Chapter 5: Vacation
●●●
Pagkadilat ko ay sa couch agad ang bagsak ng mga mata ko. My smile suddenly fades when I didn't saw the man whom I'm expecting to be here after I woke up. Akala ko mag-iistay siya para bantayan ako?
Nah! I'm being too clingy and demanding! Syempre may sariling mundo rin ang lalaking 'yon! What if kumakain na pala siya? Diba!
Kaya naman ang ginawa ko ay nag-ayos muna ako ng sarili. Nagtoothbrush ako, naligo at nagsuklay. Nang matapos ay halos mapatalon ako sa gulat nang makitang ang kanina hinahanap ko kanina ay nasa kama ko ngayon at may dalang tray ng pagkain. May pulang rosas sa gilid ng plato.
"Good morning. I thought you're still sleeping kaya dinala ko na ito sa kwarto mo." Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi napansin ang sinabi dahil nakatitig lamang ako sa rosas na nasa tray. Mayroong maliit na papel doon.
"How was your sleep?" Tanong niya habang inaayos ang mga pagkain na dala.
"Uhm.. Ayos naman. No bad dreams and hallucinations." Nakangiti kong sabi at umupo na. Nakakatuwa na pinagsisilbihan at pinahahanda ka ng lalaki ng lunch. Well, brunch ko na ito dahil tinanghali ako ng gising kaya hindi ako nakapag breakfast.
"Bad dreams? Hallucinations?" Kunot noo niyang tanong. He sat down infront of me.
"Yeah. You know... sometimes, I'm hallucinating that there's someone who's staring and watching at me. And I thought if I sleep mawawala ang feeling na yon. Pero hindi.. Kasi hanggang sa panaginip para akong sinusundan."
"Uhm.. pwede ko bang malaman kung ano yung mga napapanaginipan mo? Kung ayos lang." Lumapit siya sa akin upang makalipat ng pwesto. Nakasandal na siya sa headrest ng aking kama. Wala naman sigurong masama kung malalaman niya ang mga bumabagabag sa akin tuwing gabi.
"Well, yung una kong panaginip ay laging may mga babae at lalaki, demonyo at kulto. Madalas, hinahabol ako ng isang babae. I think mas matanda ako sa kanya. Then, may isa pang babae na parang kinakausap ako.. Mas matanda siya at sa panaginip ko. Siya ang pinakanakakalitong tao. Meron ding dalawang lalaki na naghahanap sa akin. At isa pang lalaki na gusto akong patayin. Then, papasok na ang demonyo sa panaginip ko. Kapag malapit na ang mga humahabol sa akin nag-iiba sila at laging demonyo ang nakikita ko. Tapos mapupunta na lang ako bigla sa isang lugar na hindi ko alam. Madilim, tahimik, malamig, nakakatakot. May mga kumakanta at sumasayaw, nakapalibot sila sa isang malaking apoy at sa gilid noon ay may mga rosaryo at alay na mga hayop. Punong-puno ng dugo na para bang may inaalayan sila ng mga 'yon. At pagkatapos noon may..." tumikhim ako at tumingin sa kanya na seryoso at tila may malalim na iniisip. "Uhmm.. nagugutom na ako. Kakain na muna ako." Sabi ko upang hindi na ipagpatuloy ang pagkukwento. Nakuha ko naman ang kanyang buong atensyon. Inayos niya ang pagkain sa harap ko.
Hindi ko kayang ikwento lahat ng napapanaginipan ko. Maaaring may mga maikwento ako sa kanya tungkol dito ngunit hindi lahat. Hindi lahat.
Nagsimula na akong kumain at siya ay nanatiling tahimik, tila maraming iniisip.
Maybe he's thinking that I'm crazy. Na gawa-gawa ko lamang ang mga kinuwento ko.
"By the way, I thought Mom and I will talk about you know.. uhmm.. Pwede bang pagkatapos kong kumain, mag-usap na kami?" Tanong ko sa kanya. Madilim itong tumingin sa akin.
"We will have a vacation so you have to pack your things after you finish your food. Madaling araw tayo babyahe." Napakunot ang aking noo nang mapansing iniba niya ang topic namin ngunit naipagsawalang bahala rin nang pumasok sa isip ako ang sinabi niyang bakasyon.
We will have a vacation! Ilang weeks na rin akong hindi nakakalabas o nakakagala man lang! I need this! It's time to freshen up my mind. Palagi na lang kasing may takot at pangamba akong nararamdaman kaya kailangan kong mag loosen up. Maybe I can find some friends while we're on that vacation and then some boys seeing for me and Fely! Kaso magseselos naman si Steven.
"Vacation?! Really? Wait.. Pumayag na ba si Mommy? How about Dad? Si Fely alam na ba niya?" Bahagya akong tumikhim upang hindi niya mahalata ang excitement sa boses ko.
"Easy," sabi niya habang nakangisi. Ako naman ay huminga ng malalim at kinalma ang sarili.
"Nakapag-paalam na ako kila Tita and Tito. And yes, Fely knows about this. Isasama niya ang boyfriend niya." I cursed myself for screaming like an idiot because of excitement. Sa wakas bago magpasukan ay makakapag bakasyon din ako!
"Are you happy?"nakangiti niyang tanong.
Aba syempre, gago!
"Of course!" Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan. I really can't believe this! Kapag ako ang nagsasabi ay hindi niya ako pinapayagan. Tulad na lang nang nagsabi ako sa kanya na sasama ako sa mga kaklase ko na mamasyal. Tandang-tanda ko pa na halos mag-away na kami dahil doon.
"Mom, please! Mamamasyal lang kami. Hindi naman siguro ako aabutin ng gabi." Pagpipilit ko sa kanya nang hindi niya ako payagang sumama sa mga kaklase ko.
"No! You're just 16! Paano kung maaksidente kayo?! Or worst may gawin kayong kalokohan! You don't know anything on what's happening in this world! Kaya manatili ka sa kwarto mo at magbasa!" Galit niyang sigaw.
"Yes! I don't know anything because you're always keeping me here. Para akong bilanggo sa sarili kong bahay sa ginagawa niyo, my."
"No, hindi ka pwedeng umalis ng bahay. Pinayagan na kitang mag-enroll sa school na yan kaya makuntento ka! Or else you will be homeschooled again!" Sa sinabi niyang iyon ay napaiyak na lamang ako at napilitang umakyat patungo sa aking kwarto.
At that time, hindi ko talaga alam kung bakit ganoon kastrikto si mommy. Nakakalabas lamang ako ng bahay kapag kasama silang dalawa ni daddy o di kaya ni Fely.
"I'm so excited!" Sabi ko nang kumalas ako sa yakap, sa kanya. "How many weeks? 3? 4? Or months?" Excited kong tanong sa kanya. Tuwing umaalis kasi kami nila mommy at daddy ay palaging 2 or 3 days lang. Minsan pa nga ay isang araw lang dahil palagi nilang sinasabi na delikado raw'ng sa labas at maraming trahedyang nangyayari.
"1 week. 'Yon lang ang ibinigay sa akin ni Tita Geneviv para sa bakasyon na 'to." Mayroong parte sa akin ang nalungkot ngunit mas nangingibabaw pa rin ang saya dahil minsan lang ito!
"By the way, Nakasulat sa papel na 'yon kung saan tayo magbabakasyon." Turo niya sa papel na nakatiklop sa tray.
Mabilis ko itong kinuha ar binasa.
Daemon's Paradise Resort
"Actually, Steven's dad is the owner of that resort. Libre niya na lahat ng gagastusin sa resort nila." Woah! Matagal nang nobyo ni Fely si Steven pero ngayon ko lang nalaman na meron pala silang resort! Bigtime!
Sunod kong kinuha ang bulaklak sa gilid ng plato ko. Inamoy ko muna ito at nakangiting tumingin kay Hux. Kinagat niya ang kanyang labi at nagpigil ng ngiti. The cutest gesture I've ever seen.
Simula na yata 'to ng masasayang araw na dadating sa'kin. Hihi.
●●●
____________Thank you for reading!
Don't forget to Share, Vote, Comment and Just Cessieffy!
For more questions and updates, you can follow me on Twitter!:)
«Twitter:@Cessieffy»
BINABASA MO ANG
Cordelita
HorrorGeneva Gomez is a simple girl who wants to have a simple life. Why? Because all her life she's just in her house. Watching movies, playing drums, that's what she's doing for about 15 years.. She can't hang out with her friends because her mother won...