Sierra's POV
Napamulat ako ng mga mata ng hindi ko makapa si Kael sa aking tabi. Agad akong napaupo at napalinga-linga sa paligid ng maalalang sabado pala ngayon at malamang ay pumasok na siya sa opisina.
Napabuntong hininga na lang ako at napasandal sa headboard ng kama. Pinalibot ko ang aking paningin at napangiti ng makita ang buong kwarto namin.
After we get back together, napagdesisyunan naming muling tumira sa iisang bubong. Kaya heto, mag-isa lang na naman ako sa condo niya. Wala pa naman akong trabaho tuwing weekends.
Bumangon na ako sa kama ng makaramdam ng gutom. Pababa pa lamang ako ng kwarto ng may maamoy na akong mabangong aroma ng pagkain.
Napakunot noo ako, kaaalis lang ba ni Kael at amoy na amoy ko pa ang kanyang linuto? Kunot noo akong nagtungo sa kusina, ngunit gayon na lamang ang gulat ko ng bumungad sa aking mga mata ang pawisan na likod ng lalaki. Hot.
Mukhang naramdam niya ang aking presensya kaya't lumingon ito sa aking pwesto. Nang makita ako ay agad itong ngumiti.
"Good morning, babe. Tapusin ko lang 'tong linuluto ko and then we'll eat." Wika niya saka muling binalik ang atensyon nito sa pagluluto.
"You're here." Hindi makapaniwalang wika ko.
"Ahm, yeah. May one week leave pa ako sa trabaho kaya, sinusulit ko na." Aniya habang nakatalikod pa rin sa akin. Walang ingay naman akong lumapit sa kanya at yinakap siya mula sa likuran.
Naramdaman ko ang bahagya nitong pagtalon na ikinatawa ko. "Relax, babe. Ako lang 'to."
Binitawan naman nito ang kanyang hawak saka niya pinatong ang kanyang kamay sa akin at liningon ako ng bahagya. "'Yon na nga eh. Ikaw 'yon. Ikaw 'yong yumakap sa akin kaya kumabog ang dibdib ko sa 'di malamang dahilan. Kaya wag mong lina-lang ang sarili mo, Sierra. You're something to me."
Hindi naman ako nakapagsalita sa sinabi niya kaya't yinakap ko na lamang siya ng mahigpit.
"Babe..." I called.
"Hmm?" He response while gently pinching my palm.
"I love you." I said that made him stilled.
Akala ko'y hindi na siya sasagot ng bigla niyang kalasin ang aking brasong nakayakap sa kanya at agad akong hinarap.
He cupped my face and kissed me passionately. "I love you more, babe." He said when our lips parted.
•••
A/N: Yey, malapit na. :) Last 5!

BINABASA MO ANG
When Mr. Right Meets The Badgirl (COMPLETED)
Fiksi RemajaI was hurt, so I decided to live far from them. Far from the past. But I met her, and she wants to know what my past is. I decided to come back again and settle all of my things in the past, so we can live peacefully. But how can I do that if she c...