CHAPTER 8

301 8 0
                                    

Kael's POV

Nagising akong wala na sa aking tabi si Sierra. Magkatabi kaming natulog kagabi dahil nag-aalala akong may mangyaring masama sa kanya. She cried like there's no tommorow.

Ano bang nangyari sa kanya?

Bumaba na ako sa kama at lumabas ng kwarto upang makapag-almusal. Malamang ay wala na siya rito at nasa labas na kung saan man siya pumunta.

But I didn't expect, na makikita ko siya, sa kusina namin na nagluluto.

"Babe?"

Lumingon siya sa akin at ngumiti na nagpatigil sa akin.

"Hi! Nagluto na ako, tinatapos ko na lang 'tong sinangag at kape mo" sabi niya at wala akong ibang ginawa kundi tumango at maghintay.

What's new? Anong meron at ganito siya ngayon? Is it her monthly period? Dinatnan ba siya ngayon at parang may nag-iba?

Akmang tutulungan ko na siya sa paghahain ng pigilan niya ako at sinabihang ma-upo na lang.

"Thanks" sabi ko ng matapos siya.

Ngumiti naman siya bilang sagot. "Oh, kain na! Sabihin mo kung masarap O hindi ha?"

"Masarap..." sagot ko ng matikman ko ang pagkain.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pag-kain ay nagsalita siya.

"Kael," he called me by my name. Seriously? What's happening? "Busy ka ba mamaya? May gagawin ka ba?"

Nag-isip naman ako kung anong gagawin ko mamaya. May meeting ako mamaya kay Mr. Lee at ilang papeles na kailangang pirmahan, pero hindi naman ganoon karami.

Tumikhim ako. "Well, I have a meeting at 9 o'clock and I need to sign some papers later, why?"

"So busy ka nga?" malungkot niyang tanong.

"Parang gano'n..." lalong lumungkot ang itsura niya. "Pero, hindi naman gano'n ka-busy talaga"

"So, can I ask you to go out? Dinner, mamayang six?" nakangiting tanong niya.

"Like a date?" taas kilay kong tanong. Sumisilip ang aking ngisi ngunit pinipigilan ko iyon.

"Yeah... If that's what you call it" hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba O hindi na umirap siya pagkasabi iyon.

"Sure" I said. Hindi nagpapahalatang excited na para mamaya.

Pero yung totoo? Anong meron sa kanya? Is she falling in love with me?

Oh no, Kael. That's impossible.

•••

When Mr. Right Meets The Badgirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon