Kabanata 14
His Surprise.
FOUR YEARS AGO.
"Mommy, pupunta lang ako kina Darlin ha!" I excitedly exclaimed, pero kaagad din nawala ang excitement ko ng umiling siya sa akin.
"You can't," she started. "Pamahiin iyon malas daw kapag magkikita ang ikakasal. Dapat daw ay hindi nagkikita ang bride at groom sa araw bago sila ikasal."
"Pero, mom—"
She shook her head. "No."
Hindi ko na siya kinontra pa dahil alam kong hindi ko talaga siya papayag na magkita kami ni Darlin. Umakyat nalang ako sa kwarto ng mabigat ang loob at tyaka nag-isip ng plano.
Nang mag-twelve am na ay dahan-dahan akong lumabas ng bahay ng palihim. Tulog na kasi ang lahat ng ganitong oras sa amin, maging si manong guard tulog na din sa guard house namin.
Nag-drive kaagad ako papunta sa condominium ni Darlin. Gusto ko sana siyang i-surprise. Mamaya ay kasal na namin, pero I really miss him, hindi na ako makaantay na makita siya. Busy kasi ako kahapon at siya naman noong isang araw kaya hindi kami nagkita.
Ang hassle palang ikasal!
Hindi na ako nag-abala pang mag-doorbell. Gusto kong makita ang reaction niya kapag nakita niya na ako. Alam ko naman ang code niya.
Hindi lang naman dahil gusto ko siyang makita kaya nagpumilit akong pumunta dito. Today's our sixth anniversary of being together. Ang date na napili namin para sa kasal namin ay ang petsa din at ang araw kung kailan naging kami. Kaya naman ngayon may dala lang akong isang maliit na cake at anim na kandila.
I just want to greet him.
For the last time, as my boyfriend.
Dahil next year... asawa ko na siya.
Wala siya dito sa salas. Siguro tulog na siya sa kwarto niya. Nag-handsome rest, napaka-vain na tao din kasi noon minsan. Patay na ang mga ilaw, mga dim lights na lang sa bawat sulok ang bukas, kaya naman nagpunta ako doon sa kwarto niya.
The door was slightly opened.
I could hear something, but no...
Hindi niya naman magagawa sa akin ito, hindi ba? Bakit niya naman gagawain sa akin 'to?
Kasal namin bukas.
Kaya imposible.
Hindi siya ganoong klase ng tao.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto niya. I was about to shout surprise pero natigil ako sa nakita ng dalawa kong mga mata.
Surprise ko 'to sa kanya, hindi ba?
Pero... bakit parang ako naman ata ang nasurprise? Bakit ganito ang nadatnan ko?
Is this his surprise?
Wow.
Happy sixth anniversary, Darling!
This is one of the best surprises a girlfriend could ever receive!
He was shocked when he saw me, but he didn't move nor spoke.
Naramdaman ko na lang ang pagka-basa ng akong pisngi. Hindi ko na din namalayang natulo na pala ang mga luha mula sa mata ko.
BINABASA MO ANG
After We Happened
RomanceLove is home and life, it never fails. Though shall not seek for love. Love will always defy all the odds no matter what happens. So, let love find you and thus, it will bring you home and fulfill your life. BOOK TWO OF WE HAPPENED DUOLOGY