"Kick?!" Gulat na gulat kong sabi. Nandito siya ngayon at may dalang Pizza. Si Kick na mayaman at playboy? May dalang pizza sa tapat ng bahay namin? What's happening?!
"Pizza Delivery" Kick gave me the Pizza box at ngumiti.
Natulala pa ako sa totoo lang, hindi ko kasi naiintindihan ang mga nangyayari. Delivery boy ba siya? Pero imposible naman yun.
"Para saan ba ito Kick? Di naman ako nagpapadeliver ng pizza eh at tsaka kelan ka pa naging delivery boy?" Sunod sunod na tanong ko.
"Woah! Easy Miss. Una sa lahat ay hindi ako delivery boy, itong mukang ito?" Tinuro niya ang muka niya. "Delivery boy? Pang Model kaya ang itsura ko and next is Inutusan lang ako ni Terris na dalhin yan dito"
"What?! Ano na namang trip non?! at don't tell me ikaw ang naglagay ng bulaklak at nanghimasok sa bahay ko?" Naiinis na sabi ko.
"Well yeah, Im good at lock picking at isa pa.. Hindi rin nakalock ang gate nyo so it's very easy for me na makapasok" tinaas pa ni Kick ang braso niya at tinapik ang muscle niya. Tss. Yabang.
"Ano bang nangyayari kay Sira Ulo at pinapadalhan niya ako ng mga ganito, nahihibang na ba siya?" Tanong ko. Sabagay hibang naman talaga siya.
"OO, hibang sayo"
"Ha? May sinasabi ka?" Umiling ito. Feeling ko talaga meron eh.
"Sige alis na ko ha, wala ka bang ipapasabi kay Buenavente?" Umangkas siya sa motor at pinaandar ang makina nito.
"Pakisabi Ang weird niya at salamat sa Pizza, sa Pizza lang ha hindi dun sa flowers" ngumiti ako at nilagay na ni Kick ang helmet niya. Umalis siya at kumaway pa ito habang papalayo ang motor niya.
Pumasok na ako sa bahay at umupo sa sofa sa may sala namin. Binuksan ko ang pizza at kinain ko ito mag-isa. Kaya ko itong ubusin sa totoo lang. Habang kinakain ko ang pizza ay may mga letter akong nakikitang nasa ilalim nito kaya kada kuha ko ng isang slice ay may nakikita akong letter. Sa ngayon ay dalawa pa lang ang nakikita ko at ito ay L at I. Nacurious ako kaya binilisan ko ang kain, maya maya pa....
"I,L,I,K,E,Y,O,U" what?!!!!!
Si Terris ba talaga ang nagpadala nito? Iyon? Magkakagusto? Sakin? Nako nako sigurado akong Prank lang ito. It's very impossible! Kahit magunaw pa ang mundo ngayon Hindi padin ako maniniwala.
Niligpit ko na ang pinagkainan ko pero hindi ko magawang itapon ang box ng pizza, parang nakokonsensya kasi ako. OO Konsensya lang ha.
Pumasok ako sa kwarto at nagpunta sa banyo para gawin ang Dapat gawin bago matulog nang makatapos ako ay humiga na ako sa kama at pumikit.
******
"Gosh, 1 AM na at hindi padin ako makatulog" sabi ko habang pagulong gulong sa kama. Naiisip ko kasi ang mga nangyari ngayong araw at suddenly kung ano anong pumapasok sa isip ko.
Tulad na lang nung binangga ni Terris si Jackson tapos yung tumingin siya samin ni Jackson kanina. Naiisip ko tuloy na ano.. Yung ano. Basta S ang simula alam nyo na yun.
Napakaimposible talaga na magkagusto sakin ang Sira Ulo na yun, Sigurado akong pinagtitripan niya lang ako porket mayaman siya at madami siyang kayang gawin ay gaganituhin na niya ako. Don't Me.
Aishh!! Bakit ba ang daldal ko na dapat wala akong pakialam eh. OO wala akong pakialam tama tama. I.DON'T. CARE.
Pumikit na ako at nakatulog.
******
Sabado. Nagising ako ng 7 AM at talagang pakiramdam ko kulang na kulang ako sa tulog. Bumangon na ako at ginawa ang mga dapat gawin at nagbihis na. May pasok kasi ako ngayon sa pinagtatrabahuhan ko na restaurant sa bayan. Hindi naman pwedeng aasa na lang ako sa himala para magkapera. Wala na akong mga magulang kaya kaylangan ko talaga buhayin ang sarili ko.
Lumabas ako ng bahay namin at nakita ko si Jackson na Nakasakay sa isang Bike, kulay asul ito at medyo luma na ero maayos pa naman kung titingnan lalo na at si Jackson ang nakasakay.
"Uy! Arcuse Magandang umaga, saan ang lakad mo?" Tanong niya. Medyo natauhan naman ako dahil medyo inaantok pa talaga ako eh.
"Ahh sa Bayan lang May trabaho ako eh" sabi ko.
"Angkas ka hatid na kita hanggang doon" sabi niya at tumango na lang ako. Hindi ako Pabebe para tumanggi no, sayang to eh.
Umangkas ako at humawak sa balikat niya, pinaandar niya ito at sinabihan niya pa akong medyo mabilis siya magpaandar kaya kumapit daw ako ng mabuti.
8:30 na nang makarating kami sa Red V's Restaurant. 9 pa naman ang simula ng trabaho ko kaya maswerte at maaga pa ako. Niyaya ko si Jackson sa loob pero tumanggi ito. May pupuntahan pa daw siya. Nagpasalamat ako at Nagpaalam na siya sakin. Ngumiti pa ito bago umalis.
Pumasok ako sa loob at as usual madaming tao dito para magbreakfast. Pupunta na sana ako sa kusina ng makita ko si Athena sa Isang table.
Lumapit ako dito at umupo ako sa upuan para makaharap siya. Tiningnan ko itong mabuti at nagulat siya ng makita ako. Sinamaan ko pa siya ng tingin dahil may atraso siya sakin.
"May kasalanan ka sakin" Sabi ko with matching masamang titig pa kunwari.
Tahimik lang ito at hindi man lang ako kinausap. Namumuro na talaga siya sakin eh.
"Nangangamoy F.O." sabi ko sa kanya.
Agad naman siyang lumingon sakin at nakita ko sa mga mata niya na nagulat siya sa sinabi ko.
"Sorry Arc kung di kita pinansin kahapon" sabi niya at medyo malungkot pa talaga ang dating.
"Bakit ba kasi di mo ko tiningnan man lang?" Tanong ko at nag iwas naman siya ng tingin.
"Its just that I'm not feeling well yesterday... And Today"
"Hay nako Athena, Bestfriend mo ako tapos Hindi ka man lang nagsasabi sakin na may problema ka pala" napabuntong hininga ako.
"Pasensya na talaga, Hindi ko din alam kung bakit ako nagkakaganito eh" nakita ko pang medyo naluluha na siya.
"Spill it, I know may gusto kang sabihin sakin makikinig ako para saan pang mag-BFF tayo kung naglilihiman din naman?" I sigh again.
"Okay lang ako nukaba, tsaka magiging ayos din ako pa--"
"Don't fool me Athena Sirvy Gonzales I'm deadly serious right now So please tell me what is your problem" may pagbabanta nang sabi ko.
"No, it's really... I mean I am really okay Arc tsaka ayoko ng madamay ka pa.. Hindi naman lahat ng problema ay dapat sinasabi or pinagkakalat, sometimes We need to hide some problems para Hindi maging pabigat sa iba". Naiiyak na sabi niya.
I don't know why, pero sobrang curiosity talaga ang bumabalot sakin ngayon. Pero mas Concern ako sa kanya, She's my bestfriend after all. Kung problema nga ng iba ay pinapasok ko sa kanya pa kaya.
"Handa naman akong malaman ang problema mo eh, Hindi yan magiging pabigat sakin. Bestfriend mo ako Athena... Alam mo sa totoo lang nasasaktan akong nakikita kang ganyan at ang masakit pa wala man lang akong kaalam alam sa nangyayari" malungkot na sabi ko. Medyo naiiyak na din ako at baka maya maya ay maging drama na itong buhay ko. Ang saya kaya ng buhay ko no.
Napabuntong hininga siya, marahil ay tanda na sasabihin na niya sakin.
"I Like Someone Arc, and That Someone likes another person.." She said.
"Woah... Mahirap nga iyan pero malalampasan mo agad yan ikaw pa ba" I tried to gave her at least a great smile but I think that I failed.
"No... I mean Yes malalampasan ko rin ito pero mukang mahirap eh.."
"Bakit? Sino ba yung sinasabi mo?"
Medyo kinakabahan na ako sa hindi ko maipaliwanag na paraan. Tumingin siya sakin at nakita ko yung pain sa mga mata niya... Hindi kaya...
"I like Terris... But He likes you"
What? May gusto siya sa pinsan niya?!
******
Please Vote and Share!
BINABASA MO ANG
Destined To Be Broken
Fiksi RemajaAlone... That is Me. It is Very Hard to live Alone in this Judgemental World Bringing Only Your Broken Self. But Still, Im Fine and I am always Fine. I Always wear my Fake Smiles. Yes, Hear that? Its Fake, But I am Not Fake. Its Just that I don't wa...