. Dito pa nagharutan.
"Lumabas muna tayo. Sa tingin ko kailangang kausapin ni Geneva ang pasyente," nagpasalamat ako agad kay Caloy sa sinabi. Sumenyas siya sa akin na nasa labas lang siya at maghihintay na tinanguan ko lang.
Umupo ako sa kaharap niyang silya. Tanging ang lamesa lamang ang pagitan naming dalawa. Ngumiti ito ng malawak.
"Anong kailangan ng batang Gomez sa akin?" Mahina niyang tinatapik ang lamesa kasabay ng paghintay ng sagot ko.
●●●
____________
Thank you for reading!
Don't forget to Share, Vote, Comment and Just Cessieffy!
Hanggang sa susunod,
Cessieffy♡
BINABASA MO ANG
Cordelita
Kinh dịGeneva Gomez is a simple girl who wants to have a simple life. Why? Because all her life she's just in her house. Watching movies, playing drums, that's what she's doing for about 15 years.. She can't hang out with her friends because her mother won...