XXVIII. Amaranthine

1.1K 29 2
                                    

Kabanata 28

Amaranthine

Katahimikan nanaman ang umokupa sa aming dalawa. Ganoon na ba kami kalala?

I glanced at her pero nakatalikod siya sa akin. Doon lamang siya nakatingin sa bintana.

Tinitigan ko lamang siya kahit nakatalikod pa siya. I wanted to hug her... so damn bad.

"Amaranthine," she broke the silence in between us.

"Ilan ba talaga?" she asked again.

"Ewan."

Hindi ko din kasi alam.

She faced me. "Bakit ka nagpa-tattoo?" she asked, the answer was just easy.

"Para... hindi kita makalimutan."

She smiled a little. "Then, does that mean that all your tattoos were for me?" she asked and I nodded.

Tiniis ko lahat ng sakit para sa 'yo.

"What does Amaranthine mean?"

"Undying, immortal and eternally beautiful."

Katulad ng pagmamahal ko sa 'yo.

Hindi mamatay-matay.

Hindi mawala-wala.

At pang-habang buhay.

I looked at your reaction, it was a blank. Your face was impassive. Pinaka-ayoko kapag ganyan ka, hindi ko kasi alam eh.

Natutuwa ka ba o nalulungkot?

Nagagalit?

Nasasaktan?

"Darlin," tawag niya, I missed her calling me darling. Siya lang ang may karapatang tumawag sa akin noon. Dati, ayun na ang tawag sa akin ng halos lahat... pero ngayon, wala na.

"Bakit?"

"Kilala mo ba si Susan Roces?" tanong pa niya. Weird na tanong, pero tumango pa din ako sa kanya.

"Yung asawa ni FPJ?" I asked. Tumango siya. "Bakit?"

Hindi ko kasi magets kung ano ang connect noon sa usapan namin.

"Sabi niya kasi 'wag mahihiyang magtanong."

"Oh?" I asked. Oh ano naman? Iimik na nga lang ulit siya, mga ganito pa ang topic. Maigi na 'yun kaysa sa nagsisigawan at sakitan nanaman kami, hindi ba?

Pahinga din.

Ang weird namin ano? Parang walang nangyari kani-kanina lang ah.

Parang... hindi ako nasaktan ah.

"Mahal mo pa ba ako?"

Ay, puta.

Kung may kinakain ako, malamang nabulunan na ako! Bibig nito, walang filter e, no? Basta-basta na lang maka-tanong ng ganoon!

She sighed.

Sorry naman! Hindi lang kaagad nakasagot! Nagulat lang 'yung tao eh.

"Oo."

React ka naman d'yan oh!

"Ah," ayun lang sinagot niya.

"Eh ako... mahal mo pa ba ako?" tanong ko sa kanya. My fingers were already crossed. Finally. Matatanong ko na din. Salamat, Susan Roces sa mga pangyayari ngayon.

After We HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon