Janayah's POV
*******
Habang naglalakad kami papunta sa garden kung saan namin iniwan ang mga gamit namin, biglang nagsalita si Krisey.
"I hope mag e enjoy tayo dito" sabi niya.
"Oo naman" sagot ko saka ngumiti.
"Guys wait. Let's take a selfie" sabi naman ni Britney at saka nilabas ang phone niya.
Tinapat na niya ang camera at nag smile naman kami. Iba't ibang pose ang ginawa namin.
Nagtawanan kami habang tinitignan ang mga mukha namin sa pictures.
Hayys.. Sana palagi kaming ganito. Yung parang walang pinoproblema.
"Let's go" muling sabi ni Britney at saka hinawakan ang mga kamay namin para hilain papunta sa garden.
Nang makarating na kami sa garden, kinuha namin ang mga gamit namin. At saka dumiretso muna kami sa Headmistress' Office para tanungin kung anong number ng magiging room namin.
Nasa harap na kami ng pinto. Nag doorbell muna si Britney bago pumasok. Unti unting bumukas ang pinto so we stepped inside.
Napanganga ulit ako sa nakita ko. As in wow. Iba talaga pag mayaman.
Pagtapak mo pa lang dito, alam mo na ang favorite na color ng Headmistress. Every carpet, curtains, tables, sofa has a shade of apple green.
Carpeted ang sahig. May mga book shelves sa gilid. May isang table sa gitna kung saan umuupo ang Headmistress. May mini sala set rin sa harap ng bookshelves. May tatlong sofa at table sa gitna. May tv rin sa harap nito. Tapos may isang kwarto rin sa gilid. A room for the Headmistress. May kitchen rin. May malaking chandelier na gawa sa crystal ang nasa gitna.
May biglang lumabas sa kwarto kaya napatingin kami doon.
"Good morning Ate" bati ni Britney at saka lumapit sa babae at saka nagbeso beso. Ang ganda niya. Makinis. 29 na siguro siya. Mas matangkad siya sa amin.
And wait... Did I just here Britney said 'Ate' to her a while ago? Sa pagkakaalam ko, tatlo silang magkakapatid. Dalawang babae at isang lalaki. Hindi ko pa nakikita yung lalaki. Siya na ba yung tinutukoy ni Britney noon na sister niya? Matangos ang ilong. Pinkish yung cheeks niya. Medyo chinita.
"Good morning" bati rin namin sa kanya. Ngumiti lang siya sa amin.
"Have a seat" sabi niya kaya umupo na kami sa upuan sa harap ng table niya.
"Guys this is my sister. Siya na yung tinutukoy ko noon" sabi ni Britney na malapad ang ngiti.
"Ohhh..." napatango tangong sabi ko.
"No wonder why she's so beautiful" nakangiting sabi ni Krisey... Yeah she's right. Nasa lahi na nila.
"Hahahah small thing" proud na sabi ni Britney. Napairap na lang ako. Napatawa na rin ang ate niya sa inasal naming tatlo. Ang then she cleared her throat.
"Ok... By the way I am Miss Brea Hay Janster. I am the headmistress of this school." nakangiting pagpapakilala niya. She's too young for this but maybe she can handle this now. Bata pa siguro noong na train siya.
"I'm Krisey Jein Corpuz, bestfriend ni Britney" pagpapakilala rin ni Krisey.
"Oh.. Nice to meet you Krisey" at saka sila nag shake hands. Kilala ang family nila Krisey sa Chaster City. Kung saan kami dati nakatira. May limang resort sila dito sa Pilipinas at may tatlo naman outside the country. Britney's family is also known here. Marami na silang napatayong schools dito. At kami naman, may pitong hotel dito sa pilipinas and another five hotel sa ibang bansa. May mga condominium rin kaming naipatayo sa Chaster City.
BINABASA MO ANG
Bitches vs Jerks
Teen FictionBitches - mga babaeng di mo gugustuhing banggain kasi alam mong iba ang maari nilang gawin. against Jerks - mga lalaking sobrang gwapo pero tandaan.. babae ang kanilang kalaro. Paano kapag sila'y nagtagpo tagpo? Marami bang magbabago? May iba bang m...