"Keso, salamat sa paghahatid sakin dito ha" nakangiti kong sabi habang umaayos ng higa sa kama ko.
"W-wala yon" naiilang na sabi niya.
"Hahaha, Ang cute mo" nagulat siya sa sinabi ko. Namula ang muka niya at napatakip pa ng muka. Para siyang babae.
"Mas cute ka" sabi niya habang nakatakip ang muka. Nagulat naman ako doon at natawa.
"Wow. Hindi ka nautal!" Pumalakpak pa ako dahil ang lalaki niya lalong tingnan kapag hindi siya nauutal. Ang gwapo pa mandin niya kamuka niya si Lee Jung Suk.
Natawa ako nung bigla niyang tinanggal ang kamay niya sa muka niya at binalik ito ulit. Para siyang bata na nagtatago sa nanay niya hahaha.
"Keso. Salamat ulit ha... Nakakatuwa ka palang kasama kahit ganyan ka"
"Pwede ba na ano... Ahhh ehh.. S-samahan kita dito? T-tsaka hinihintay ko pa si Chewy eh"
"Oo naman" nagthumbs up pa ako. Bigla siyang naglakad papunta sa sofa malapit sa kama ko. Saglit kaming nagkatitigan tapos nginitian ko siya at Namula na naman siya. Hahaha halatang halata siya.
"B-bakit ka nga pala umiiyak kanina" tanong niya.
"Ahhh.. Iniwan kasi ako ng kapatid ko" sabi ko habang nakapikit.
"Nubayan! Sino ba yang kapatid mo? Parang hindi mo siya kapatid ah! Gusto mo ipablatter ko siya? Ang ganda ganda ng kapatid niya tapos iiwan niya lang! Gigil na ko" sabi ni Keso. Gulat na gulat ako dagil diri- diretso niyang sinabi iyon. Ang pogi pa ng dating ng pagkakasabi niya.
"Hindi ko naman siya tunay na kapatid, kaybigan lang pero tinuring ko siyang sister ko"
"Siya ba iyong babae na lumabas dito kanina? Yung umiiyak na nakauniform at medyo mahaba ang buhok?" Diri- diretsong sabi na naman niya. Tumango na lang ako.
"Kung ganoon.. Bakit siya umiiyak? Eh siya nga itong nang-iwan eh. Ang weird naman" parang bata na sabi niya. Ang cute niya talaga.
Maya maya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Chewy na may bitbit na sako.
"Nandito ka lang pala! Nako Arcuse pagpasensyahan mo na yang kapatid ko paniguradong naperwisyo ka lang sa kanya. Kesong hilaw halika dito isasako kita!" Napatayo naman si Keso at lumapit sa akin. Kumapit pa nga sa braso ko.
"A-Arcuse oh! Nang-aaway" kunwaring natatakot na sabi ni Cheese.
"Nako!!! Nagpapahinga yung tao Kesong hilaw! Istorbo ka eh" lumapit si Chewy at hinila ang kapatid niya.
Tinulak palabas ng pinto at binato palabas yung sako. Parang hindi si Chewy ang nandito. Para siyang amazona na naligaw sa 21st century.Biglang sinarado ni Chewy ang pinto at nilock. Narinig ko pang kumakatok si Keso at nagmamakaawang buksan ang pinto. Natawa na naman ako.
"Ang ingay mo" sabi ko sa kanya.
"Ganun ako kapag nakikita ko muka ng Kuya ko"
"Ang gwapo ng kapatid mo Chewy. Lahi niyo ang magaganda at gwapo" nakangiti kong sabi.
"Tsh. Mang bobola ka pa, pangit kaya non" sabi nito
"Hoy! Hindi ako panget!" Sigaw ni Keso mula sa labas. Natawa na naman ako.
"Kapatid ko lang pala magpapatawa sayo" seryosong sabi ni Chewy na ikinatigil ko naman.
"May gusto sayo iyang kapatid ko Clarison"
"Ha?" Naguguluhan ako sa sinabi niya. Magkakagusto? Eh kakarating niya lang dito kanina ah. Ang epic pa ng pagkakapasok niya.
"Buong pamilya ko lang ang pwedeng tumawag sa kanya ng Cheese, pero siya na mismo ang nagsabi sayong iyon na lang ang itawag mo sa kanya"
BINABASA MO ANG
Destined To Be Broken
Подростковая литератураAlone... That is Me. It is Very Hard to live Alone in this Judgemental World Bringing Only Your Broken Self. But Still, Im Fine and I am always Fine. I Always wear my Fake Smiles. Yes, Hear that? Its Fake, But I am Not Fake. Its Just that I don't wa...