XLIX. Don't You Want It?

1.1K 38 6
                                    

Kabanata 49

Don't You Want It?

"Kaya mo 'yan, okay?" I squeezed his hand. "I love you!" I kissed him on the forehead at unti-unti ay binitawan ko na ang kamay niyang kanina ko pang hawak.

Pumayag na siyang magpa-chemo theraphy dahil pinilit ko din siya. It's been two weeks mula ng umuwi na ulit siya dito sa Pilipinas Kaagad kong naramdaman na may umakbay sa akin. He was smiling genuinely at me. "Thank you..." sabi ni Deninn sa akin.

He didn't even need to thank me. Kailangang gawain iyon, because Darlin needed to live. Kailangan niyang mabuhay. Para sa akin. Para kay Drae. Para sa pamilya niya. Mabubuhay pa siya ng matagal. Tatanda pa kami ng magkasama. We'll have more little Darlins and Daffneys. Magkaka-isang buong pamilya pa kami. Kaya hindi niya pa akong pwedeng iwanan.

I looked at Darlin who's currently on his ongoing chemo therapy, just seeing him suffering like this—pati ako nasasaktan kahit tinitingnan ko siya. If only I could trade my blood... sana ako na lang ang nahihirapan. Sana ako na lang.

Tinitiis niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya, kahit pagod na pagod na siya... I love him so much. Dahil lumalaban siya. Lumalaban pa din siya kahit masakit na.

Nalaman na rin ng mga pinsan ko ang kalagayan niya at pati ng buong barkada. They also helped me in motivating and convincing Darlin to never give up and that there's still hope for him. Hope.. for us.

Halos hindi na nga ako umuuwi sa amin, makasama ko lang siya. Parang dito na rin ako nakatira. Ayoko ng mapahiwalay pa sa kanya. Gusto ko, palagi lang akong nasa tabi at piling niya.

Pagkakatapos ng chemo theraphy niya ay mas lalo pa yata siyang pumuputla. Lalo siyang namamayat at mas naaawa na ako sa kanya... para bang napipilitan lang siyang gawain ang lahat ng ito para sa akin.

He was still sleeping kaya napagdesisyunan kong matulog na lang din muna habang hawak ko ang isang kamay niya.

Nagising na lang ako ng dahil sa boses ni Dae at dahil inaalog-alog niya ako. Nakita ko ring gising na pala si Darlin.

"Why, baby?" I asked Drae.

"Daddy wants to tell you something!" Drae smiled at me. Hindi pa rin ako makapaniwala na darating 'yung araw na 'to... na mabubuo na kami bilang isang pamilya. Hindi ako makapaniwala na balang araw, makikita ko si Drae at Darlin... kami. Dahil matagal na akong sumuko at umasa na magkakaroon ako ng pamilya... pero ito, ngayon... kasama ko na ulit siya.

And hopefully... after Darlin's treatment, magiging masaya na kami sa bahay namin. Our home. Gustong-gusto ko ng umuwi at makasama ang pamilya ko doon.

"What? Ano 'yun? May masakit ba sa'yo? Do you need something?" hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa kanya. Dahil baka mamaya, may iba na pala siyang nararamdaman kaya palagi ko siyang tinatanong kung okay lang ba siya at kung may masakit ba sa kanya.

Umiling-iling siya at ngumiti sa akin. Kahit pa payat na siya at wala ng buhok, mamahalin at mamahalin ko pa rin siya. He's still my darling. The man whom I loved for twelve years. "I love you..." he said.

Napangiti naman kaagad ako doon, nakakainis din talaga 'to minsan. Ang galing sa mga salitain. Kahit pa ganito siya, hinding-hindi pa din talaga siya nagbabago. Siya pa rin iyong minahal ko noon hanggang ngayon.

"Dinamay mo pa ang anak natin," asar ko pa sa kanya, tumawa naman siya at maging si Drae ay napatawa din sa amin. I kissed Drae on the cheek. "I'll just go to Tito Terrence!" paalam pa ni Drae sa amin at hindi na hinintay na payagan ko siya ay nagtatakbo na siya palabas ng kwarto.

After We HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon