Chapter 1

769 18 4
                                    

Janayah's POV

********

Nakatingin lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang mga naglalakihang puno na nadadaanan namin. Kasalukuyan akong nasa kotse while I am holding my phone. Naramdaman kong nag vibrate ito so I checked it up. A message from Krisey so i open and read it.

From: Krisey

Where are you? You're late. You're suppose to be here at 6:00 am but it is almost 6:30. Nandito na rin si Britney. Ikaw na lang ang hinihintay namin. Antagal mo.

I rolled my eyes the moment i read her message. Hays talagang hindi makapaghintay ang babaeng ito. I gasped bago magreply ng message sa kanya.

To: Krisey

Can you wait, right? Makakapaghintay ka naman diba? Kasalanan ko ba kung late ako? Kasalanan ko ba kung antagal ko? Ako ba yung driver? Di niyo naman sinabi na malayo pala ang lugar. Ghad.

Pagkatapos kong itype, sinend ko na agad sa kanya. Hinanap ko ang earphones sa bag ko. Naramdaman ko ulit na nagvibrate ang phone ko kaya tinignan ko ito. It was a message again from Krisey. I opened it at binasa.

From: Krisey

Whatever.

Di ko na siya nireplyan at mas pinili na lang makinig ng music sa phone ko but before it I asked Manong Berto, ang driver namin, kung matagal pa ang biyahe.

"Manong Berto, malayo pa po ba?" tanong ko habang nakatingin sa rearview mirror.

"Malapit na po Ma'am" magalang na sagot niya.

Nakinig muna ako sa mga songs habang naghihintay na makarating sa pupuntahan namin.

Pero wala pang mga five minutes nang tumigil na ang sasakyan. Nandito na kami, I guess.

Tumingin ako sa labas and there I saw my two bestfriends na masamang nakatingin sa direksyon ko na para bang inip na inip na.

Manong Berto opened the door so I decided to step outside at inis akong sinalubong nitong dalawa.

"Myghad Janayah. Where have you been? We've waited for you for so how many fcking minutes" inis na sabi ni Krisey.

"Tama na yan, ang importante, nandito na siya" sabi naman ni Britney at saka ngumiti sa akin. Parang kanina lang na salubong ang mga kilay.

Binaba na ni Manong Berto ang mga maleta ko sa likod ng kotse.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagpasalamat kay Manong Berto bago umalis.

At saka ko hinarap ang dalawang kasama ko.

Btw, kung nagtataka kayo kung nasaan kami. Nasa mountain kami. Yes, mountain. Nandito kami dahil dito ang bagong school na papasukan namin. We are now fourth year high school. Sa Halter University kami dating nag aaral.

MT. JANSTER ACADEMY ... Basa ko sa nakasulat sa napakalaking gate nitong school. Mas malawak ito kaysa sa dati namin school. As in super lawak. Para na rin itong bayan. Hindi ito tulad ng dati naming school. Isa kasi itong Boarding School. Kung saan dito ka mag aaral at dito ka rin titira at the same time.

Actually, wala naman kaming problema sa dati naming school. Our parents planned this. They sent us here at Mt. Janster Academy. They want us to be an independent woman. Gusto nila na matuto rin kaming mamuhay ng kami kami lang. It doesn't matter anyway as long as kasama ko ang taong mahahalaga sa akin, my bestfriends. Okay lang naman na gusto nila kaming pag aralin dito because I wanna experience also to be an independent.

By the way, tama kayo. MT. JANSTER ACADEMY. School na pag aari nila Britney. Ngayon lang ako nakapunta dito.

Bumukas ang napalaking silver na gate kaya pumasok na kaming tatlo habang hila hila ang nga maleta namin. Pagtapak namin sa loob, sumalubong ang ibat ibang kulay ng mga flowers at isang napakalaki at napakagandang fountain sa gitna.

"Wow" halos mapangangang bigkas ni Krisey dahil sa mga kahangahangang garden na nakikita namin. Even me, i admire it. It was really awesome.

Britney just smiled at us. Di na siya namangha kasi nakita naman na niya ito kasi sa kanila naman ang school na ito. Bago kami dumiretso sa Headmistress' office, she decided na i tour muna kami dito para hindi kami maligaw. Saturday ngayon. At sa monday pa ang start ng klase. Iniwan muna namin ang mga gamit namin sa isang table sa garden. Wala naman sigurong kukuha nun kasi wala naman kaming nakikitang tao dito sa labas maliban na lang sa isang guard na nagbabantay sa gate. I wonder kung nasaan ang mga students. Hindi ba sila pwedeng lumabas kapag weekends?

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Malawak. Maaliwalas. Maganda.

Malawak. May iba't ibang mga buildings. Sa right side ay ang dorm ng mga lalaki. Malalaman mo agad ito dahil may malaking sign sa taas nito. May nakalagay na BOY'S DORMITORY. Tapos sa left side naman ay ang girl's dorm. Magkaharap ang building ng boys at girls dorm. Tapos sa gitna nito ay isang malawak na garden kung saan nandun rin ang fountain. Tapos sa likod ng garden, ito na ang mga classroom's building. Hanggang 5th floor. Sa left side nito ay ang headmistress' office. Sa right side naman nito ay ang Academy's Kings and Queens office.

Pumunta kami sa likod ng classroom's building. Napanganga ako sa nakita ko pati na rin si Krisey. Literal na napanganga. Isang water falls ang tumambad sa amin. As in wow. Ang ganda. Ang aliwalas ng tubig na dumadaloy mula rito. Perfect place where you can go if you are tired and wanna have some rest.

Ang tahimik ng lugar. Ang tanging tubig lang na lumalagaslas ang maririnig mo dito. Ang sariwa ng hangin na tumatama sa mga balat ko. A very peaceful place. I closed my eyes and a small curve on my lips suddenly appeared. Pinakiramdaman ko ang sariwang hangin na tumatambad sa mga balat ko. May mga round tables dito na maari mong pagpahingaan. There are many flowers. Trees na mas lalong nakakapag paganda sa paligid.

Ilang minuto rin bago kami umalis doon. Naglakad lakad kami. Walang umiimik sa amin dahil pare pareho lang namin pinapakiramdaman ang paligid. Peaceful. Yan lang ang alam kong pinakanaglalarawan sa lugar na tinatahak namin ngayon.

Pumunta kami sa likod ng boy's dorm. Isang malawak na ground ang nakita namin. Kung saan pwedeng maglaro ng soccer at iba pang outdoor activities. May mga bench rin sa paligid nito. Meron rin gymnasium dito kung nasaan ang basketball court. May swimming pool rin. Pero pool na pangcontest. Pumunta rin kami sa likod ng girl's room, pareho rin sila ng boys, may malawak rin itong ground kung saan nagaganap ang mga outdoor activities for girls.

Sa harap ng garden, isang malawak rin na ground. Dito ginaganap ang mga important occasions like royal ball, foundation day, something like that.

Kinuha ko ang phone ko sa likod ng pocket ng short ko para tignan ang oras.

Nagulat ako ng 9:07 am na pala. Dalawang oras rin kaming naglakad lakad. Hindi na namin namalayan ang oras dahil medyo nawili na rin kami sa pamamasyal.

"Hey, kanina pa pala tayo. Hindi pa ba kayo pagod?" tanong ko habang pinupunasan ang pawis na tumatagaktak sa noo ko. Mainit na rin kasi.

"Masyado na tayong nawili hahaha let's go" masayang sabi ni Britney.

"Yahh let's go" sabi rin ni Krisey.

So we decided to go back and get our things para maiayos na rin ito mamaya.

Bitches vs JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon