XII. Sorry

1.3K 28 7
                                    

Kabanata 12

Sorry.

"Daff..." he called out.

I missed his voice. I missed the way he calls me. I missed his lips. I missed his chuckles. I missed his jokes. I missed our nonsense topics.

I just miss him... so damn bad.

'Yung tipong kahit katabi ko na siya ngayon at kasama, namimiss ko pa din siya. Malubha na nga ata ako.

I miss everything.

I miss us.

Bahagya ko siyang nilingon para hintayin ang sasabihin niya.

"Kamusta ka?" he asked for the first time in four years. 'Yan ang tanging tinatanong sa akin ng mga tao.

Daffney, kamusta ka na?

Pero hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong isagot sa kanya kasi...

Kamusta na nga ba ako?

"Hindi ko rin kasi alam."

Hindi ko rin alam kung kamusta ako.

"Ikaw, Darlin, kamusta ka?"

He looked at me, pero kaagad niya rin namang binawi iyon. He looked up, kung saan makikita mo ang mga bituin.

"Hindi ko rin kasi alam, Daff. Basta ang alam ko lang, na ngayon, masaya ako. Sobrang saya ko. Ang babaw ko 'no?"

"Bakit ka masaya?" I asked.

Buti pa siya naging masaya siya. Ako kaya? Kailan kaya ako magiging tunay na masaya? Sasaya pa nga ba ako?

"After everything..." he trailed off. Gulat ko ng kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop iyon sa kanya. I looked at our hands intertwined together. Hindi ko binawi ang kamay ko.

Hindi ko binawi. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro, dahil gusto ko rin. Gusto ko 'yung nangyayari. Gusto kong ganito siya at ako. Gusto kong ganito kami. I wasn't the clingy type of girl friend. I wasn't even sweet, hindi naman kasi talaga ako ganoon. Kaya naman tuwing masaya ako, ang ginagawa ko ay hawakan ang mga kamay niya.

Sa paraang iyon ko lamang napapakita ang pagmamahal ko.

Tinitigan niya ako ng diretso sa aking mga mata. Marami mang nagbago, pero hinding-hindi yata magbabago 'yung nararamdaman ko kapag tinitingnan niya ako. Kapag tinitingnan ako ng mga matang 'yan. Mga matang noon ay sa akin lang. Mga matang minahal at pinaiyak ako ng lubusan.

Looking at those eyes...

The feeling was always foreign to me. Palaging kakaiba, hindi ako masanay-sanay. Kaya naman ng hindi ko na sila nasisilayan, hinahanap-hanap ko na.

"I'm happy," he said like he was convincing himself. Then, I saw a tear escaped from his eyes. He didn't even bother to wipe those away. Gusto kong punasan ang mga luha niya. Pero may pumipigil sa akin na gawain iyon.

Noong iniyakan ba kita...

Pinatahan mo ba ako?

"W–why?" I managed to ask, kahit na kaunti na lang ay pipiyok na ako. Hindi ko rin alam kung bakit ba ako naiiyak.

"I'm with you. I'm with you again."

Then, tears continuously streamed down on his face. I wanted to wipe them away... pero alam kong mali na. Alam kong hindi na ito tama.

After We HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon