WTF!!
Galing kay Terris ang mga bulaklak na ito? At bakit nasa loob to? Ibig sabihin may pumasok sa bahay namin? Aba tresspassing yun ah. Nako humanda sakin yang Sira Ulo na yan sa Lunes. Aishh!!!
Hinawakan ko yung bulaklak at napansin kong ang gaganda ng mga ito. Pero bakit ako bibigyan ni Sira Ulo ng ganito? Baka gusto niya magsorry? Baka nantitrip siya? Oh baka... No,No,No its impossible.
Pinatong ko na lang ang bulaklak sa Table. Bahala yang malanta diyan. Umakyat ako sa kwarto at gusto kong maligo.
Pumasok ako sa banyo at umupo sa trono. Napaisip lang ako na Ang saya pala kasama ni Jackson, I mean.. Mayaman siya dati pero ang down to earth niyang tao. Gwapo, Mabait,Masayang kasama..
Wahh!!!! Bakit ko ba siya naiisip? Kung ano ano pa sinasabi kong magagandang bagay tungkol sa kanya. Nakakahiya.
Naligo na lang ako, para naman mahimasmasan sa mga naiisip kong di ko din magets kung bakit iniisip ko. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Magluluto ako eh, nagugutom na kasi ako. Pagpunta ko sa kusina ay may kumatok sa pinto.
"Sino yan!" Sigaw ko habang papalapit sa pinto.
"Si Jackson ito!"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Teka nga, bakit ba ganito ako? Baka may sakit na ako huhu. Tsaka dumadaldal na ako! Wahhh!!
Binuksan ko ang pinto at tiningnan si Jackson. Di pa din ito nagbibihis at basang basa pa din.
"Ahh.. Ehh... Makikigamit lang sana ako ng.. Aishh. Wag na nga nakakahiya" tapos tumalikod siya. Nakita ko pang namula ang tenga niya. Anyare dun?
"Wait. Makikiligo ka?"
"Ahh... OO sana? Kaso wag na nahihiya ako eh"
Ang cute niya.
Aishhh! Erase!!
"Sige na pumasok ka na, sa kwarto ko lang gumagana ang shower kaya dun ka na lang" nakangiti kong sabi.
"S-sa kwarto m-mo?" Naiilang niyang tanong.
Tumango ako.
"S-sige, hehe salamat" at pinatuloy ko siya. Medyo natigilan siya dahil nakita niya yung bulaklak.
Halaaa!! Yung mga bulaklak nga pala!
"Kay Sira Ulo galing ang flowers na yan, Di ko nga alam kung para saan yan eh baka mamaya prank o kaya may lason yung bulaklak" sabi ko.
Ngumiti lang si Jackson at tumango tango. Siguro nagtataka din siya kung bakit ako binigyan ni TerriSira ng ganun.
Sinamahan ko na lang si Jackson sa kwarto ko at pinapunta siya sa CR. Nagpasalamat naman siya.
Naalala kong magluluto nga pala ako, magpiprito na lang ako ng hotdog at magluluto ng cornbeef para dito na lang kumain si Jackson.
Pumunta ako sa kusina at saktong isang balot pa pala ng hotdog ang nasa ref. May stock din kami ng Can goods kaya alam kong may cornbeef kami. Nagluto ako at nagsaing na din. Baka kasi-
*Tok!tok!Tok!*
Hay nako sino na naman kaya ang kumatok.
Pumunta ako sa pinto at binuksan ito, lumingon ako sa paligid at lumingon sa baba. Isang bata?
"Hello po Ate! Nandito po ba si Kuya Sony?" Tanong nung bata.
"Ha? Naku walang Son--"
"Jiyo!" Sigas ni Jackson.
"Kuya!!" Tumakbo yung batang babae papasok ng bahay ko at binuhat ito ng kuya niya na ngayon ay nakasuot ng Pants At Blue Shirt, pangbahay lang talaga.
"Kuya sino po si Ateng maganda?" Tanong nung bata at tinuro ako. May binulong pa sa kanya ang kuya niya at natawa yung bata.
"Siya si Ate Arcuse" sabi ni Jackson.
"Teka diba sabi mo Sony ang pangalan ng Kuya mo?" Nagtataka kong tanong.
"Ahh yun po kasi ang tawag sa kanya ng lola namin ka--" tinakpan ni Jackson ang bibig nung bata.
"Naku Ang daldal mo, teka nandiyan na ba si mama?" Tanong ni Jackson.
Tumango yung bata.*Kruk kruk*
Tumunog yung tiyan nung bata. Natawa pa nga ako.
"Naku Kumain ka muna diyan oh nagluto ako ng hotdog at cornbeef" sabi ko at ngumiti dun sa bata.
"Naku Jiyo dun ka na sa atin kumain magluluto na lang si kuya" ngumiti si Jackson sa kapatid niya. Kaso sumimangot yung bata.
"Hahaha, tara sa kusina Jiyo!" Niyaya ko yung bata at humiwalay naman ito sa kuya niya.
Sumunod naman si Jackson at tumunog na din ang tiyan niya kaya hayun namula siya.
"Kain ka din SONY hahaha" lalo siyang namula. "Hahaha, yayain mo ang mama at papa mo dito" sabi ko.
"Naku wag na nakakahiya ang dami mo nang nagawa para sakin eh" naiilang na sabi niya.
"Hayys! Nako! Nako! Bawal ang hiya dito sige ka ako ang tatawag sa kanila at sasabihin kong nagpau--"
"OO na OO na!" At lumabas na siya.
"Ate, Girlfriend ka po ba ni Kuya?" Tanong ni Jiyo. Nasamid tuloy ako. Aba ang bata pa ng babaeng ito para magtanong ng ganyan.
"H-HA?! Naku hindi ah kanina nga lang kami nagkakilala niyan eh"
"Ahhh ganun po ba. Pero kung ako tatanungin Gusto kong ikaw ang Maging Girlfriend ni Kuya Sony" sabi nung bata tapos kumuha siya ng hotdog at inulam.
Maya maya pa ay pumasok na si Jackson at kasama na niya ang mama niya. Tumayo ako at bumati sa mama niya.
"Naku iha nakakahiya naman makikain"
"Ayos lang po yun, ahhh ako nga po pala si Arcuse. Arc na lang po, upo po kayo" nakangiti kong sabi.
"Ako naman si Jowie, Call me Tita J na lang. Wala dito ang asawa ko eh sayang at di ka niya makikilala" Umupo si Tita J at pinaglagay pa siya ni Jackson ng pagkain.
Nagkwentuhan kami ng pamilya ni Sony. Hahaha kaya pala Sony ang tawag sa kanya ay dahil Nauntog daw siya dati sa TV na ang name ay Sony, Di daw siya umiyak non sabi ng mama niya pero nung dumating ang lola niya, nagsumbong daw ito na nasaktan siya dahil sa Sony na TV. Hahaha LT to.
Maya maya pa ay nagpaalam na sila na uuwi na sila, Jackson Mouthed thank you nung nasa Gate na sila ng katapat bahay namin. Papasok na sana ako samin nang biglang may narinig akong ingay sa kalsada.
Motor? Sino naman yun? At bakit nandito siya sa tapat ng bahay namin. Kumuha ako ng Walis tambo sa loob ng bahay namin at dahan dahan na pumunta ng kalsada. In case na Magnanakaw ito ay Hahampasin ko ito ng malakas.
Dahan Dahan akong naglakad at...
"Kick?!"
*****
Please Vote And Share
BINABASA MO ANG
Destined To Be Broken
Novela JuvenilAlone... That is Me. It is Very Hard to live Alone in this Judgemental World Bringing Only Your Broken Self. But Still, Im Fine and I am always Fine. I Always wear my Fake Smiles. Yes, Hear that? Its Fake, But I am Not Fake. Its Just that I don't wa...