Chapter 9

3 0 0
                                    

Athena's POV

Dumaan ang Sabado't Linggo ko na wala ako sa wisyo, Hindi ko parin kasi makalimutan ang ngiti ni Arc bago siya umalis ng ospital last day.

Nandito ako ngayon sa tapat ng gate, 6 pa lang ng umaga kaya sobrang aga pa para pumasok ako pero sa sobrang excited kong makita ang bestfriend ko ay inagahan ko talaga. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

Nasabi ko lang naman iyon para pagtakpan si Terris. Para hindi malaman ng iba na may gusto siya kay Arc. Umupo muna ako sa bench sa labas ng school. Nalulungkot ako sa totoo lang. Masayahing tao si Arcuse at alam iyon ng nakarararami kahit mailap siya sa tao. Kaya nung nakita ko yung mga mata niya sa ospital na tila ba sobrang nasaktan sa mga sinabi ko. Napapikit na lang tuloy ako.

5 years ago...

Nandito ako sa isang park, naglilibang. Nag away kasi si mommy at dad dahil sa negosyo kaya nagpasya akong umalis muna sa bahay.

Habang naglalakad ako, may nakita akong babae na nakatulala, may kapit na ice cream pero natutunaw na sa kamay niya ito. Ang weird na parang wala siyang pakialam sa ice cream.

Lumapit ako dun sa babae at naglabas ako ng panyo. Nung nakita niya ako ay nabitawan niya yung ice cream sa gulat. Pinunasan ko ng panyo ko yung kamay niya at nakita kong naguluhan siya sa ginawa ko.

"Miss ang lagkit kaya ng ice cream bakit hinayaan mong matunaw?" Sabi ko habang nagpupunas ng kamay niya.

"Wait sino ka ba? Ano bang pakialam mo?" Tanong niya at binawi nito ang kamay niya sakin.

"Alam mo bang paborito ko ang ice cream! Tapos nagsasayang ka lang, ang dami daming bata ang hindi nakakakain niyan eh!" Di ko na napigilan na hindi sumigaw.

"Paborito ko rin naman ang ice cream... Minsan lang talaga gusto kong natutunaw ito sa kamay ko" sabi niya at napabuntong hininga. She's really weird. She's smiling but I can see in her eyes that She's in pain.

Destined To Be BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon