CHAPTER 7

312 7 0
                                    

Sierra's POV

"I can't believe you, dad! Pa'no mo nagawa sa akin ito?!" sigaw ko.

Nasa kompanya niya ako ngayon at nag-ieskandalo, kung tawagin nila.

I can't believe him! Nagawa niya akong ipamigay sa baliw na lalaking 'yon?!

"Hija, tone down your voice" mahinahon niyang sabi.

"No! Dad, ayoko! Ayokong makasama ang gaya niya! Please.." saad ko na nagpanganga sa kanya.

"Did you just say 'please' ?" tanong niyang di ko na lang sinagot.

Napabuntong hininga siya, "I'm sorry hija, but no. Di ko pwedeng gawin ang sinasabi mo. Besides, why don't you try it with him, malay mo mag-work diba?" natatawa niya lang na saad. He's not taking this seriously!

"I said no!" mariin ko paring sabi.

Nawala ang masayang itsura at awra ni dad, at napalitan ito ng pagka-seryoso.

"Masyado ng sumusobra ang katigasan ng ulo mo, Sierra! Kailangan ng putulin yang sungay mo!" sigaw niyang nakapag-pagulat sa akin.

Napa-iling na lang ako at umalis na doon, wala akong mapapala kay dad. Kailangan kong mag-isip ng ibang plano.

Sinubukan kong tawagan ang ex kong si Bryan, siya yung dinala ko noon nung una kong makilala si Kael.

'The number you have dialed..'

Damn! Bakit naka-off ang phone niya?! Makailang ulit ko pa siyang tinawagan ngunit wala akong napala.

Kaya tinawagan ko nalang ang dalawa kong kaibigan na sila Dianne at Lyka para mag-bar.

"What's up-- oh my gosh! Sierra! Why are you crying girl?" gulat na sambit ni Lyka ng makita niya ako.

Shit. Di ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako sa frustration kung paano ako makakawala sa problema ko ngayon.

Dahil wala rin naman akong mapapala sa bar na iyon at hindi pa tumigil ang mga mata ko sa pagluha ay nagdesisyon na lang akong umuwi.

Nadatnan ko si Kael na nakahiga sa sofa at ng makita ako ay agad akong dinaluhan.

Sa lahat ba naman ng tao ay bakit siya pa? Why him? Bakit si Kael pa?

Nanatili lang ako sa pagkakayakap niya sa akin.

"Nasa tabi mo lang ako, Sierra"

•••

When Mr. Right Meets The Badgirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon