CHAPTER 16

252 6 0
                                    

Sierra's POV

"Kilala ko siya, Dwane. Pasensiya na sa ginawa niya, Cassy." Hinging tawad ni Kael para sa akin na tila ba ngayon lang natauhan sa mga nangyayari.

Singhal lamang ang sagot ng lalaking nagngangalang Dwane. Tumingin naman sa akin yung babaeng nagngangalang Cassy at ngumisi.

"Looks like may nakilala ka sa New York." Bumaling ito kay Kael at nagtaas ng kilay. "Ano pang ginagawa mo Kael? Help her."

Sa sinabing iyon ng babae doon pa lamang ako tinulungan ni Kael na tumayo. Sa inis ko sa kanya ay padabog kong inalis ang braso niyang umaalalay sa akin kahit hirap akong makatayo. Sinamaan naman niya ako ng tingin at hinayaang mag-isa. What the fuck? Tiniis ko na lang ang sakit sa aking paa kahit na minsan ay lihim akong napapa-igik sa sakit.

"Hi, I'm Cassy!" pakilala ng babae pagkatayo ko. Dahil sa inis ko inirapan ko na lang ito at hindi pinansin. Dire-diretso akong umalis sa lugar na iyon ng may isang kamay na pumigil sa akin.

Wow. Just wow. Matapos kong mag-alala sa kanya, matapos kong mag-effort na puntahan siya rito para surpresahin, ako pa pala ang masusurpresa? Like, wow...

"What's with you, Sierra?!" Kael angrily shouted.

I scoffed. "Hindi mo man lang ba kakamustahin kahit ang naging biyahe ko na lang?"

Hindi naman ito sumagot sa halip ay lalo pang humigpit ang pagkakakapit nito sa aking braso. "Sumama ka sakin, mag-uusap tayo." He was about to drag me in his car ng malakas kong tinanggal ang pagkakakapit niya sa akin.

Natigilan siya pero wala akong pakialam. Bakit pa kailangan naming pumunta sa ibang lugar diba? May magbabago ba? Wala naman, eh. He's still going to break my heart.

"Ano bang nangyari sa'yo, Kael?" My voice cracked and he looked away. "Ayos pa naman tayo no'ng nakalipas na buwan, ha?"

"Sierra, c'mon. Wag dito." He said, akmang hihilain muli ako papasok sa kanyang sasakyan ng umatras ako palayo sa kanya.

"I'm in love with you." Walang paligoy-ligoy kong pag-amin.

Natigilan naman ito at napatingin sa akin. Mukhang hindi makapaniwalang kaya kong magmahal.

"S-sierra, I ahm--"

"It's fine... ayos lang kung," hindi mo ko mahal. Napiyok ako sa sobrang pagpipigil ng damdamin.

"I need to go. Baka magbo-book na lang ako sa isang hotel." Sabi ko at agad siyang tinalikuran. Narinig ko pa ang malakas niyang pagtawag sa akin ngunit hindi ko na iyon pinansin.

This is the first time that I fell in love into someone, and it looks like he is not meant for me.

•••

When Mr. Right Meets The Badgirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon