Chapter 13

3 0 0
                                    

Terris' POV

Pagkalabas ko ng ospital ay tinungo ko agad ang kotse ko at pinaandar ng sobrang bilis. Wala na rin akong pakialam sa mga Red na stop light dahil inis na inis ako.

"Fu*k!" Napamura ako sa sobrang inis.

Bakit Athena? Bakit Mo sinaktan ang babaeng gustong gusto ko?

Naninigas na ang panga ko dahil sa inis. Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Mas naiinis ako pag naaalala kong wala ako sa tabi niya habang sinasaktan siya ng mga babaeng iyon. Sana pinilit ko na lang siya na huwag pumasok. Kasalanan ko rin ito. Sh*t

Pagkarating ko sa Heartpiece Academy, pinarada ko kaagad ang kotse ko at bumaba. Nabalibag ko pa ang pinto nito. Asar!

Habang naglalakad ako, Pinipilit kong kumalma dahil baka masaktan ko ang Pinsan ko. Hindi pwede dahil babae parin siya at kamag anak ko. Pero kung lalaki siya ay sasapakin ko talaga siya.

Maraming nagtitilian na mga babae habang naglalakad ako sa hallway, yung iba nga ay bakla pa. Tsh sinamaan ko silang lahat ng tingin dahil bad trip ako at umalis naman silang lahat. Mga Peste.

Tinungo ko ang room namin at nakitang nandoon si Athena na nagsasalita sa harap. Filipino time pala namin at hindi pa nga pala tapos ang activity na iyon.

"Amm... W-wala dito yung taong gusto kong makinig sa sorry ko. Aaminin ko sa inyo na... Ang dami dami kong kasalanan sa mundong ito. Yung mga taong ayokong makasama sila yung laging nakadikit sakin at yung mga taong gusto kong laging nasa tabi ko... Sila yung wala... Kasi... Ako mismo ang dahilan kung bakit sila lumalayo sakin..." Umiiyak na sabi nito.

Yung inis ko kanina ay napalitan ng awa. Kaya ang ginawa ko hinila ko siya palabas ng room. Wala namang magagawa si Sir kung ilalabas ko siya dahil boss din ako sa school na ito. Natahimik nga silang lahat at lalo itong babaeng hinihila ko. Nawalan na yata ng boses.

Hinila ko si Nina hanggang rooftop ng lumang building at noong makita ko ang dugong nakakalat sa sahig sa rooftop... Natigilan ako.

Kitang kita ko ang pintura sa sahig na may mga dugo at may roon ding bote ng thinner. Napatanong na lang ako sa sarili ko ng. "Bakit hindi ko siya nailigtas?"

Napatingin naman ako kay Athena. Kapag naiisip kong may kinalaman siya sa mga nangyayari ay naiinis ako sa kanya. Yung kaninang awa na naramdaman ko ay nawala at napalitan ng galit.

"Bakit mo yun ginawa?!" Tanong ko.

"A-alin?" Natatakot na sabi nito. Kitang kita ko sa mga mata niya na alam niya ang tinutukoy ko.

"Don't act that you don't know it And Please lang sabihin mo sakin ang rason kung hindi ay isusumbong kita sa dad mo" sinusubukan kong maging mahinahon pero mahirap kapag ganito na ang sitwasyon.

"Dahil gusto ko lang" nagulat ako ng biglang ngumiti ito at nagulat ako sa reaction na iyon.

"Really Athena?! Are you crazy? You are doing that thing to the person who treated you as her sister? Wala ka bang konsensya?!" Napahilamos na ako sa muka ko dahil sa galit.

"J-just don't be angry Terris, Buhay ko to and you shouldn't ruin what I want! Wala kang alam!" Sabi niya at biglang tumalikod. Susubukan ko sana siyang habulin kaso ay pinigilan ko ang sarili ko. Baka masaktan ko siya ng pisikal kaya minabuti kong mag stay muna rito.

Arcuse Mei's POV

Natigilan ako sa mga sinabi ni Chewy. Anong alam niya?

"Gustuhin ko mang sabihin sayo ang dahilan pero wala ako sa posisyon. Kahit kulitin mo ako ay Hindi ko pwedeng sabihin" sabi niya at napabuntong hininga.

Marahil mabigat ang dahilan kaya ganito ang kinikilos niya. Nakakacurious tuloy.

"Magpakatatag ka Mei. Kung sasabihin ko sa iyo ang dahilan niya ay mas malala pa ang aabutin mo" seryosong sabi niya at tumayo na siya. Aalis na sana siya kaso ay may lalaking biglang pumasok sa room ko.

"Cristina Harmony Erinisia Williams Yoson! Kanina pa kita hinahanap nandiyan ka lan--" natigilan ang lalaking nasa harap ko dahil bigla siyang tumingin sakin. Tila ba naging taong bato na siya ngayon dahil ni kurap ay hindi niya ginagawa.

Ngumiti ako at bigla itong namula at dinako ang tingin kay Chewy.

"Pwede ba huwag na huwag mo akong tawagin sa name ko Chester Ericson!" Napasigaw na sabi ni Chewy. Nagulat ako dahil ngayon ko lang siya nakitang sumigaw at nakakatawa dahil iyon ay kagagawan ng buong pangalan niya.

"S-Sorry bunso" nakita kong namula si Chewy noong tinawag siyang bunso? Ibig sabihin kuya niya itong lalaking ito? May kuya pala siya.

"Pagpasensyahan mo na ang Kuya ko, ganyan talaga iyan" sabi ni Chewy ng hindi man lang nakatingin sakin.

"Hindi ka kasi nagpaalam tapos ay matatagpuan na lang kita bigla sa room na ito at may kausap na Napakagandang babae! Mabuti na lang at nakita ko si Jackson sa labas nakuuu kung hindi ay yari ka sakin" mahabang linya nito.

Seriously?

Ang tahimik ni Chewy pero ang ingay ng kuya niya?

Napabuntong hininga ulit si Chewy.

Napadako ang tingin ko sa kuya niya dahil bigla itong lumapit sakin.

"H-hi! Ahh ehh... S-sorry sa pagpasok ko dito.. A-ako nga pala si ano. Ahh.." Huminga muna ito ng malalim, pumikit pa at parang mah ibinulong. Nakita ko itinaas nito ang daliri niya at nagbilang ng tatlo gamit ito.

"Chester Ericson Servin Williams Yoson!" Sabi nito ng diretso at parang hiningal pa. Ang haba kasi ng pangalan. Hindi na ako magtataka kapag mahaba din name ng parents nila.

"A-ano.. C-Cheese na lang for short hehe" utal utal talaga siya mag usap? Nakakatawa.

Napatingin naman si Chewy ng marinig ang word na Cheese. Halatang nagulat ito sa sinabi ng kapatid niya. Eh wala namang kagulat gulat doon.

Maya Maya pa ay nagulat ako dahil piningot ni Chewy ang kuya niya at hinila ito palabas habang kapit ang tenga. Woah! Bunso ba talaga siya?

"Ahh! Ano ba bunso! Aray! Miss! Babalikan kita dito" sabi nito sakin bago tuluyang makalabas ng pinto. Naipit pa ang daliri nito at narinig kong sumigaw siya sa sakit. Natawa naman ako.

Maya maya pa ay may pumasok ulit dito. Si Jackson na halatang nagalala.

"Nabulabog ka ba nila? May masakit pa sayo? Nakapagpahinga ka ba? Gusto mo bang kumain?" Sunod sunod na tanong nito kaya natawa na naman ako.

"Ayos lang ako" sabi ko sabay ngiti.

"I know you're not" nakangiti ding sabi nito. At umupo sa sofa malapit sa kama ko.

"I know this is not the right time but I want to tell you something" he said looking at me with his Brown eyes.

"What?" Walang gana kong tanong at umayos ako ng higa sa kama, pinikit ko na rin ang mga mata ko.

"I like Jiss" aniya.

"And?" Feeling ko hindi lang iyan ang sasabihin niya.

"And... I like you too" sabi nito at tumayo, lumapit sakin at..

Hinalikan ako sa noo.

******
Please Vote And Share!

Destined To Be BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon