"Fine" sabi niya.
"Okay then! Mas mabuti siguro kung isend ko na ngayon para ibigay mo sakin bago mag uwian. Is that clear?" Sabi ko at naisend na sa kanya yung copy ng essay niya. Sa totoo lang feeling ko slightly pangba-blackmail itong ginagawa ko pero may kasalanan naman siya sakin so it's okay haha.
Tumango siya at umalis na, tingnan mo ang wirdo din nito eh. Naglakad na ako at pumunta sa likod ng canteen, duon kasi kakaunti lang ang tao at kadalasan nga ay ako lang mag isa.
Pagkarating ko sa likod ng canteen tama nga ako at walang tao. Umupo ako sa gilid ng isang puno kung saan may bench at pumikit.
"Mama paglaki ko gusto ko magpatayo ng tahimik na lugar tapos po dun po pupunta yung mga may problema para makapagisip" sabi ng batang Arcuse.
"Maganda nga yan anak, pagbutihin mo ang pag-aaral mo ha. Alam mo noon anak, madami din akong pangarap kaso lang ay kapos kami sa pera kaya di ako nakapagkolehiyo" kwento sakin ni Mama. Sa totoo lang lagi niya itong sinasabi pero hindi ako nagsasawang pakinggan ito.
"Mama, ako ang tutupad ng mga pangarap niyo. Basta ma, wag po kayo aalis sa tabi ko ha. Wala na po si papa kaya pag nawala pa kayo di ko na alam ang gagawin ko" malungkot na sabi ng batang Arcuse.
"OO anak di ako mawawala sa tabi mo". Nakangiting sabi ng ina.
Dumilat ako. Wala ka na sa tabi ko mama. Isang takas na luha ang lumabas sa mata ko. Sa totoo lang masakit mawalan ng isang ina, naaalala ko pa nung bumili si mama ng coloring book sa kanto kasi naiyak ako nun. Umiiyak ako kasi nakakita ako ng bata na nagkukulay ng coloring book niya, tapos naisip ko na wala akong pambili ng ganun kaya umiyak ako. Tapos nakita ako ni mama at bumili siya nun. Nung gabi tuloy ako lang ang kumain dahil wala ng pambili si mama ng pagkain niya.
"Siguro ma, diyan sa lugar niyo lagi na po kayong nakakakain no? Masaya ako ma dahil di na kayo naghihirap, ayos lang ako dito ma..." Wala sa sariling sabi ko.
"Ang drama mo naman" sabi ng isang boses sa likod ko. Noong una ay akala ko si Sira ulo pero hindi pala.
"Jackson?"
"Yeah" sabi niya.
Si Jackson nga yung crush ko sa physical na anyo. Bakit kaya nandito siya?
"Why are you here?" I asked out of no where.
BINABASA MO ANG
Destined To Be Broken
Teen FictionAlone... That is Me. It is Very Hard to live Alone in this Judgemental World Bringing Only Your Broken Self. But Still, Im Fine and I am always Fine. I Always wear my Fake Smiles. Yes, Hear that? Its Fake, But I am Not Fake. Its Just that I don't wa...