XLII. Love Ain't Enough

1K 21 3
                                    

Kabanata 42

Love Ain't Enough

FOUR YEARS AGO. THE DAY AFTER THE WEDDING.

12:21 am.

I knew it. Darating ka nga.

"Daff?" sinigurado ko. Baka kasi mamaya... nananaginip lang pala ako, nahihibang o nagha-hallucinate.

Totoo ba 'to?

Totoo bang si Daffney itong nasa harapan ko?

She wasn't wearing her wedding gown anymore. Ni wala ng bakas ng pagka-bride niya. Wala ng bakas na ikakasal sana siya kanina. Ni wala ng bakas... tangina. Totoo nga. Hindi nga talaga natuloy ang kasal namin kanina.

Now... she was just wearing jeans and a white v-neck shirt. Nakapuyod naman ang kanyang buhok. She looked good in her ponytail... as always.

"You came..." hindi makapaniwala kong sambit. Hindi ko alam, pero hindi ko magawang magalit sa 'yo, Daffney... kahit may iba ka na palang minamahal. Kahit may iba ka na palang gustong pakasalan.

Tears started streaming down on her face. Para saan ka ba umiiyak? Para saan ba ang mga luhang 'yan?

Dahil mahal mo ako?

O dahil hindi mo na ako mahal?

"Sorry..." sabi niya.

I stood up, walked past her and made my way to my car. Nakatayo lang siya doon sa harapan ng simbahan, tila hinihintay kung may sasabihin ako.

"Sakay," I timidly said to her. Sumunod naman siya sa sinabi ko at hindi na umapila. Kaagad siyang umupo sa front seat ng sasakyan ko.

I didn't know what was happening.

Ano ba ang dapat kong maramdaman, Daffney? Should I be happy because you came? Or should I be sad because maybe... it was out of your pity for me?

Kaawa-awa kasi ako masyado.

All through out our drive, I always felt her glancing at me, tila napakarami niyang gustong itanong sa akin, pero hindi niya magawa at masabi dahil natatakot siya sa mga magiging sagot ko.

Kahit naman ako... natatakot din ako sa mga magiging sagot ko at sagot niya.

The whole drive was just pure silence. Halos mabingi ako sa katahimikan. Hindi ko akalaing aabot tayo sa ganitong punto, Daffney.

Sana sinabi mo... kung hindi na pala ako ang mahal mo.

I stopped at Sixth Avenue. She glanced at me again. I only looked away. Yes, Daffney... it's our place. Our fucking place.

Pumasok na ako sa club at sumunod naman siya. Umupo ako sa u-shaped na leather seat sa loob at tumabi naman siya.

"Darlin---"

I cut her off. "Let's... let's just not talk about those things, Daff. Let's just get fucking wasted tonight," and that was the worst decision I have ever made.

Kung nag-usap at nagkasakitan na ba kami noon pa lamang... hahantong pa ba kami sa ganito?

Hindi.

Tangina ko.

Ininom yata namin lahat ng posible naming ma-order. Hindi ko din alam kung bakit namin 'to ginagawa. Mali naman sila nung sinabi nilang nakakawala ng sakit ang alak. Maling-mali. Kasi hanggang ngayon, malinaw pa din sa akin na hindi mo ako sinipot sa kasal, Daffney.

We were both fucking wasted.

"Let's dance! We're newly weds!" sabi pa niya at pilit akong hinihila papunta sa dancefloor. I could smell the liquor. Sobrang damo na naming nainom.

After We HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon