Chapter 12

424 14 0
                                        

Janayah's POV

*********

Lumabas na kami sa room. Pumunta na kami sa next class namin.

Natapos na ang morning classes namin. Walang masyadong naganap na discussions. Getting to know each other muna. Kaya ayun, paulit ulit kami sa pagpapakilala. Apat na subjects ang pang umaga namin. English. Mapeh. Araling Panlipunan. Math. Lunch break na kaya sabay sabay kami nina Krisey at Britney na dumiretso sa cafeteria.


"Paepal talaga yung si Dasfer. Feeling close eh" pagbabasag sa katahimikan ni Krisey.


"Ba't kasi sumabat ka kanina nung nagpapakilala siya sa harap" medyo natatawang sambit naman ni Britney.


"Kaya nga" pagsasang ayon ko sa sinabi ni Britney.


"Pagpapakilala ba yon? May pabigay bigay pa siya ng number. Tapos pakindat kindat pa siya sa babae. Ulol niya!" sagot niya habang salubong ang mga kilay.


Patuloy lang kaming naglalakad papunta sa cafeteria.


"Di ka naman kasi makapaghintay. Yan tuloy, nagbangayan pa kayo" sagot naman ni Britney.


"Eh sa antagal niya eh! Pinapatagal pa ang pagpapakilala. Ano yon? Feeling niya nakakadagdag sa pagiging gwapo? Baka sa pagiging babaero!" inis na bigkas niya. May papadyak padyak pa siya sa sahig.


"Chill lang. Salubong na naman yan kilay mo. Nagmumukha ka tuloy na matanda" pang aasar ni Britney at saka humagalpak ng tawa. Nagpipigil lang ako ng tawa habang kinakagat ang lower lip ko. Nalalasahan ko pa nga yung liptint.



"Paepal eh, tawagin ba naman akong baby? Bwiset! Tapos confident pa niyang sinabi na naa attract ako sa kanya? Na patay na patay ako sa kanya? Duh" sagot niya na may pa flip hair pa siyang nalalaman. Halos mamula na nga siya sa inis.



"Hindi nga ba?" pang aasar pa lalo ni Britney. Humagalpak siya ng tawa kaya hindi ko na napigilan ang pagtawa. Napatawa na rin ako.


Napatingin ako sa reaction ni Krisey. Hala siya! Nagba-blush ang gaga! HAHAHAHAHA. Or sadyang namumula lang sa inis? Hahahah



"A-ako magkakagusto s-sa kanya? NEVER." Madiing sabi niya pero halatang nauutal. Umiwas pa nga siya ng tingin sa amin.



"Eh ba't ka namumula?" pangtutukso ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin at sinamaan ako ng tingin.



"Hala Krisey! Don't tell me......" dagdag ni Britney at saka malisosyang tinignan si Krisey.


"Ako namumula? Gaga. Mainit lang kasi dito" sagot niya na may nalalaman pang pagpapaypay sa sarili gamit ang panyo niya.


"Don't me! HAHAHAHA.. Mainit? Eh hindi ka nga pinagpapawisan" ngising sambit ni Britney sa kanya.


"Hala ka! Baka nga crush mo siya" pang iinis ko pa lalo sa kanya. At sabay pa kami ni Britney na napatawa.



"Mga leche! Pinagkaisahan pa ako!" sagot niya at saka padabog na naunang naglakad sa amin. Nagtawanan pa kami ni Britney. Tumakbo kami at hinabol siya. Pero di niya kami pinapansin. Nagtampo ata hahahaha.


Nasa tapat na kami ng pinto ng cafeteria nang patuloy lang si Krisey sa paglalakad. Nalampasan na nga niya yung entrance.



"Hoy bakla! Tulala ka ata! Eto na yung cafeteria oh" hinabol ko siya at hinila ang braso niya. Napatigil siya at napatanto.



Bitches vs JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon