Blaze's POV
************
Looking at her makes my heart beats faster. I don't know why I am feeling this. Kakaiba tong nararamdaman ko. It feels like siya lang yung nakikita ko. Di ko pa naramdaman ito sa isang babae. Siya lang. She's making me damn crazy. Why I am feeling this? Parang siya lang yung gusto kong makita at makasama. Her eyes. Her nose. Her cheeks. Her lips. Almost perfect. She's so damn beautiful. I hope she'll notice me. Do I have a crush on her? Or do I like her? Or.... Do I love her? I don't knowwww. Nababaliw na ata ako..... Nababaliw sa kanya.......
Yan yung nakasulat sa papel na binabasa ko ngayon. Nauna na sila Dasfer at Vhian sa room. Nagpaiwan muna ako kasi may dadaanan pa ako. And then, when I was walking in the hallway papunta sa room, may naapakan akong papel, may nakasulat kaya binasa ko. At yan ang nakasulat. Lol. Sino naman kaya ang nagsulat nito? It feels like he's into someone. Inlove ata. May ganun ba? Love? Masasaktan ka lang. Well, that's life. Kapag nagmahal ka, handa ka ng masaktan. Parte na yan ng pagmamahal.
Agad kong tinupi ang papel at nilagay sa bulsa ko. At saka naglakad na papuntang room. Wala pa ang teacher namin kaya dumiretso na ako sa pwesto ko.
Nasa likod ang pwesto nila Vhian at Dasfer kaya umupo rin ako sa tabi nila.
Filipino namin ngayon. Pumasok na ang teacher namin.
"Magandang hapon. Ako ang guro niyo sa asignaturang Filipino. Ako si Ginoong Brandon Haymes. Ngayon ang unang araw ng klase kaya wala munang leksyon. Maglabas kayo ng 1/2 crosswise" sabi ni Mr. Brandon. 30 years old na siya pero wala pang asawa. Matangkad, maputi. Maraming naglabas ng 1/2 crosswise. Wala akong ganun.
"Pst! Dasfer! Pahingi nga ng papel" pabulong na sambit ko kay Dasfer.
"Yan kasi qaqo, di ka nagdadala ng papel" sagot niya sa akin at saka binigyan ng one sheet of paper. Damot.
"Ulol" huling sambit ko.
"Ang isusulat niyo diyan sa papel ang ang nakasulat sa board. Sagutan niyo ang mga yan" sabi ni sir at tinuro ang board. Nubayan.
"Pangalan:
Edad:
Seksyon:
Libangan:
Motto:Bilisan niyo, konti lang yan" pagpapatuloy ni sir. Kaya sinimulan na namin.
Pangalan: Blaze Janster
Edad: 18
Seksyon: Gold (4th year)
Libangan: Mambabae. Joke lang. Playing soccer
Motto: Ewan ko. Wala kong maisip. Hmm ano... "Let go for the things that causes you pain"Bahala na wala akong maisip sa motto. Ano ba kasi tong pinapagawa ni sir.
"Sir! Tapos na po. Pwede na po bang ipasa?" sabi nung isa sa kaibigan ni Britney. Krisey ata pangalan.
"Hawakan niyo muna ang mga papel ninyo. Tapos na ba kayong lahat?" tanong ni sir sa amin.
"Yes sir!" sagot naming lahat.
"At ngayon, lukutin niyo ang mga papel ninyo" sambit ni sir? What? He told us to do it and then he will just let us crumple our paper? Wtf. We exerted effort and then ganun ganun lang? Marami ang nagtaka sa sinabi ni sir.
"Bakit namin lulukutin sir? Eh pinagawa ninyo to" sambit ng isa sa mga kaklase namin.
"Basta gawin niyo na lang. Hindi ko naman ipapagawa kung walang dahila diba?" sagot niya kaya wala na kaing nagawa and we just crumpled our paper as what Mr. Brandon said.
BINABASA MO ANG
Bitches vs Jerks
Roman pour AdolescentsBitches - mga babaeng di mo gugustuhing banggain kasi alam mong iba ang maari nilang gawin. against Jerks - mga lalaking sobrang gwapo pero tandaan.. babae ang kanilang kalaro. Paano kapag sila'y nagtagpo tagpo? Marami bang magbabago? May iba bang m...