(A/N: Di ko po na-edit 'to kaya sorry sa mga wrong grammar and typos)
Chapter 11: Violent
●●●
"Ano ang kailangan ng batang Gomez sa akin?"
Hindi ko alam kung saan ba ako maiinis. Kung sa ngisi niya na para bang alam na niya ang kailangan ko sa kanya o sa tono ng pananalita niya na para bang siya ang sagot sa lahat ng katanungan ko sa utak.
"Kakilala mo na ba ang mommy ko nang lumipat ka sa kaharap naming bahay?"
As far as I know, She's just our neighbor. I don't know why my Mom give her permission to enter in our house. Hindi ganoon si mommy. Kapag hindi niya kilala ay hindi niya talaga pinapapasok lalo na at wala si daddy. At ngayon hindi ko alam kung bakit siya ang tinatanungan ko ng mga bagay na ito. Maybe just to fill my curiosity? But thats really a lame reason for me to talk to this crazy.
She loudly laughed at my question. Tinawanan niya ito na para bang isa lamang ito sa nakakatawang narinig niyang tanong. Kung hindi lang ako mapagtimpi, siguro ay naihampas ko na ang ulo ng baliw na ito sa lamesa.
"Why don't you answer your question little girl? What do you think? Kakilala ko nga ba?" Is she fucking annoying me?! Oh, I forgot. Baliw nga pala ang kausap ko.
"Kung hindi pa tuluyang nasisira ng pagkabaliw mo ang utak mo ay sasagutin mo ng matino ang tanong ko. Hindi ng isa pang tanong," nakahalukipkip kong sagot. This crazy old woman is really getting into my nerve.
"Oohhh," nanunuya niyang sabi. I'm now pissed, thanks to this bitch.
"You know what? You can just easily answer my questions. Naiintindihan kong may saltik ka sa utak pero kapag pinagpatuloy mo pa ang pagpapakita mo sakin ng kabaliwan mo, hindi ko na alam kung makakatawa ka pa ba o matutulala ka na lang hanggang sa makaalis ako."
"Isang kawawang Gomez na walang alam. Hindi mo ba alam na ang kuryosidad mong iyan ang maaring makapahamak sa'yo?" Nakangisi nitong sabi. Sa totoo lang natatakot na ako sa mga nangyayari ngayon palang. Ang babaeng nakita na lamang ang katawan sa gilid ng puno, ang sobre sa room namin, ang panyo na nakita ko, ang matandang humablot sa'kin, ang mga napapanaginipan ko. Lahat 'yon hindi ko alam ang dahilan. Kung bakit ko nasisilayan ang mga 'yon.
"Wala siguro silang tiwala sa'yo? O baka naman hindi na lang talaga nila sinasabi sayo dahil hindi ka naman importante?" Dagdag pa nito.
"Are you going to answer my questions or not? Dahil kung hindi, pwede na akong umalis. Hindi ko kailangan ng walang kwentang tao," malamig kong sabi.
Ang problema sa pamilya ko at sa sarili ko ay magkaibang usapan.
"Hmm.. you tell me about your family. Bakit hindi ka sa kanila magtanong? Tutal pamilya naman kayo," nakangisi nitong sabi. Ayoko na. I'm done. Walang patutunguhan ang usapan na 'to.
I stand with a hint of dismissal.
"Oh saan na pupunta ang batang Gomez? Kawawa naman at araw-gabi niyang maiisip ang lahat ng gumugulo sa kanyang isipan," mula sa naaawang mukha ay napalitan ito ng nasisiyahan at malakas na tawa niya.
Wala akong mapapala sa babaeng 'to. She didn't even give me a hint or any clue sa mga itinanong ko.
Pagkalabas ko ay nakita kong palapit na ang babaeng Bijou daw ang pangalan. Bijou? What a weird name.
Nasa likod niya si Harry na mariing nakatitig sa likod niya.
"How was your talk with her? Did she entertained you well? Any interesting story?" She mockingly smiled at me.
"Masaya. Mahinahon kami parehas kaya walang problemang naganap," nakangiti kong sabi.
Palibhasa bayolente ang babaeng 'to.
"Binabaliw ka lang niya,"
"How'd you say so? Binaliw ka na ba niya?"
"Hindi na niya kailangan pang gawin iyon sa'kin. Sa hitsura mo palang pagkalabas mo ng pinto ay kita ko na," Nakahalukipkip niyang sabi.
"Wala siguro siyang sinasagot sa'yo tuwing tinatanong ka niya kaya ka ganyan,"
Of course, paanong may masasagot sa kanya ang baliw na iyon kung bayolente siya at nagsisigaw sa harap non. Kailangan pa ba talagang yakapin siya ni Harry para lang huminahon siya? Tss.
"Hmm.. you tell me. Did she happily answered your questions?" I can hear sarcasm coming from this bitch.
"Bitch," mariin kong sabi.
"Coming from you,"
Bakit ba wala akong matinong makausap na kahit na sino sa lugar na 'to? Ah, sabagay. Wala naman ako sa mall. Nasa mental ako.
"That's enough. Bij, hindi ba may pasyente ka pang pupuntahan? Lets go," sabi ni Harry sabay hinawakan si Bijou sa kamay. May naaamoy talaga ako sa dalawang 'to eh. Ano kayang meron sa dalawang 'to?
"Sorry for that, Gev. Hindi ko rin alam kung anong meron sa dalawang 'yon. Mga mahaharot," tumawa si Caloy sa sinabi niya.
"It's okay. I have to go,"
Umamba akong aalis na nang hawakan niya ang braso ko.
"Subukan mong kausapin si Bijou. Tingin ko parehas kayo ng gustong malaman," sabi niya at umalis na.
Kausapin? Parehas ng gustong malaman?
Nang makita ko nga siya ay parang pamilyar ang kanyang mukha. Hindi ko nga lang alam kung saan at kailan ko siya nakita. Para bang matagal ko na siyang kilala.
Pumara ako ng taxi at sinabi ang patungong resort.
Iniisip ko kung paano ko malalaman ang tinatago nila sa akin. Dapat ba akong magtanong sa kanila? Kung tatanungin ko ba sila ay sasagutin nila ako? Hindi ba sila magsisinungaling sa akin? Bakit hindi sila nagsasabi sa akin ng mga nalalaman nila sa pamilya? Dapat ko bang ipagpatuloy 'to?
My mind is full of questions. Questions that i don't think will be answered.
I'm thinking of what plan should I do next? I didn't get any informations from that mental institution. I just waste my time.
But then I think of Hux. How about him? If I ask him, would he answer it? Kung magpaplano ako para sa sarili ko, paano siya? Hindi ko ba siya isasali sa mga iyon? Pero.. ano ko ba siya? Ano bang meron samin? Wala. It means I don't need him to be part of my plans.
Ano ba talaga ang dahilan nila kung bakit naglilihim sila sa'kin? Dahil ba 17 palang ako? Iniisip nila na hindi ko pa maiintindihan kung ano mang nililihim nila sa'akin?
Hindi dahil maraming kabataan ang hindi marunong umintindi ay igagaya na nila ako. Nakakainis! Paano ko ba malalaman itong tinatago nila sa'kin? O dapat ko bang alamin? Ano namang mapapala ko?
Pagkababa ko ay agad akong nagbayad at pinakatitigan ang disenyo ng resort sa labas.
I don't know but the first thing that comes to my mind when I stare at this resort is hell.
●●●
____________
Thank you for reading!
Don't forget to Share, Vote, Comment and Follow!
Hanggang sa susunod,
Cessy♡
BINABASA MO ANG
Cordelita
HorrorGeneva Gomez is a simple girl who wants to have a simple life. Why? Because all her life she's just in her house. Watching movies, playing drums, that's what she's doing for about 15 years.. She can't hang out with her friends because her mother won...