Janayah's POV
*******
Nandito na kami sa room namin.
Tapos na kaming kumain at maligo. Kasalukuyan kaming nagpapahinga. Nakakapagod naman kasing maglinis. Taena.
"Hays, ansakit tuloy ng ulo ko. Kakainis. Ang lawak naman kasi ng nilinisan natin" reklamo ni Britney habang hinihilot ang sintido niya.
"Wait here. I'll get you some medicine" sabi ko at tumayo sa kama.
"No need, kaya ko pa naman. Hindi naman grabe ang sakit" sagot ni Britney.
"No. You need to take medicine para mas madaking mawala ang sakit" sagot ko at naglakad papunta sa pinto.
"Thanks" narinig ko pang sabi niya bago ko isara ang pinto.
Naglalakad na ako sa hallway nang may naalala ako. Mistake. Hindi ko pala alam kung nasaan ang clinic dito.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Walang masyadong tao dito sa hallway kaya wala akong mapagtanungan.
Pababa ako ng hagdan nang may nakita akong babaeng nakaupo dito.
Nagdalawang isip pa ako kung tatanungin ko siya o hindi na.
Hays. Bahala na. Tinapik ko ang balikat niya kaya napatingin siya sa akin.
She's wearing eyeglasses. Medyo magulo ang buhok niya. May hawak rin siyang book. Nerd. That's the first thing that comes up to my mind when I saw her face. Mukhang kaedad ko lang siya.
"Ahm miss, can I ask?" tanong ko.
"Nagtatanong ka na" walang emosyong sagot niya at saka binaling ulit ang tingin sa hawak niyang libro. Okay. Nabasag ako doon.
"Saan dito ang clinic?" tanong ko ulit. Nilingon niya ako.
"Classroom's building. 2nd floor. Pinakadulo ng hallway" sagot niya.
"Okay. Thank you" pagpapasalamat ko. Pababa na sana ulit ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"Take care" sambit niya. Kunot noo akong tumingin sa kanya. Binitawan na niya ang kamay ko. What? What does she mean? It feels binabalaan niya ako. Napatango na lang ako. Naglakad na lang ako pababa. She's weird.
Dumiretso na lang ako sa classroom's building kung nasaan ang clinic. Umakyat na ako sa hagdan papunta sa second floor.
Naglalakad ako sa hallway papunta sa pinakadulo nito.
Yun kasi ang sinabi nung babae kanina.
Nandito na ako sa pinto ng clinic. Pumasok na ako. Lumapit ako sa isa sa mga nurse dito.
"Good afternoon miss, hmm gamot nga po para sa sakit sa ulo" magalang na sabi ko. Yes, magalang. Marunong pa naman akong rumespeto kahit papaano.
"Yes, wait lang" sagot niya at saka may hinanap sa medicine kit.
"Here" sabi niya at saka inabot ang gamot sa akin.
"Thanks" sabi ko at saka umalis na.
Nasa hallway na ako nang may biglang humigit sa braso ko at pumasok kami sa isa sa mga classrooms dito. Madilim dito kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya.

BINABASA MO ANG
Bitches vs Jerks
Teen FictionBitches - mga babaeng di mo gugustuhing banggain kasi alam mong iba ang maari nilang gawin. against Jerks - mga lalaking sobrang gwapo pero tandaan.. babae ang kanilang kalaro. Paano kapag sila'y nagtagpo tagpo? Marami bang magbabago? May iba bang m...