Kabanata 5
Let's Talk.
Matapos ang kahihiyaan na 'yon ay dumiretso na ako sa banyo namin at naligo. After that, nag-punta ako sa kama at nag-cellphone.
230 mails. 105 messages.
What the hell? Akala ko ba ay vacation ko ito? Bakit ang dami pa rin ang nagmemessage sa akin? I already told him that I don't want any work when I come home. Kulit. Umagaw naman ng attention sa akin ang isang mensahe mula sa kanya. Kagabi pa 'yung message niya.
We're coming home! :)
Please fetch us!
At nag-message din siya kung ano ang oras ng flight nila and other details. What the hell? Sino ang nag-mamanage ng company? At bakit sila uuwi dito? They can't! Loko talaga 'to! Agad-agad kong tinawagan si Stance pero hindi siya nasagot. Malamang maglalanding palang ang eroplano noon.
Paano ako pupunta ng airport nito? Nawala din naman ang pagka-inis ko kay Stance when I suddenly realized na pupunta sila dito. I miss them already! Kahit iilang araw pa lamang ako dito sa Pilipinas.
"Rienne!" I called out when I got near the cottage. I stopped when I noticed that everyone was looking at me unbelievably. What did I do now? Ang iba ay nagbubulungan pa.
"Oh, bakit?" pag-baling niya sa akin.
"Uhm, kailangan kong magpunta ng airport?" I said unsurely.
Tumigil naman ang nakantang si Viniel at lahat sila ay bumaling na talaga sa akin. Awkward. Ano bang masama sa pumunta sa airport? Hindi pa naman ako babalik sa America ah!
"Ah, sige! Pwede naman? Ngayon na ba? Hatid na kita!" yaya sa akin ni Vellix. I frowned. This isn't the kind of reaction that I expected. Akala ko pa naman ay pipigilan nila akong umalis. So much for assuming that they want me here! I'm feeling disappointed.
"Oo nga, hahatid ka na nyan! Sige na! Ingat kayo ha!" dagdag pa ni kuya Daffin.
Pati si kuya gusto akong paalisin? Bakit naman? "Uhm? Maya-maya naman?" sabi ko. Bakit gusto na nila akong paalisin all of a sudden?
"Hindi! Ngayon na! Baka ma-traffic pa kayo oh! Malayo-layo din ang airport mula dito ah!" Gion pushed through.
"Tama! Tama!" Vellix agreed. "Mata-traffic nga tayo! Tara na!" agad-agad na tumayo si Vellix at hinila ako mula sa palapulsuhan.
"W–Wait! Mag-aayos pa ako ng gamit!" padabog kong kinalas ang hawak niya sa akin at umupo na ako sa tabi ni Tori.
Ang mga itsura nila ay parang hindi sila makapaniwalang ayaw ko pa umalis. I have a bad feeling kasi na there is something.
Nakita ko pang may sinesenyas si Lincoln kina Vellix. The hell, guys?
Ano ba talaga ang mayroon?
"Pumunta ka na sa kwarto!" ani Val. Lahat sila ay nag-uusap nanaman ng pabulong. What's happening?
"Bakit niyo ba ako pinapaalis?" naiinis na tanong ko. Hindi ko kasi ma-gets! Ngunit hindi sila sumagot sa halip ay nagulat at natigilan ang itsura ng lahat. Anong nakakagulat sa tanong na 'yun? Ang weird nilang lahat! Ito ba ang naidulot ng four years na pagka-wala ko?
Akala ko noong una ay dahil sa akin. Ngunit nalaman kong hindi dahil biglaang may nagsalita mula sa aking likuran.
"Sorry! Late na ako! You know, busy sa company!"
BINABASA MO ANG
After We Happened
RomansaLove is home and life, it never fails. Though shall not seek for love. Love will always defy all the odds no matter what happens. So, let love find you and thus, it will bring you home and fulfill your life. BOOK TWO OF WE HAPPENED DUOLOGY