CHAPTER 10

300 9 0
                                    

Sierra's POV

Nagising ako sa sikat ng araw na saktong tumatama sa aking mukha. Pero imbes makabangon kaagad ay nanatili akong nakahiga dahil sa isang bagay o tao na naka-dagan sa akin.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at mukha kaagad ni Kael ang bumungad sa akin.

Pinagmasdan ko lang ang mukha niya hanggang ma-kontento ako. Ang maamo niyang mukha na nakakagaan sa pakiramdam, yung mukhang hindi gagawa ng masama.

Napangiti ako. Kung hindi ko lang alam ang mga kalokohan niya, ay maaaring maloko ako sa mala-anghel nitong mukha.

"Staring is rude. But if you're the one who's staring at me, then it's fine" biglang sabi nito kaya bahagya akong nagulat.

"Gising ka na pala, hindi ka pa bumangon" Sabi ko at inirapan siya.

Ngumisi naman ito at bigla akong hinalikan sa pisngi. "Morning, babe"

Natigilan naman ako saglit bago siya binigyan ng mahinang suntok. "Morning, jerk. Bangon na, ang bigat mo" sabi ko at inirapan siya.

Tumawa ito at bumangon. Babangon na rin sana ako ng bigla niya akong buhatin.

"Shit! Put me down, Kael!" Tili ko, pero imbis na ibaba niya ako ay nagpatuloy lang siya sa paglakad patungong kusina.

Laking gulat ko ng may naka handa ng agahan sa lamesa. Siya ba ang may gawa ng lahat ng 'to?

Nakanganga akong tumingin sa nakangiti niyang mukha.

Nang maibaba niya ako sa isang upuan ay agad akong nagtanong. "Ikaw ang naghanda ng lahat ng 'to?"

"Yup. Hope you'll like it." Nakangiting sabi nito habang linalagyan ng mga pagkain ang plato ko.

"Kung gano'n kanina ka pa gising?" tanong ko ng maka-upo na siya sa sariling upuan at ang sariling plato naman ang linalagyan.

"Yeah. Anyway, let's eat." Anito at akmang susubo na ng sapakin ko siya ng mahina sa braso.

Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin. "What?"

"Hindi mo man lang ba muna ako hihintaying makasubo? Gano'n kaya ang ginagawa ng mga boyfriends!" singhal ko sa kanya na ikinatawa niya.

"Is that so?" Anito at kumagat ng isang hotdog.

At dahil sa inis ko sa kanya ay tumayo na ako upangumalis na sana ng hilain niya ako pa-upo sa kanyang hita at hinalikan. Itinulak niya sa aking bibig ang hotdog bago bitawin ang aking labi.

"I'm sorry, babe. Nagugutom na kasi talaga ako." Mapungay ang mga matang sabi nito.

Damn this man and his freaking way of 'pagsubo'.

•••

When Mr. Right Meets The Badgirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon