Chapter 16

728 19 21
                                    

Janayah's POV

***********

Akala ko makakarelax na kami kaso pagdating namin dito, nandito rin ang tatlong asungot na kings. Nagkatinginan kaming anim.

"What are you doing here?" tanong ni Blaze na diretsong nakatingin sa amin.

"Kung saan kami pupunta, nandun din kayo. Ghad. Nakakasira kayo ng araw" sabi naman ni Britney at saka umirap pa.

"Kami ang nauna dito. Sinusundan niyo ba kami?" mayabang na tanong ni Dasfer habang nakataas ang mga paa sa isa pang upuan at nakasandal sa mesa ang likod niya.

"Huwag kang epal. We are not following you. Kahit kailan ang feelingero mo talaga noh?" sagot naman ni Krisey habang nakapamewang pa. Palagi na lang silang nagbabangayan.

"Ba't naman namin kayo susundan. Nagkataon lang na nandito kayo. Akala namin makakahanap na kami ng peaceful place kaso masisira pa ata. Mukha niyo palang kasi nakakasira na ng araw" dagdag naman ni Britney. At saka nagflip pa ng hair.

"Don't be assuming boys. As far as I know, walang sign na nakalagay dito na kayo lang ang pwedeng pumunta. Duh. Just mind your own business, 'coz we'll do the same" singit ko rin sa kanila.

"We do-" di na natuloy ang sasabihin ni Blaze nang sumingit ulit ako.

"Magrereklamo pa? Talk to my hand" sabi ko sa kanya. Syempre, tinapat ko ang palad ko para damang dama. Nagsalubong pa ang kilay niya.

Tumalikod na kami sa kanila at naghanap ng mape-pwestuhan. Sa may bandang likod ng isang puno kami umupo. I don't know kung nakikita nila kami kasi nakatalikod kami sa kanila. Well, I don't care.

Pagkatapos namin kumain, pumunta kami sa may malapit sa falls. Akala ko umalis na ang tatlo, pero hindi pa pala. They are looking in our direction pero hindi na lang namin pinansin.

Umupo kami sa malalaking makinis na bato. It is really amazing here. Peaceful. Relaxing. Nice view. Ang linaw pa ng tubig.

"Guyssuee let's take a selfie" biglang sabi ni Krisey at kinuha ang phone sa bulsa ng skirt niya.

"1...2....3.....smile!" patuloy niya kaya nag smile naman kami. Every click, different poses. Andami naming pictures.

Muntik pa nga akong mahulog kanina sa bato eh. Kung hindi lang ako nahawakan ni Britney kanina, basa na sana ako ngayon. Tapos todo tawa naman ang dalawa. Ang epic ng reaction ko kanina. Na stolen pa ako. Langya! Tapos yung tatlo namang asungot nandito pa rin. Halatang nagpipigil nga ng tawa kanina. Pero umirap lang ako. Whatsoever.

Hindi na kami nagtagal pa at pumunta na kami sa classroom. Nagtaka kami kasi wala dito ang iba naming mga classmates. Is there a problem? Nasaan sila?

May dumaan na babae. Siya yung nakausap ko noon sa hagdan. Yung parang nerd.

Lumapit kami sa kanya at nagtanong.

"Hmm.. Bakit wala ang mga students dito? Where did they go? At bakit parang nagmamadali ka ring umalis?" tuloy tuloy na tanong ni Krisey.

"Ahm.. Pinapatawag lahat ng students sa quadrangle. May announcement daw" sagot niya. Magtatanong pa sana kami nang bigla na lang siyang umalis.

Wala na kaming nagawa at pumunta na lang rin kami sa quadrangle. Pagdating namin sa quad, marami mga estudyante ang naka upo. Sa right side part ang mga lalaki at sa left naman ang mga babae. May daanan sa pagitan ng boys at girls. Tapos may stage sa gitna.

Naghanap kami ng bakanteng upuan at sa may bandang harap kami pumwesto.

Ilang minuto rin ang lumipas nang tumahimik na kaming lahat at tumingin sa harap. Nakatayo doon si Ms. Brea at ang queens and kings.

"Good afternoon students. I just want to announce that the nomination for Academy's Kings and Queens will start tomorrow. Napaaga because I am going to a meeting in abroad on next week. I just want to say that the students you'll nominate should deserves their positions. This ladies and gentlemen standing beside me are the Kings and Queens of this school. It will depend on you if you want them to remain or another will take place their positions. The nomination will be tomorrow at 8:30 am. Just right the name of the person/s you want to nominate and put it on the box infront of the Headmistress' Office. Thank you for your time students. Goodluck for the nomination. Enjoy! You may now go to your class. Thank you" mahabang sabi ni Ms. Brea. Marami ang nag ingayan at marami na rin ang tumatayo at umaalis sa kanilang upuan. Naiwan kaming tulala nila Britney and Krisey. Like what the hell? Agad agad?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bitches vs JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon