Sierra's POV
"You what?!" I shouted.
"Agree of the arrangement" swabeng sagot ng antipatikong lalaki sa harap ko.
"Are you fucking out of your mind?!" inis kong sigaw.
Nasa isang restaurant kami ngayon at halos pinagtitinginan na kami ng mga tao. Pinagkita kami ngayon ng mga ama namin, at dahil masunurin ako, here I am, meeting with this fucking jerk.
"And, titira na tayo sa condo ko" sabi niyang nagpanganga sa akin.
What the hell? Anong naisip ng tatay ko at pumayag siya sa ganitong set-up?!
"No!" tanggi ko.
Ngumisi siya sa akin at humalukipkip. "You don't have a choice. Pinutol na ng dad mo ang lahat ng credit cards at iba pang pwedeng panggalingan ng pera mo" aniyang may himig ng pangungutya para sa akin.
"I don't believe you!" sabi ko kahit kinakabahan na, malaki ang tiyansang ginawa na nga iyon ni dad.
"Why don't you try it? Use your cards, bilang pang-bayad sa mga kinain natin ngayon" nanghahamon niyang sabi.
Gigil akong nagtawag ng waiter at binigay ang card ko, ngunit bumalik itong may dalang masamang balita.
"Ma'am hindi po gumagana 'tong card niyo. Naka-limang beses po kami pero wala talaga" Damn.
"Here try this" I said at binigay ang isa pang card, pero gano'n parin.
"Ma'am cash na lang po kaya?" tanong nito, naluluha na ako dahil sa inis na tumingin sa lalaking nasa harap ko pa rin.
"Ikaw na magbayad" I said at umalis na do'n.
"Where are you going? Hatid na kita" nakasunod pala siya sa akin.
"No thanks, I have a car" I said.
Nagkibit-balikat naman siya sa akin, "If that's want you want. Here's my calling card anyway, baka sakaling kailanganin mo ang tulong ko" aniya at kumindat pa.
Kinuha ko na lang ito at pinaandar na ang sasakyan ko.
Pagdating ko sa gate ng bahay namin ay agad akong bumusina, ngunit hindi pa rin ito bumubukas.
"Damn! Open the gate!" I shouted.
"Sorry po, ma'am. Binilin po kasi sa aming wag kang pagbuksan ni sir!" sagot sakin ng guard.
Napasuntok na lang ako sa manibela, at napatingin sa binigay na calling card ng lalaking iyon.
Alam niyang mangyayari ito. Fuck.
•••

BINABASA MO ANG
When Mr. Right Meets The Badgirl (COMPLETED)
Fiksi RemajaI was hurt, so I decided to live far from them. Far from the past. But I met her, and she wants to know what my past is. I decided to come back again and settle all of my things in the past, so we can live peacefully. But how can I do that if she c...