Chapter 11

2 0 0
                                    

Arcuse Mei's POV
Ilang oras na akong nakababad sa ulan pero kahit ganon hindi ako makaramdam ng lamig. Mas nararamdaman ko ang sakit.

Kasabay ng pagpatak ng ulan ang pagbagsak ng mga luha ko. Ramdam na ramdam kong mag isa ako, Sanay na ako OO kaso minsan ay nakakasawa na eh. Yung paulit ulit ka na lang nasasaktan ng mga tao sa paligid mo, sawang sawa na ako.

Maya maya pa may pares ng sapatos akong nakita sa aking harapan at naramdaman kong hindi na ako napapatakan ng ulan.

"Tara na ihahatid na kita" sabi niya pero hindi ko ito pinansin.

"Sakay ka na sa koste k--"

"Pwede ba? Iwanan mo na lang ako dito!" Pasigaw kong sabi. Pero sa halip na umalis siya ay umupo siya sa harap ko dahilan para makita ko ang muka niya.

"Tss. Ano bang trip mo at nagpapaulan ka dito ng ganitong oras?" Halata sa itsura niya ang pag aalala pero mas nangingibabaw ang awa.

"Bakit ba? Ano bang pakialam mo ha? Wala kang pakialam! Walang may pakialam sakin!" Pasigaw ko uling sabi dahilan para sunod sunod na lumabas ang luha sa mata ko.

"Pwede bang iwan mo na lang ako mag isa? Pwede bang hayaan mo na lang ako dito?" Sabi ko habang umiiyak.

Sanay naman akong mag isa...

"Hindi kita iiwan dito Arcuse, nandito ako hindi dahil ako yung taong nagkakagusto sayo kundi dahil Bilang isang kaybigan" nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Kaybigan? Tapos ano iiwan mo din ako, masasanay ako sa presensya mo tapos balang araw mawawala ka din" nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. Lalo tuloy akong naiyak, sa halip na itulak ko siya ay hinayaan ko ang sarili kong umiyak ng umiyak.

Simula ng mamatay ang mama ko, Lagi na akong mag isa. Uuwi ako sa bahay na wala akong makakausap, gigising ako mag isa kasi wala namang tao diyan para gisingin ako kapag late na ako sa school. Sa school naman, wala akong kaybigan dahil wala namang nakakatagal sakin eh. Sinubukan ko din naman makisama dati pa, kaso ay nagmumuka lang akong tanga sa kakahanap ng tunay na kaybigan. Pati nga yung pusa na kinupkop ko dati ay nasagasaan pa. Kaya minsan nagtatanong na lang ako sa sarili ko na...

"Masama ba akong tao para walang magmahal sakin ng totoo? Kasi ang sakit sakit na eh, Lagi na lang ako mag isa at yung mga taong inaakala ko na makakaintindi sakin ay sila pa yung nawawala" minsan ay naiisip kong Bakit pa ba ako pinanganak kung ganong parang walang silbi lang din ako sa mundo.

"May nakapagsabi sakin dati na, madaming tao ang ginawa sa mundo hindi lang dahil para pangalagaan ito kundi dahil para hindi maramdaman ng bawat isa na mag isa siya" sabi sakin ng lalaking kaharap ko.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan siya.

"Sana nga ganyan na lang eh, ang kaso ay hindi. Some people are meant to be alone like me, and it really sucks Terris"

Napabuntong hininga siya.

"Kung naaawa ka sa akin ay iwan mo na lang ako dito, hindi ko kaylangan ng awa mo pero salamat dahil dumating ka, at least may dumating dito kahit hindi ikaw ang hinihintay ko" nag iwas ako ng tingin sa kanya.

"Alam mo bang ang best friend mo ay kasama ang mga kaybigan niya sa mall bago ako pumunta dito? Ang saya saya nila at bakas sa muka ng pinsan ko na hindi ka niya inaalala" mahabang sabi nito.

"Tapos ka na ba? Sa tingin mo ba sa sinabi mo ay gumaan ang loob ko?" Sarkastiko kong sabi. Lalo niya lang pinaramdam sakin na Walang nagaalala sakin.

"Ang sakin lang, sana ay marealize mo na nandito ako para sayo Arcuse, Hindi ko man alam ang pinagdaanan mo pero nandito ako" tinuro niya ang sarili niya at ngumiti.

Destined To Be BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon