Janayah's POV
**********
We woke up early. Today is the first day of school. Ngayon ang start ng mga classes.
I don't know but I'm not excited. Sa dati kong school, excited na excited ako every first day of school. Siguro kasi makikita ko na naman ulit si crush. But noon lang yon, di ko na siya crush. There's something that made me turned off. He didn't know that I have a crush on him. I'm the kind of girl na hindi showy. Hindi ako yung tipo ng babae na nagco confess agad sa isang lalaki. I'm not that desperate. It doesn't mean na kapag may gusto akong isang lalaki, gagawa ako ng paraan para mapansin at magustuhan rin nila. I'm not that kind of girl. Actually, it's the opposite. I choose more to just shut up my mouth. Masaya. Nalulungkot. Nagseselos. Natatakot. Yan yung mga nararamdaman ko if I have a crush. Masaya kasi siya yung dahilan kung bat maaga ako pumapasok sa school. Siya yung kumukumpleto ng araw ko. Nalulungkot kasi di niya ako masyadong nakakusap. Palagi kong tinatanong sa sarili ko na what if may iba siyang gusto? Nagseselos kasi marami siyang nakakasama at nakakausap na babae kaysa sa akin. Nagkakausap naman kami pero hindi masyado. Natatakot rin ako. Natatakot na baka pag umamin ako, tuluyan na siyang iiwas at lalayo. Actually, mas okay pa ako na hanggang friends lang kasi alam kong dun kami tatagal. Maldita ako, pero di ko naman napipigilan ang puso ko na magkagusto sa isang tao. I don't want him to force himself to like me back. Besides, crush lang naman yon. We all know the kasabihan na, crush is paghanga. Crush mo kasi magaling. Crush mo kasi gwapo o maganda. Crush mo kasi matalino. Like that. Hayyss nakakamiss rin. Pero, di ko na siya crush but di ko siya malilimutan because he still became part of my life. Glyde Damilton, Britney's cousin.
Hays ano ba itong mga naiisip. For your information, marami po akong boyfriend, may asawa na rin po ako. Yes, boyfriends. Husbands.
Kaso di sila nag eexist. Huhuhu. Nasa wattpad sila. Bat kaya yung mga characters sa wattpad, halos perpekto noh? Kailan kaya ako makakahanap ng mga katulad nila. Yung mga seryoso, di alam manloko.
Napabalikwas ako nang may nagwisik ng tubig sa mukha ko.
"Hoy Janayah! Ano na? Kailan mo balak tumayo diyan at mag ayos na? Para sabihin ko sayo, male late na tayo. Palaging ikaw na lang ang huli sa ating tatlo. Bumangon ka na diyan sa magbe-breakfast pa tayo. Bilis!" nakapamewang na sambit ni Krisey. Kung ano ano na kasi ang naiisip ko. Nakabihis na ang dalawa kong kasama.
"Kanina pa namin tinatawag ang pangalan mo, kaso nakatulala ka lang. Ano na naman yang iniisip mo huh?" dagdag naman ni Britney. I just rolled my eyes at them.
"May pag irap irap ka pang nalalalaman diyan. Bilisan mong kumilos, ikaw na lang hinihintay namin" patuloy ni Krisney at saka kinurot pa ang tagiliran ko. Wth.
"What the? Oo na! Oo! Bibilisan ko na. Matuto naman kayong maghintay" sagot ko habang salubong ang kilay na nakatingin sa kanila.
May sinasabi pa silang iba na hindi ko na nagawang intindihan pa. Kinuha ko na ang towel ko at dumiretso na sa banyo para maligo.
Paglabas ko, sinuot ko na ang uniform ko. I also wear my black shoes with heels.
Naalala ko yung mga iniisip ko kanina. I wonder kung bakit naalala ko si Glyde. Matagal na rin kasi noong huli ko siyang nakita. Yes, he's Britney's cousin. Naalala ko pa yung araw na tinutulungan ako ni Britney and Krisney para mapansin ako nu Glyde. Nakikita ko pa kung paano kumunot ang mga noo niya kapag naiinis siya. Naiinis siya kasi kinukulit siya nina Britney and Krisey. Another reason on why he keeps on not noticing me, is because of Zarrah Fanner, SSG President ng dati naming school. Paano niya mapapansin, kung sa kanya lang naman siya nakatingin? Naalala ko pa yung mga araw na ini-stalk ko siya. Yung mga araw na kay Zarrah ang kanyang mga tingin. Napatawa na lang ako sa mga naalala ko. Memories......
BINABASA MO ANG
Bitches vs Jerks
Novela JuvenilBitches - mga babaeng di mo gugustuhing banggain kasi alam mong iba ang maari nilang gawin. against Jerks - mga lalaking sobrang gwapo pero tandaan.. babae ang kanilang kalaro. Paano kapag sila'y nagtagpo tagpo? Marami bang magbabago? May iba bang m...