CHAPTER 29

258 7 0
                                        

Kael's POV

Ang saya pala talaga sa pakiramdam kung nakalaya na kayo sa nakaraan. Ang ginhawa pala sa pakiramdam yung mag-uumpisa muli kayo sa umpisa, yung wala ng halong mabigat na dala-dala mula pa sa nakalipas.

Hindi ko mapigilang halikan ang likod ng kanyang kamay habang nagmamaneho ako pauwi sa tutuluyan namin. Na-miss ko 'to. Na-miss ko yung kasiyahang nararamdaman ko tuwing kasama ko siya.

Napatingin kami sa isa't isa at parehas na napangiti. She chuckled. "Magpokus ka nga diyan sa pagmamaneho mo! Baka mabangga pa tayo" natatawa niyang bilin.

Napangiti naman ako at bahagyang napatawa. "I'm sorry, hindi ko lang talaga mapigilang lingunin ka." Napailing na lang siya sa sinabi ko.

Nagpokus nga ako sa daan ngunit hindi ko pa rin napigilan ang sarili, dahil hindi ko naman talaga gustong pigilan ang nararamdaman ko. Bahagya kong pinisil ang kanyang kamay na hawak ko dahilan upang mapabaling siya sa akin. "I love you." agad kong wika.

Napasulyap ako sa kanya ng hindi siya sumagot, nakatingin lang ito sa akin habang nakangiti. Nagtama ang mata naming dalawa, bago ko binalik ang tingin ko sa daan. Akala ko'y hindi na siya tutugon sa akin ng maramdaman ko na lang na may malambot na bagay ang dumampo sa aking pisngi. "I love you, too. I love you, so much." Bulong niya na nagpainit sa magkabila kong pisngi.

Pinigilan kong sobrang mapangiti, at saglit kong binitawan ang kanyang kamay upang makurot ang kanyang pisngi. "Jeez, stop it, babe. Baka madisgrasya talaga tayo." Biro ko na ikinatawa lang niya.

Kanina lang habang nakila Dwane at Cassy kami, napagkasunduan naming dalawa na bumalik sa isa't isa. We both agreed to start a new chapter of us again.

"Apology accepted." Sabi niya na bahagya kong itinigil. Anong nangyari at nagbago ang isip niya? Parang no'ng mga nakaraang araw lang ay tila ayaw na niya.

"Really?" Napaayos ako ng aking upo.

She nodded. "Cassy told me that I should forgive you and myself, and then accept all the things we did in the past so that I can be free from this agony." Mariin siyang tumingin sa aking mga mata. "I don't want to be in this kind of pain for the rest of my life, Kael. I want to be happy too."

Napatango-tango ako sa sinabi niya. Same advice from Dwane before.

I sighed. Accepting means moving on. And she decided to move on. "Okay, I understand. Alam kong mahirap na akong tanggapin muli sa buhay mo kaya naiintindiha--" but before I can finished my words she cut me off.

"Let's start all over again, Kael. Let's be stronger this time to face our problems."

I smiled. We will, babe.

•••

When Mr. Right Meets The Badgirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon