Wait.. What?? Athena Likes her Cousin?
"Wait. Wait. Wait. Una sa lahat Wala siyang gusto sakin, pangalawa... PINSAN MO SIYA!" hindi ko na napigilan na sumigaw. Tumingin tuloy ang mga tao na nandito sa loob ng resto. Medyo nahiya naman ako. Alam niyo yon, hindi ko gawaing sumigaw pero nitong mga nakaraang araw ay umiingay na ako.
"Yeah.. Mag pinsan kami pero hindi kami magkadugo" She said.
Nagbigay naman ako ng nagtatakang tingin. Naguguluhan ako, possible ba yun?
"My Mother is not a Buenavente in blood, ampon lang siya ni lolo Travis at lolo Teresita" bumuntong hininga muna siya bago muling magsalita.
"Bakit ko nagustuhan si Terris? I really don't know... Sa totoo lang matagal ko na siyang gusto, I even gave him a letter that express my feelings..""So ibig sabihin alam niyang gusto mo siya? Wow.."
"Yes. And ngayon naman sinabi niyang may gusto daw siya sa bestfriend ko.. Ikaw lang naman iyon eh"
"mmmmm... That's impossible Athena. Come to think of it, Kelan ko lang siya nakilala at hindi pa maganda ang pagkakakilala namin sa isa't isa... So naiisip ko lang na kaya niya siguro sinabi sayo na gusto niya Ako (eww) para kalimutan mo na siya" sabi ko without a doubt.
"Pero bakit niya naman iyon gagawin? Dahil ba mag-pinsan kami? Eh alam naman niya na Hindi kami magkadugo" sabi niya na medyo napapataas na ang boses.
"Maybe That's one of the reason pero sa tingin ko...kaya niya yun sinabi ay para hindi ka na masaktan at umasa sa kanya. Pananaw ko lang naman" tumingin ako sa relo ng resto at 10 minutes na lang ay duty ko na.
"Let me ask you something Arc..." Napatigil pa siya sa pagsasalita na para bang nag-aalangan sa itatanong niya. "Is it possible that you will fall for him?" Sabi niya looking straightly to my eyes.
"Impossible... Well Gwapo siya pero hindi ko gusto ang ugali niya, mayabang siya, mapangasar at nakakainis ang presensya niya" mahabang sabi ko.
"Sige.. Sorry Arc"
"Huh? For what?" I asked.
"Basta Sorry... sana mapatawad mo pa ako by doing this sh*t thing"
"May sinasabi ka?"
"Ahh wala Arcuse. Sige salamat sa oras..una na ako ha!" sabi niya at tumayo na sa inuupuan niya. Umalis na siya without looking back at me. Kakaiba talaga ang kinikilos niya.
Tumayo na ako, start na pala ng duty ko. Kaylangan ko ng magtrabaho.
******
1:00 PM na at tapos na ang Duty ko. Actually kanina pang 12 ang tapos nito pero nag-overtime ako para may dagdag sa Kita ko. Balak ko kasi bumili ng Cellphone.
Nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko sa Red V's Restaurant at lumabas na ako. Pagkalabas ko nakita ko si Jackson na may kasamang babae.
Jiss?
Si Jiss nga! Ang Queen bee ng taon, bakit kaya sila magkasama? At bakit ako nagtatanong. Umiwas na lang ako ng tingin para kasing nawala ako sa wisyo. Buti na lang ay may pupuntahan pa ako.
Papunta ako ngayon sa Plaza Sheeta, Lugar iyon dito sa bayan na maraming tao at magagandang bagay na mabibili. Sa totoo lang napapangitan ako sa pangalan nung Plaza...wala share ko lang. Para siyang lugar na ginawa lang for marketing. Sumakay ako sa isang Kalesa. Bet na bet ko talaga sumakay dito Tsaka iwas polusyon din.
BINABASA MO ANG
Destined To Be Broken
Novela JuvenilAlone... That is Me. It is Very Hard to live Alone in this Judgemental World Bringing Only Your Broken Self. But Still, Im Fine and I am always Fine. I Always wear my Fake Smiles. Yes, Hear that? Its Fake, But I am Not Fake. Its Just that I don't wa...