Janayah's POV
********
Magsisimula na sana kaming kakain nang may biglang dumating sa harap namin.
Nakapamulsa yung isa. Nakakunot noo naman ang isa. Nakacross arms yung isa.
Napatingin kaming tatlo sa kanila. Problema ng mga to?
"Yes?" ako na ang unang nagtanong. Nakatingin silang tatlo sa amin.
"Problema ninyo?" dagdag naman ni Krisey.
"Kung makatingin naman ang mga ito.. Inano ba namin kayo?" sambit rin ni Britney.
Pero nakatingin pa rin sila sa amin.
"If you don't have anything to say, you can go. You're just disturbing us. Nakikita niyo naman na kumakain kami, right? So go now" sambit ko ulit. Binuksan ko ang takip ng tubig ko at saka uminom bago ulit tumingin sa kanila.
"Why would us? Ba't kami ang aalis? Dapat kayo yon" sagot naman nitong asungot. Blaze.
"Yeah" Vhian's approval. Tinanggal niya ang suot niyang earphones at sinukbit niya ito sa batok niya.
"And why?" nakataas kilay na tanong ni Britney.
"That's our place. Pwesto namin diyan" sagot ng kapatid niya. Na ewan ko ba kung kapatid nga ba niya talaga. Impakto eh.
"Pwesto niyo? May nakalagay bang sa inyo to? Iniwan niyo ba mga pwet niyo? Kayo ba bumili nito? Sorry hah, di kami nainform" pagbabara naman ni Krisey at saka umirap pa.
"Kahit kailan ang daldal mo talaga" pagbabara rin ni Dasfer sa kanya. Kaya nagsalubong ang kilay ni Krisey. Hehezz. Eto na naman po sila.
"Leche! Huwag mo kong kausapin" inis na sagot niya. Tinignan niya ng masama si Dasfer na para bang gustong patayin.
"This is not your own. So leave. And besides, this is not only the table here. Marami pa diyan" I said as I rolled my eyes on them.
"Paano pag ayaw namin? Paano kapag ayaw namin sa iba? Paano kapag ito lang talaga?" balik tanong ni Blaze. Parang hugot ah. Lakas ng impact. Meaningful. Deep.
"Then we don't care. And besides, we're the one who come first" sagot ko naman sa kanya.
"Get lost" sambit naman ni Britney. Pinagpatuloy na niya yung pagkain niya kahit na nandito pa sila.
"She's right. Nasisira araw ako eh. I don't wanna see your face. Lalong lalo ka na" dagdag naman ni Krisey at tinuro pa si Dasfer.
"Go. Marami pa diyan. Kung gusto niyo, tig iisa pa kayo" I said as I pointed the vacant chairs and tables. Marami pa naman ah. Feeling nila pwesto talaga nila to eh. Duh. As if I care. Kami nauna dito. So bahala sila. Di kami aalis dito maliban na lang kung mag i-start na ang classes. 12:11 pa lang naman. 1:00 ang start ng classes.
"Pwesto nami-" di na natuloy ang sasabihin sana ni Blaze nang pinigilan ko siya.
"Magrereklamo pa? Talk to my hand" sabi ko at tinapat ang palad sa harap niya. Wala na siyang nagawa pa at inis na lang na naghanap ng ibang pwesto. Sumunod naman ang dalawa niyang kasama pero bago yon, may pahabol pa na salita si Dasfer.
"Bye baby" sabi niya kay Krisey at saka nagwink pa.
"Leche ka talaga" sagot naman ni Krisey at saka binato pa niya ng walang laman na plastic bottle pero nakailag siya. Kaya ang ending, iba yung natamaan. Napahawak pa nga yung lalaking nabato sa ulo niya at saka hinanap kung sino ang bumato ng plastic bottle. Kaya etong si Krisey, agad na tumalikod at nagmaang maangan. Nakita ko pa nga na hinarang ni Dasfer ang kamay sa bibig niya para di mahalatang nagpipigil ng tawa. Pati nga kami ni Britney, nagpipigil rin ng tawa.

BINABASA MO ANG
Bitches vs Jerks
Teen FictionBitches - mga babaeng di mo gugustuhing banggain kasi alam mong iba ang maari nilang gawin. against Jerks - mga lalaking sobrang gwapo pero tandaan.. babae ang kanilang kalaro. Paano kapag sila'y nagtagpo tagpo? Marami bang magbabago? May iba bang m...