Chapter 5

5 1 0
                                    

Medyo malayo na ako sa school at nararamdaman ko padin ang sumusunod sakin. Kinakabahan ako baka kung anong kaylangan nito sakin.

Patuloy lang ako sa paglalakad at biglang may kumapit sa braso ko.

"Wahh!! Yahh!! Huwaaa---" biglang may nagtakip sa bibig ko.

"Ang ingay mo pala" tinig ng isang pamilyar na boses. Teka...

"Jackson?" Then binitawan niya ako.

"Yeah! Finally, kanina pa kita hinahabol" sabi niya habang medyo hinihingal.

"Bakit kasi di mo ako tinatawag?" Medyo hinihingal kong sabi. Parang baliw din kasi malay tinawag ako.

"Di ko kasi gawain ang sumigaw" pangit naman ng excuse neto.

"Bakit mo ba ako hinahabol?"

"Bibigyan kasi kita ng panyo, pamalit dun sa binigay mo sakin kanina para kwits tayo" nakangiting sabi nito. Tiningnan niya ako sa mata at mistulang kuminang ang mata nito nang magtagpo ang mata namin. Medyo nailang tuloy ako.

"Ahhh. S-sige, sana sinoli mo na lang yung panyo ko sa lunes" friday kasi ngayon kaya di niya masosoli bukas.

"Mas maganda yung ganto kaya tanggapin mo na" kumindat pa siya at inabot sakin ang panyo. Bumilis ang tibok ng puso ko sa totoo lang, siguro ay dahil sa first time kong makatanggap ng panyo mula sa iba.

"Salamat, teka di ba lilipat na kayo ng bahay? San na kayo ngayon?" Tanong ko para maiba yung atmosphere medyo naiilang ako eh.

"Yun nga ang problema eh wala kaming matuluyan kasi may mas may kaya daw na kumuha nung lilipatan naming bahay, wala naman kaming magawa" malungkot na sabi nito.

"Ahh yun ba, may alam akong pwedeng lipatan kaso ay medyo maliit eh" nagaalangan kong sabi.

"Maliit lang naman din yung lilipatan sana namin eh, malaki lang ng kaunti sa room namin"

"Ahh e di mas malaki pa pala yung katapat bahay namin gusto mo sumama dun? Tingnan mo"

Tumango siya at nagsimula na kami maglakad. Medyo awkward kasi di ko alam ang sasabihin ko. Hirap nga akong tumingin sa kanya eh.

Habang naglalakad kami papuntang sakayan ay may nagbebenta ng Ice cream, napatingin ako dito at talaga namang naglaway ako.

"Gusto mo nun?" Tanong niya sakin at tinuro ang ice cream.

"OO, Ikaw gusto mo ba? libre kita" nakangiti kong sagot.

"Hala, ako nga ang manlilibre eh" medyo nahihiya niya pang sabi. Namumula pa nga siya, may sakit kaya siya?

"Ayy naku--" natigilan ako ng may bumangga kay Jackson.

"Oops sorry nakaharang kasi kayo" sabi ni Sira ulo.

Kakayamot talaga siya eh no ano bang trip niya? Ang luwag kaya ng daan at nasa gilid pa nga kami eh. Di ko na lang siya pinansin. Bahala siya diyan.

"Naku Jackson ayos ka lang ba? Tara na nga dun oh" kinuha ko ang kamay niya at hinila ito palayo kay Sira ulo. Nakita ko pa si sira ulo na nakatingin sa kamay ko. Huh? Anyare dun? Tsaka bakit ba dumadaldal na ako? Di naman ako ganito eh.

Nang makalayo kami ay patuloy ko siyang hinila sa isang ice cream shop. Di kasi kami nakabili kanina, bwisit kasi si Ano. Nang makapasok kami sa shop ay binitawan ko na ang kamay niya.

"Anong flavor ang gusto mo?" Tanong ko sa kaniya. Medyo tulala pa siya kaya nag snap finger ako sa harap niya at natauhan naman ito.

"Ahh ehh a-ano. Vanila na lang, ako na ang magbabaya--"

"No, ako ang magbabayad kaya maghintay ka na lang sa labas" Magsasalita pa sana siya kaya lang ay pinigil ko ito at tinulak siya palabas. Siyempre hindi yung harsh na tulak ha.

Bumila na ako ng ice cream na tag 50 ang isa, medyo nakaluwag ako ngayon eh dahil sa 10k na bayad ni Jisoo. Lumabas ako at nagulat ako dahil umuulan na pala. Inabot ko kay Jackson ang ice cream niya at ngumiti ako. Parang tulala pa nga siya eh, siguro nashock siya sa pagbangga samin ni Sira ulo.

"Paano tayo makakapunta sa sinasabi mong bahay? Malakas ang ulan" medyo malakas na sabi ni Jackson.

"Di ko din alam eh" pasigaw kong sabi. Ang lakas na talaga ng ulan.

"Maligo tayo sa ulan?" Sabi niya na kinagulat ko, siya? Na anak mayaman dati ay naliligo sa ulan?

"May ice cream pa nga tayo eh" walang tayo! Hahaha.

"Eh di pagkaubos, wag mong alalahanin ang gamit mo bumili tayo ng plastic diyan sa tindahan diyan oh tas ibalot natin ang gamit natin" nakangiting sabi nito na parang bata. Ang cute niya.

W-wait.. Sinabi ko ba talagang cute siya? Omooo! I must be crazy!

Maya maya pa ay ubos na ang ice cream namin at talagang bumili nga kami ng plastic. Siya pa nga nagbayad ng plastic eh. Binalot namin ang gamit namin, nagpaa pa nga kaming dalawa at sinuong ang ulan!

"Ang saya!!! Tara na sa lugar na sinasabi mo!!" Tuwang tuwang sabi ni Jackson habang nagtatatalon. Hinila niya ang kamay ko kaya nagulat ako. At sinabi niyang "saan ba?"

"S-sa 4th district lang" medyo naiilang na sabi ko.

"Malapit lang pala eh" ngumiti siya at hinila agad ako. Akalain mong alam niya yung lugar na yun.

Habang naglalakad kami, natanaw ko si Terrisira sa malayo na nakatingin samin. Siguro ay naguilty siya sa ginawa niya kanina. Tss, I dont care.
Palakas pa ng palakas ang ulan at medyo nilalamig na din ako. Napansin ata iyon ni Jackson kaya binitawan niya ang kamay ko at umakbay sakin. Ramdam ko tuloy ang init ng katawan niya. Naiilang ako pero dahil sa ginawa niya hindi na ako masyadong nilalamig.

Maya maya pa ay nakarating na kami at tumila na din ang ulan. Pinapasok ko pa siya sa bahay namin pero tumanggi siya. Tsaka na lang daw siya papasok kapag magkapit bahay na kami.

Sinamahan ko na siya sa kapitbahay at saktong nandoon pala ang may ari nito. Pinagbebenta na pala niya ang bahay na ito, akala ko ay papaupahan niya lang. Kinausap ni Jackson ang lalaking may ari ng bahay at nagkasundo sila na bilhin ito sa halagang 20k. Ang price nga sa karatula ay 40k eh pero napababa ni Jackson ito, baka magaling siya sa ganitong bagay.

Kaya pala binabaan ang presyo ay dahil halos sira na lahat ng Mga gamit sa loob. Ayos lang daw iyon sabi ni Jackson dahil may mga gamit pa siyang nakuha sa bahay nila dati.

Nagpaalam siya at sinabing tatawagan niya ang mama niya at agad na palilipatin sa bago nilang bahay. Sabi ko ay papasok muna ako sa bahay at magbibihis. Ngumiti naman siya at um-OO.

Pumasok ako sa bahay namin at may napansing may bulaklak sa lamesa ko. Kanino kaya yon galing.

From:Mr.Sira Ulo.... Terris Gwapo

WTF!

*******

Please Vote and Share!

Destined To Be BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon