Janayah's POV
*******
Umupo na kaming tatlo. Nasa may pinakadulo kami ng mesa. Magkatabi kami ni Krisey at kaharap namin si Britney.
May nakahanda ng mga pinggan, kutsara, tindidor, baso at table napkin sa harap namin.
Actually, mga mayayaman lang ang nasa school na ito. Halata na ito sa mga mukha at sa mga suot nila. Ang mga babae dito ay may mga nagkikintabang mga alahas. Napatingin ako sa part ng mga lalaki. May mga nagkukwentuhan. May tahimik lang na nakaupo.
Wala pa ang headmistress at mga school faculties kaya nagagawa pa ng mga students na mag ingay.
"Sa monday na ang start ng classes diba?" biglang tanong ni Krisey.
"Yahh, sila na ang magpo-provide nga mga school materials like notebooks, ballpens, etc. Kasama na rin kasi ito sa binayaran natin dito sa school. But bukas pa nila ibibigay ang mga ito" sagot ni Britney. Nakikinig lang ako sa kanila.
"Oww i see" napatango tangong sabi ni Krisey.
"Ahmm, may time na pwede tayong bumisita sa city?" pakikisali ko sa usapan.
"Ah yes, every last Wednesday of the month, ginaganap ang pagbibisita sa City but it doesn't mean na basta basta ka na lang sasama sa iba at aalis. Sama sama pa rin tayo. May nakahandang bus para sa atin. Pero pagdating sa city, pwede na tayong humiwalay as long as suot mo ang parang bracelet kung saan nakaukit ang pangalan ng school. Hindi lang siya basta basta bracelet, kasi nate trace nito kung nasaan tayo. Pwede tayong humiwalay basta't makakabalik tayo sa station place sa tamang oras. Kasi kung hindi, may punishment na naghihintay sayo. Madali lang nilang malalaman kung sino ang wala pa, kasi you know.... They have their sources" mahabang paliwanag ni Britney. Ahy akala ko pa naman, pwedeng umalis ng mag isa.
"What punishment?" nagtatakang tanong ni Krisey.
"It depends, dear" sagot naman ni Britney.
Mas dumoble ang ingay ng mga babae nang may tatlong lalaki na pumasok sa dining hall.
Omg! Ayan na sila!
Wahhh, ang gwapo talaga nila.
Shemmss! Ang hot ni Blaze!
Mas gwapo si Dasfer!
Oh my ghad!! Vhiannnn!!!
Kinggggsss!!!
Taka akong napatingin sa pinatuan ng hall. Tatlong lalaki ang pumasok. Sa left side ay matangkad na lalaking nakasalpak ang earphones sa tenga. Sa right naman, naglalakad lang siya pero hindi nakatakas sa paningin ko ang simple niyang pagkindat sa mga babae dito. Asshole. Sa gitna naman is seryoso lang na naglalakad papunta sa upuan nila. Ngumisi siya saglit. Para bang may masamang balak. Sino sila? Maybe, they are famous heartthrob here kasi maraming kinikilig na babae. Psh! Boys are boys. Masasaktan lang kayo.
Inalis ko na ang tingin ko sa kanila. Tinignan ko ang dalawa kong kasama. Iniwas na rin ni Krisey ang tingin niya sa kanila. But Britney is still looking to them, or should I say to the boy who have earphones in his ears. I know this girl, she's admiring that boy. Nagkatinginan kami ni Krisey. Nagkibit balikat lang siya.
"Hey Britney!" I interrupted her bago pa tumulo ang laway niya. Ok. That's exaggerated. But I don't care. She need to stop looking at that guy. Baka mas lumala pa at tuluyan na siyang mahulog.
"Ah yes?" binaling na niya ang mga mata niya sa amin at saka ngumiti. Hayys this girl.
"Who's them?" tanong ko.
"Hmm... As far as I know, they are the current academy's kings. They are heartthrobs. Sila yung binoto ng mga students na mag oorganize sa kanila. They are like the student council but not really. They are the secondary oraganizers but Supreme Student Government are the primary organizers" paliwanag ni Britney. Napatingin ako sa tatlong lalaki. May tatlong bakanteng upuan sa harap nila. Nakahiwalay ang tables nila sa mga junior and senior students.
"Owww" nasabi na lang ni Krisney.
"Ahmm, if there are Kings, it means there are also Queens, right?" tanong ko.
"Of course" sagot ni Britney.
"Then where are th-" hindi na natuloy ang sasabihin ni Krisey nang bigla siyang napatigil at napatingin sa pintuan. Marami na ring estudyante ang napatingin sa kanila. May tatlong babaeng pumasok. Una kong tinignan ang suot nilang sandal. Nakasuot sila ng heels. Tapos sunod ang katawan nila. They are wearing dresses. And then their face.
No offense. But they look like a coloring book because of their make up. Buti sana kung nakagaganda ang pag apply nila ng make up. Honestly, okay na sana kung hindi masyadong makapal ang make up nila. Mukha silang kontrabida sa isang movie. They are also wearing sparkling jewelries like earings, necklace, bracelets and others. Yes, maganda naman sila BUT....
Mas maganda kami. Duh.
Dumiretso sila sa bakanteng upuan sa harap ng tatlong lalaki, the Academy's Kings. Nakatalikod ang mga babae sa amin.
No need to ask. It's obvious. They are the Academy's Queens. Nagkukuwentuhan lang ang anim.
"And yes, that three boys and three girls are the Academy's Kings and Queens. They are the organizers. But pwede pang magbago ang lahat. Pwede pa silang mapalitan. May magaganap na election..... Academy's Kings and Queens Election. It's either, they will remain or they'll leave their positions. But before the election, may magaganap munang nomination. Sa nomination na ito, you are free. Students are free. Frer to nominate other students and free to nominate theirselves if ever na gusto nilang sumali. I think the nomination will be on the third week and the election will be on the last week of the month" sabi ni Britney while looking at them.
"Oww.. What if we joined the nomination?" excited na sabi ni Krisey. I rolled my eyes.
"Para saan pa at sasali tayo diyan. We are just wasting our time" napairap na sabi ko.
"Remember this, hindi lang siya basta basta na nomination. May thrill rin ito. May magaganap na pageant. Ang pinagkaiba lang is walang judge. Lahat ng nai nominate will join the pageant. Dito mo na rin kasi ipapakilala ang iyong sarili and explain kung bakit ikaw ang karapat dapat na maging king or queen. May magaganap rin na question and answer portion. The questions are regarding about the school. And then pagkatapos ng pageant, the voting level will start. Walang judge. Because the decision depends to all the remaining students na hindi kasali sa mga nai nominate. You can also make some flyers, banners or posters if you want. Ang tatlong may pinakamataas na vote will be the next Academy's King and Queen" mahabang paliwanag ni Britney.
"That's exciting!" excited na sabi ni Krisey. Napairap na lang ako......
BINABASA MO ANG
Bitches vs Jerks
Teen FictionBitches - mga babaeng di mo gugustuhing banggain kasi alam mong iba ang maari nilang gawin. against Jerks - mga lalaking sobrang gwapo pero tandaan.. babae ang kanilang kalaro. Paano kapag sila'y nagtagpo tagpo? Marami bang magbabago? May iba bang m...