Kael's POV
Napabuntong hininga na lang ako ng sa ikalawang pagkakataon ng pagdalaw ko sa bahay nila Tito Felix at hindi na naman ako hinarap ni Sierra.
Matapos kong malaman na bumalik na siya rito sa New York ay agad ko ng tinapos ang iba ko pang gawain sa Pilipinas at sinundan siya rito. Akala ko'y madadatnan ko siya sa condo ko, pero gano'n na lamang ang gulat ko ng malamang hindi pa pala bumabalik doon si Sierra. Nalaman ko na lang na bumalik ito sa bahay nila.
"I'm sorry, hijo. Pero hindi talaga binubuksan ni Sierra ang pinto ng kwarto niya. Hindi pa nga siya bumababa mula kanina ng malamang pupunta ka muli rito." Tito Felix sadly said. Napabuntong hininga naman ako at malungkot na tumingin sa itaas kung nasaan ang kwarto niya.
Kasalanan ko naman kung bakit hindi niya ako hinaharap ngayon, eh. I should understand her.
"I understand, tito. Babalik na lang po ako ulit dito bukas."
"Ah! About that... Is it fine if hindi ka muna dumalaw dito pansamantala?" wika nito na nagpatigil sa aking akmang pagtayo. Natigilan ako at wala sa sariling napatitig sa matanda. What does it mean?
"Don't get me wrong, hijo. But, nakwento sa akin ng anak ko ang nangyari at naiintindahan ko naman iyon. Tuloy pa rin naman ang engagement ninyo, but for now... please. Hayaan mo munang makapag-isip ang anak ko."
Tulala akong nakatitig sa bintana ng aking kwarto habang mag-isang nakahiga sa aking kama. Paano ba ako nakauwi ng maayos kahit na ang mga sinabi lang ni Tito Felix ang umiikot sa isip ko?
"Sierra..." mahina kong bulong at dinama ang kabilang parte ng aking kama kung saan siya madalas pumupwesto. Mapait akong napangiti. Sana naman ay mapatawad mo pa ako.
Days had passed until it turns into weeks, at hindi ko pa rin nakakausap si Sierra o nakikita man lang. Pigil na pigil ko ang sariling puntahan siya sa kanila at sapilitang kausapin. I fucking miss her.
Hanggang sa napagtanto kong umiiba na ang ihip ng hangin. Tito Felix build a wall between us. Sa paraang iyon ay wala akong magawa kundi ang maghintay lang ng maghintay na patawarin ako ni Sierra at kusang puntahan. Na hindi nangyari.
"Dad, tuloy pa naman ang engagement right?" I asked my father for how many times. At kahit sagutin pa niya akong 'oo' ay hindi ako makuntento. I need to see her.
"Kung gusto mo talaga siyang makausap, pwes, gumawa ka ng paraan." Tito Felix hardly said to me, nang minsan ko siyang makasalubong. Ibang-iba sa nakausap ko isang buwan na ang nakalipas.
•••

BINABASA MO ANG
When Mr. Right Meets The Badgirl (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsI was hurt, so I decided to live far from them. Far from the past. But I met her, and she wants to know what my past is. I decided to come back again and settle all of my things in the past, so we can live peacefully. But how can I do that if she c...