Chapter 9: Day 3

5 2 0
                                    

(A/N: Di ko po na-edit 'to kaya sorry sa mga wrong grammar and typos)

HAPPY NEW YEAR!! SANA MAGING MASAYA ANG 2019 NIYO:))

__________

Chapter 9: Day 3

●●●

Pangatlong araw na ng bakasyon namin dito. Tungkol sa nangyari noong isang araw ay hindi na namin pa pinag usapan. Ayaw naman naming masira ang bakasyon na 'to kung iisipin pa iyon.

Kumuha ako ng isang keychain na pangcouple at pinagmasdan ang disenyo nito. May nakasulat na Babe Forever ito. Ang korni pero bibilhin ko na lang 'to para dun kila Fely. Tutal parehas naman silang korni ng boyfriend niya. Nakakaumay.

Syempere hindi kami pwedeng mawalan ni Hux. Hihi. Kumuha ako ng dalawang keychain na black at pinasulatan ko sa nagtitinda. Surname namin ang nakalagay at may maliit na puso sa dulo. Teka, bakit parang nagiging korni na rin ako? Puso? Yuck! pero.. sayang kasi kaya hayaan na lang. nasulat na e.

Nang matuyo ang nakasulat sa keychain na binili ko ay nilagay ni ateng nagtitinda sa isang maliit na paper bag. Nabigay ako ng buong dalawang daan. Habang hinihintay ang sukli sa bayad ko ay napansin kong may kumpol ng tao sa parteng may puno. Dito ko nakita yung lovers na naghaharutan nung isang araw ah? Anong meron?

"Sukli mo 'neng," kinuha ko agad ang sukli ko at tumango kay ateng tindera 'saka naglakad patungo sa mga taong nakatayo malapit sa malaking puno.

'Jusmiyo! Ke bata naman nito!'

'Oh diyos ko patawarin ng panginoon ay may gawa nito'

'Ang baho na niya!'

Ano bang pinag uusapan ng mga 'to?

"Excuse me po, padaan po. Makikiraan.."

Oh shit!

Napatigil ako nang makita nang malapitan ang nangyayari. May dalawang pulis na may hawak na mga pala malapit sa malaking puno. Sa kabilang gilid ay isang sakong puno ng dumi at dugo. Wag mong sabihing...

"Walang awa ang may gawa nito sa kanya! Isang demonyo ang may gawa nito at hindi tao," naiiling na sabi ng matandang nasa tabi ko.

"Kawawa naman ang nobyo niya" napatingin naman ako sa isang ginang na nagsalita.

"Nobyo?" Tanong ko.

Tinaasan muna ako ng kilay ng ginang bago niya ako sinagot.

"Oo, may nobyo ang babaeng 'yan. Narinig ko ngang noong isang araw ay nagtatalo pa ang dalawa pero heto na pala ang nangyari sa dalagang 'to. Sayang at hindi nila naayos ang alitan nila ng nobyo niya. Mabait pa naman ang magkasintahan na 'yon."

Kung ganon sila nga ang nakita ko noong isang araw sa ilalim ng punong ito. Pero kung mabait sila, bakit may nakagawang patayin ang babaeng 'to? Nasaan ang nobyo niya?

Madami pa sana akong gustong itanong pero masyado naman akong nanghihimasok kung ganoon ang gagawin ko. Kaya sa halip na magtagal pa roon ay umakyat na lang ako patungo sa aming room.


Pagka akyat ko doon ay hindi na ako nagulat nang madatnang walang tao roon. Maybe they're touring around to see the beauty of this resort. I don't know if I can call this resort beauty and adventurous because of the tragedy happened awhile ago. And it's a big mystery for me that the girl I saw the other night are dead. Kung mabait siya at ng nobyo niya ay bakit may magtatangkang patayin siya? Pwera na lamang siguro kung may kaaway ito na sobra sobra ang galit sa kanya.

Nagpunta ako ng kusina at nakita ang dalawang puting sobre at isang itim na nakalapag sa lamesa. Bakit nandito pa 'to? Hindi pa ba natitignan nila Fely 'to?

Sa dalawang puting sobre ay may nakalagay na My dearest Gomez ang isa ay may punit sa gilid at mukhang makaluma na.

Ang itim na sobre naman ay may nakalagay na 'querida'. What the fuck is the meaning of this?

I opened the other white envelope. It smells like an old paper from an old book. I was surprised at what I saw. It contains a family picture. Our family picture.

May tuyong dugo sa litrato at tila binaboy ito sa mga nakaguhit na kung anu-ano. Pagkatingin ko sa likod na litrato ay may nakasulat na hindi ko maintindihan. 'una familia feliz'

Takot at pangamba ang lumukob sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga ganito. May kaaway ba sila mommy o may naging kaaway ba? Hindi bat masyado namang matapang ang tao na yun para padalhan kami ng litrato namin na puno ng dugo? Bakit wala silang nakukwento sa akin?

I have this idea that they are keeping a secret from me. For what? Hindi ba sila nagtitiwala sa'kin? O baka naman ayaw lang nila akong mangealam sa mga gagawin nila? Pero pamilya nila ako! This is so unfair!

Hindi matanggap ng utak ko na ang pamilya ko ay may itinatago sa akin. Nagkakaintindihan sila samantalang ako ay parang tanga lang na walang alam. Kung hindi nila masabi sa akin kung ano 'yon, ako mismo ang aalam.

Sa dami ng iniisip ay napagdesisyunan kong pumasok na lang muna sa kwarto ko. Sa ilang oras na nakatulala sa teresa ay nakapag isip na ako ng plano.

Kailangan ko munang alamin kung ano ang ibig sabihin ng mga lenggwaheng nabasa ko. Pagkatapos non ay bibisita ako kila harry. Baka sakaling may alam sila sa mga ito. Kailangan kong dalhin ang mga sobre na iyon. Kailangan ko rin ng sapat na pera para sa mga kakailanganin ko. Pati mga kopya ng mga aalamin ko ay kailangan. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ito. Tungkol ito sa pamilya ko kaya kung hindi nila kayang sabihin sa akin ay mag isa kong aalamin kung ano ang ibig sabihin at kailangan ng nagpapadala nitong mga ito.


Kinuha ko ang mga tatlong sobre na 'yon at dinala sa kwarto. Hinahanapan ko ng lokasyon kung sino ang nagpadala nito nang biglang magbukas ang pinto. Shit! Mabilis kong itinago yun sa ilalim ng kama. Hindi ko pa alam kung maayos ba ang pagkakatago ko pero dahil nagmamadali ay hinayaan ko na. Bakit ba kase hindi ko nilock! Ang bobo talaga!

"Ano yung tinago mo?" Tanong ni Hux pagpasok.

"Tinago? Wala naman akong tinatago ah?" Nakangiti kong sagot.

"Nakita ko na may tinago ka," shit naman! Mukhang mabubuking pa yata ako ah.

"W-wala yun. Ano ka ba nag aayos ako ng higaan. Nagulo kase kanina kaya ayun inayos ko muna. Hehe," maniwala ka please! maniwala ka please!

"Oh, okay. By the way, sa'yo ba 'tong keychains? Kinuha na nila Fely yung dalawa kaya itong dalawang itim ang natira," pinakita niya sa akin ang dalawan itim na keychains na may pangalan namin. Ang bobo talaga! Bat ko nga ba nakalimutan na may binili akong keychains para sa aming apat! Ulyanin talaga!

"Ahh oo. Binili ko 'to kanina. Tig isa tayo dito," sabi ko nang tumayo at kinuha ang sa akin. Nilagay ko ito sa drawer malapit sa kama nang hindi siya tinitignan.

I cant look at him lalo na kung nag iisip ako ng plano. If they can't trust me then I wont trust them too. Simple as that.


Hindi ko sila pipilitin na sabihin sa akin kung ano ang nalalaman nila. Pero... sisiguraduhin kong malalaman ko kung ano man ang nalalaman nila. Lahat. Higit pa sa kaya nilang malaman.

●●●



____________

Thank you for reading!

Don't forget to Share, Vote, Comment and Just Cessieffy!

Lovelots:))

CordelitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon