Pumasok na kaming dalawa ni Terris sa room dahil napa-aga yata ang klase. May pupuntahan pa si Ms. Agatha kaya maaga siyang pumasok.
Hindi ako makapagfocus sa klase, Iniisip ko kung ano ba talaga ang nangyayare? Bakit feeling ko may tinatago si Athena sakin? Pakiramdam ko ay nagsinungaling siya sakin. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari.
Natapos ang klase namin na wala akong naiintindihan. Sobrang lutang na lutang na ako. Nandito ako ngayon sa rooftop ng lumang building dito sa school at bihira lang ako mapunta dito. Gusto ko lang mapag isa.
"Hey" wika ng isang familiar na boses.
"Why are you here?" Tanong niya. Ang lakas talaga ng bunganga nito.
"And Why are you talking to me?" I asked.
"Because I want to... And... I want to tell you something" She said without even glancing at me.
"What is it Ms. Queen bee?" I asked again. Knowing her (slightly), She doesn't want to talk to a student like me unless she's curious about something.
"I am here to help.. Nakausap ko noong linggo si Athena, At may sinasabi siya sakin.. Honestly I don't want to tell you this kaso ay naaawa ako sayo".
Kinabahan tuloy ako sa sinabi niya..
"Athena doesn't really like Terris, At hindi talaga ampon ang mama niya. Her mom is a real Buenavente.. The reason kung bakit nagsinungaling siya is... Ayaw niyang sabihin sayo ang mga totoong bagay tungkol sa kanya" sabi ni Jiss and then umalis na siya.
Naiwan akong tulala, mas lalo tuloy akong naguluhan sa mga nangyayari. Bakit parang mas marami pang alam si Jiss kaysa sakin? At Bakit siya nagsinungaling sakin? Teka.. Paano kung hindi totoo ang mga sinabi ni Jiss. I know Athena, hindi niya magagawa sakin yun or kung magawa niya man, may mas malaking rason yon.
Nagring na ang bell at hudyat na tapos na ang lunch break, wala sa sarili akong bumalik sa room namin.
*****
Pagkapasok ko sa room nakita ko si Athena na nakatulala, saglit kaming nagkatinginan pero ako na ang unang umiwas ng tingin. Nakita ko naman si Terris na kumaway sakin. Wala akong panahon sa kanya at umiwas na lang din ako.
Pumasok ang next teacher namin na si Sir Salazar, Filipino Subject na namin ngayon.
"Good afternoon class!" Bati nito. Bumati silang lahat except me. Wala ako sa wisyo ngayon.
"Class, mayroon tayong activity ngayon and it's about expressing your true feelings. Lahat kayo ay magsasalita sa unahan about yourself at sasabihan ko na kayo, pwede kayong umiyak, ito na rin ang pagkakataon niyo para umamin sa crush niyo at magsorry sa kung kanino man. Maliwanag ba?" Tanong ni sir at nag Yes naman ang lahat.
Nagsimula na ang klase at ang activity ni Sir. Nauna ang Boys at unang una pa talaga si Sira Ulo dahil wala namang letter A ang apilyido sa room namin.
"Hi" paunang bati niya. "Ahmm, sa totoo lang nakakatamad itong ginagawa natin pero igagrab ko na lang ang chance para sabihin sa inyo na sa room na ito... May babae akong nagugustuhan" Tumingin siya sakin. Nagtilian naman ang mga babae dito, sabi pa nung isa Baka siya na daw yun.
"Its.. Ms.Clarison" nagulat silang lahat maliban sakin. Syempre alam ko na eh.
"Gusto kita, sana dumating ang time na ganun ka din sakin" sabi nito at umupo sa upuan. Kumindat pa ito sakin at kinilig naman ang mga kaklase ko. Eww
Lumapas pa ang oras at ang dami ng nag usap sa harap, meron pang naiyak dahil namatayan ng alagang aso, may tumawa naman kasi gusto niya lang daw tumawa. Meron din namang nag Hi lang sa harap at umupo, nahagad tuloy ni Sir. Hanggang sa dumating na ang oras na ako naman ang mag uusap. Tumayo ako at pumunta sa harap.

BINABASA MO ANG
Destined To Be Broken
Teen FictionAlone... That is Me. It is Very Hard to live Alone in this Judgemental World Bringing Only Your Broken Self. But Still, Im Fine and I am always Fine. I Always wear my Fake Smiles. Yes, Hear that? Its Fake, But I am Not Fake. Its Just that I don't wa...