CHAPTER 34

239 8 0
                                    

Sierra's POV

"Gusto mong lumabas?" Napalingon ako kay Kael na nanunuod ngayon ng 'Inside Out' habang kumakain ng ginawa kong tuna sandwich para sa kanya.

"Saan naman?" Tanong ko saka muling binalik ang atensyon sa paglilista ng mga kailangan naming bilhin bukas.

"Mall, nuod tayo sine." Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.

"Nanunuod ka na nga di'ba? Saka, bukas na. Para sabay na nitong mga bibilhin natin."

Naglalambing naman itong yumakap sa akin, dahilan upang matigil ako sa pagsusulat. "Please, babe? Bukas na yan. Hmm?" Anito saka hinalik-halikan ako sa aking pisngi.

Napabuga na lamang ako ng hininga saka napairap. "Fine. Magbibihis lang ako" sabi ko saka siya iniwan roon upang magbihis.

Napailing na lang ako ng marinig ko ang kanyang sigaw. "Yes!" Ang rupok ko talaga, hayst.

"Alam kong magugustuhan mo ang pupuntahan natin." Nakangising sabi niya habang pinagbubuksan niya ako ng pinto ng kotse.

Inirapan ko naman siya na ikinatawa niya lamang.

"Siguraduhin mo lang."

"Yes, ma'am!" Sagot nito saka sumaludo pa sa akin.

Habang nasa daan kami papunta sa mall ay nakaramdam ako ng pagkahilo. "K-kael?"

Napahawak ako sa aking ulo ng mas lumala pa ang paglabo ng aking paningin.

"Hmm?"

"Nahihi--" pero bago ko pa man natapos ang sasabihin ko ay tuluyan na akong nawalan ng malay.

Napahawak ako sa gilid ng aking ulo ng unti-unti ng nagigising ang diwa ko. Pinikit-pikit ko pa ang aking nga mata ngunit gayon na lamang ang kaba ko ng mapagtanto na madilim talaga ang paligid.

Nasaan ako? Nasaan si Kael?

"H-hello? May tao ba rito?" Mahinang usal ko, ngunit nag-echo lamang ang aking boses sa katahimikan ng lugar.

Sinubukan kong tumayo at igalaw ang aking mga kamay ngunit hindi ako maalis sa aking pagkakaupo.

Shit. Ano ba'ng nangyayari?! Nagumpisa nang dagain ang loob ko.

"Tulong! May tao ba diyan?! Kael!" Napapiyok pa ako at iiyak na sana ng isa-isang nabuksan ang ilaw ng lugar.

At ng tuluyan nang nabigyan ng liwanag ang buong lugar ay nalaglag din ang aking panga sa pagkamangha.

•••

When Mr. Right Meets The Badgirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon