Kabanata 29
Dawn
"Late lunch?" tanong ko sa kanya ng nakaramdam na ako ng gutom. Ang dami-dami niya kasing ginagawa.
It's already three in the afternoon, kaya this is a very very late lunch. She nodded. "Saan?" I asked. Noon kasi laging siya ang nagdedecide kung saan kami kakain, pupunta, lahat na.
"Bahala ka kung saan mo gusto."
First time 'to ah.
"Alam ko na kung saan ko gusto."
Kumunot ang noo niya at humaba pa ang nguso. "Saan? Sa favorite mo bang korean restaurant?" she asked.
Inilingan ko siya at nginisian.
Naaalala mo pa.
"Saan mo nga gusto?" naiinis na siya.
"Sa 'yo."
Tanginang 'yan pati ako kinikilig sa sarili ko! Sobrang mais ko na talaga!
Inirapan niya lang ako at tuluyan na siyang lumabas ng office. "Saan ba tayo papunta?" tanong niya habang nasa sasakyan na kami at on the way sa pupuntahan namin.
"Papunta tayo sa daan pang-habang buhay."
She frowned at me. "Alam mo, ikaw, kanina ka pa d'yan banat ng banat ha. Itigil mo na nga 'yan. Ano ka nanliligaw?" tanong niya.
"Ah, oo... nililigawan kita."
Bahagyang nanlaki pa ang mga mata niya sa sinabi ko. "Tigil-tigilan mo nga ako, Darlin. Ano tayo? Teenagers? Ano ka? Nagbibinata?"
Dami namang angal nito, e.
"Hindi," I said. "Masama na bang manligaw ngayon? Tyaka, mukha naman tayong teenagers ah!"
"Ewan ko sa 'yo."
Tumahimik na lang ako buong byahe papunta sa kainan. Tingnan na lang natin ang reaction mo. "We're here!" masiglang sabi ko pa, when we finally reached our destination.
Her forehead creased again. Mamaya pa magkaka-wrinkles na talaga 'tong babaeng 'to.
"Eco Park? Akala ko ba kakain tayo?"
"Hmm, you'll see!" I said. "Tara!"
Pinagbuksan ko na siya ng pintuan. I held her hand ng makababa na siya at sabay kaming tumakbo papunta sa mga kainan.
We were running when she suddenly stopped.
Natigilan din ako sa pagtakbo. Medyo nauuna ako sa kanya kaya hindi ko makita kung ano ang naging reaction niya.
You remembered.
Fuck... she still remembers.
Sinulyapan ko na siya at nakita ko 'yung mukha niyang gulat nanaman. Medyo teary eyed na nga siya eh.
"Sabi ko naman sa 'yo, e. Nililigawan na kita."
She pouted at me. Ang cute niya lang talaga. "Ano? Gutom na ako e, tara?"
Umiling-iling siya at tumulo na ang luha mula sa mga mata niya.
"Bakit ka ba ganyan?" she asked.
"Anong ganyan? Ganito na naman ako noon pa man, di ba?"
She nodded. Pinalis niya ang kaunting luha sa mga mata niya.
"Oo, pero... iba na ngayon, Darlin."
BINABASA MO ANG
After We Happened
RomanceLove is home and life, it never fails. Though shall not seek for love. Love will always defy all the odds no matter what happens. So, let love find you and thus, it will bring you home and fulfill your life. BOOK TWO OF WE HAPPENED DUOLOGY