Sierra's POV
"Sa'n ka pupunta?" tanong sa akin ng pakialamerong lalaki.
Inirapan ko naman siya at di sinagot.
"Jeez, Sierra. I said where are you going? It's late at ganyan pa ang suot mo!" inis niyang sabi.
Bumuntong hininga naman ako at hinarap siya.
"Magjo-jogging lang ako, okay? Mas magandang mag-jogging kung gabi" ani ko.
Aangal pa sana siya pero malibis na akong umalis doon.
Tinignan ko naman ako suot ko, though may pagka-revealing hindi naman nakakabastos, tsaka isa pa naka-jacket naman ako.
Pawis na pawis na ako at hinihingal kaya tumigil na muna ako sa bakanteng bench na nakita ko sa malapit.
"Sierra!" boses ng isang lalaki.
"Dave! Hi! What are you doing here?" I asked. Isa siya sa mga kaibigan kong lalaki dito sa New York.
"Oh, I'm just passing by then I saw you here" he said, napangiti naman ako at nakipagkwentuhan saglit.
Nagpaalam na sa akin si Dave na kailangan na niyang umalis, kaya't niyakap niya ako ng mahigpit. Wala namang halong malisya.
"Sierra!" isang mariin at baritonong boses ang umalingawngaw kung saan.
Liningon ko ito at agad na kinabahan ng makita ko si Kael. Papalapit na siya sa pwesto namin kaya't bumitaw na agad ako kay Dave.
Hinapit niya ang bewang ko palapit sa kanya at madalim na tumitig kay Dave, na mukhang naguguluhan.
"Ah, Kael si Dave, kaibigan ko. Dave si Kael, uhm..." nag-iisip pa ako kung paano siya ipapakilala ng siya na mismo ang nagsalita.
"Her boyfriend, dude"
Tumango naman si Dave at nakangisi sa akin bago tuluyan ng umalis.
"What was that?" pagtataray ko.
Hindi naman siya sumagot sa akin sa halip ay hinila na niya ako pauwing condo.
Pabagsak niyang sinarado ang pinto at hinarap ako.
"What was that?! Really, Sierra?! Are you flirting with another man again?!" He burst out.
Napanganga naman ako sa bintang niya at napa-iling. Tatalikuran ko na sana siya ng hinila niya ako palapit sa kanya.
"You can't just turn your back to me while we're talking, Sierra. At lalong hindi ka pwedeng manlandi ng ibang lalaki" he said bago niya ako hinalikan.
•••
BINABASA MO ANG
When Mr. Right Meets The Badgirl (COMPLETED)
Novela JuvenilI was hurt, so I decided to live far from them. Far from the past. But I met her, and she wants to know what my past is. I decided to come back again and settle all of my things in the past, so we can live peacefully. But how can I do that if she c...