CHAPTER 31

233 7 0
                                    

Sierra's POV

Natigil ako sa pagsubo ng biglang nag-beep ang aking phone. Kinuha ko ito at binasa kung sino ang nagtext.

Marienella :

Hey, what's up? Are you free? Eris and the others will having a party tonight, wanna come?

Napaangat naman ako ng tingin kay Kael na nakamasid lang pala sa akin. Ngumiti ito at nag-iwas ng tingin. Napailing na lang ako. "It's Marienella. Nag-aaya siyang magparty kami kasama ang ilang kaibigan."

Tumango naman siya ngunit nanatili ang tingin sa paligid. "Pupunta ka?"

"Kung.. ayos lang sa'yo." Hindi ko siguradong sagot. "Pero kung hindi--"

Bumuga naman ito ng marahas na hininga saka tumingin sa akin. "Bakit hindi? Besides, baka mag-overtime rin ako mamaya sa opisina."

Napatitig naman ako sa kanya, tinatansya kung ano nga ba ang reaksyon niya. Sa huli napabuntong hininga na lamang ako. "Fine. Ititext na lang kita kung nakauwi na ako." Ani ko na tanging pagtango lamang ang kanyang itinugon.

Malakas na ingay ang bumalot sa akin pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa Clero Bar. I sighed. Nagsisi ako bigla sa pagpunta rito.

"Oh! Over there, Sierra!" Agad akong lumingon sa pwesto na itinuro ni Marienella, natagpuan ng aking paningin ang ilang mga kaibigan na nagkakasiyahan.

Pumunta na rin kaming dalawa roon ni Marienella at bumati. Nakausap ko pa ang ilang mga kakilala na matagal ko ng hindi nakita, gaya ni Dave.

"So you've been single for years now?" Gulat kong tanong sa lalaki na narinig pala ng ilan sa amin dahilan upang tuksuhin kaming dalawa.

"Maybe because he's waiting for someone like you, Sier!"

"You're both single, guys! Why not try it?"

Napailing na lang ako sa mga sinasabi ng mga lasing na kasama. That's why I hate being drunk, you will be like a crazy dog.

Ngunit gayon na lamang ang gulat ko ng ang tumatawa-tawang si Dave ay bigla na lamang akong yinakap.

Naamoy ko pa rito ang alak, palagay ko ay lasing na rin ito. Sinubukan ko siyang itulak, "Hey, Dave, are you alright? Can you, ahm, let go of me?" Pero imbes na pakawalan ay mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito sa akin.

Napabuntong hininga ako at muli sanang tatangkaing baklasin ang mga braso nitong yumayakap sa akin ng bigla na lang itong nahiwalay sa akin at naramdaman ko na lamang na hila-hila na pala ako ng iba.

"Hey--, K-kael?!" Gulat kong sigaw ng makitang siya pala ang humihila sa akin palayo.

His emotionless eyes met mine that sent shivers on me. Ano na naman ba'ng nagawa ko?

•••

When Mr. Right Meets The Badgirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon