CHAPTER 33

224 7 0
                                    

Sierra's POV

Napapikit ako ng banayad na dumampi ang kanyang kamay sa aking mukha upang tuyuin ang mga luhang tumutulo roon.

"Bakit ka umiiyak?" Masuyo niyang tanong ngunit imbes na tumahan ako ay mas lalo pa akong napaiyak.

"N-natatakot... natatakot a-ako, Kael. Baka hindi mo ako paniwalaan." Humahagulgol ko ng sagot. Naramdaman kong yinakap niya ako at hinamas ang likod ng aking ulo.

"Shhhh..." pagpapatahan niya. Yumakap din ako sa kanya at sinubsob pa ang aking mukha sa kanyang dibdib.

"Please, maniwala ka. Tinulak ko naman si Dave palayo eh.. please." Paliwanag ko pang muli.

Naramdaman ko naman ang pagbuga nito ng hininga saka nito inangat ang aking mukha. He kissed the tip of my nose and then he rested his forehead against mine.

"Stop saying sorry, babe. Stop it. Naniniwala ako sa'yo. No, nagtitiwala ako sa'yo, alam kong hindi mo sakin gagawin 'yon. Alam kong hindi mo ko magagawang lokohin." Mariin siyang tumitig sa akin. "May tiwala ako sa'yo, Sierra."

Tahimik kaming dalawa habang pauwi sa kanyang condo. Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon kanina ay nag-aya na rin siyang umuwi. At dahil wala na rin akong sapat na lakas ay hindi na ako tumutol pa.

Palihim ko siyang sinusulyap sulyapan ngunit nanatili lang siyang seryoso habang nagmamaneho.

Ang sabi niya sa'kin kanina ay may tiwala siya sa akin, pero bakit parang galit naman yata siya?

Napabuntong hininga na lamang ako ng pagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan ng makarating na kami, habang paakyat sa aming matutuluyan ay nanatili pa rin kaming walang imik sa isa't isa.

Hanggang sa hindi ko na ito matiis. Hinarap ko siya pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa loob ng condo unit niya, tila nagulat naman ito sa ginawa ko.

"B-bakit?"

Napanguso naman ako sa lumabas sa kanyang bibig at hindi na napigilan pa ang mga luhang muling pumatak sa aking mga mata. "Nakakainis ka! Akala ko ba may tiwala ka sa'kin? Akala ko ba naniniwala kang hindi ko naman ginusto yung nangyari kanina? Then why are you acting like that?! Bakit hindi mo 'ko pinapansin?! Galit ka, eh! Galit ka!" Sigaw ko sa kanya at hindi na napigilan pang hampasin siya.

Sinalag naman niya ang mga ito at muli akong hinagkan upang tahanin. "Shh, I'm not mad, alright? Sino ba'ng nagsabi sayo na galit ako? Kaya lang naman kita hindi  pinapansin kanina ay dahil nag-iisip ako." Natatawang sabi nito. Natigil naman ako sa pagluha.

"Ano naman ang iniisip mo?" Mahina kong sambit.

Humigpit naman ang yakap nito sa akin kaya't damang-dama ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. "Iniisip ko lang kung... paano ko sasabihin sa'yo na mahal kita."

Natigilan naman ako sa narinig. "W-what?"

Humiwalay siya sa aking pagkakayakap at tinitigan ako. "Nag-iisip ako kung anong magandang gawin para sabihing 'mahal kita' pero mukhang ito na ang tamang oras kaya, sinabi ko na." Aniya ngunit hindi ako nakasagot. "Sierra?" Pagtawag niya sa akin.

Saka ko lamang napagtanto ang lahat ng sinabi niya. "M-mahal din kita, Kael." Mabilis kong sabi saka siya hinalikan.

Naramdaman kong natigilan ito ngunit kinalaunan ay gumanti rin sa akin ng halik.

Mula ngayon, hindi na nakakatakot banggitin ang mga salitang iyon sa kanya.

•••

When Mr. Right Meets The Badgirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon