Chapter 12

3 0 0
                                    

Nandito lang sa harap ko ngayon si Flits at ayaw akong padaanin.

"Hey Flits! let her go... May klase pa kami" may otoridad na sabi ni Terris.

"Wala ang first teacher niyo Terris, At isa pa yayayain ko lang naman si Archie, mag-uusap daw sila ni Athena" maarteng sabi nito.

"Bakit hindi siya ang pumunta dito?" Tanong ng kasama ko.

"Okay sige sasama ako" nagulat si Terris sa sinabi ko.

"But-"

"I said sasama ako" seryoso kong sabi.

Ngumiti naman si Flits at hinila ako. Naiwan lang doon si Terris na nakatayo.

*****

Nandito kami sa rooftop ng lumang building sa school at nagtataka ako dahil wala dito si Athena.

"Akala ko ba mag-uusap kami ni Athena?" Naguguluhan kong tanong.

"Oh well Archie, akala ko you are genius.. Bobo ka pala" mataray na sabi nito at may nilabas siya sa dala niyang bag.

"Okay Gurls Hawakan niyo na yan" napapapalakpak pa na sabi niya.

Nagulat ako ng may tatlong babae ang lumabas at hinawakan ako sa magkabilang braso at paa.

Naglabas siya ng isang bote ng pintura at tinanggal ang takip nito. Maya maya pa ay binuhos niya ito sa aking ulo. Natulala naman ako sa sahig dahil sa ginawa niya.

"Well, para yan sa kalandian mo.. Inagaw mo sakin si Terris at pati si Jackson ay inaagaw mo kay Jiss" matapang na sabi nito habang may inilalabas ulit sa bag niya. Isang bote ng Thinner.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Flits" mahinang sabi ko dahil nanghihina na ang katawan ko. Ang sakit na talaga ng ulo ko.

"Nag mamaang maangan ka pa, malandi kang babae ka!" Sabi niya sabay buhos sakin ng Thinner. Tumawa naman ang mga babaeng may hawak sakin.

"Girls kayo na ang bahala diyan" sabi ni Flits saka umalis. Nagulat na lang ako ng biglang may sumampal sakin.

"Para yan sa paninira mo sa fave kong loveteam na JissJack!" Sabi nito at sinampal ulit ako kaya napaupo ako sa sahig. Hinang hina na ako.

Maya maya pa ay sunod sunod akong pinagtatadyakan ng mga babae sa harap ko, ang gulo na ng uniform ko at puno na din ng pintura. May nalalasahan na rin akong dugo.

"At isa pa! Dahil sayo umiyak ang Idol naming si Ms. Athena!" Nagulat ako sa sinabi niya. Wala akong kaalam alam sa mga nangyayari. Bigla namang may nagring na phone at sinagot ito nung isang babae na maikli ang buhok.

"Hello? Oh! Ms. Athena! Yes yes, nagawa na po namin .. Yup nabugbog na po namin ang bestfriend niyo, sige po aalis na kami" at binaba nito ang phone niya.

"Tara na girls, sapat na daw iyan sabi ni Ms. Athena" at naglakad sila palayo.

Napapikit naman ako dahil hindi ko na kaya pang tumayo at maglakad.

Why Athena? Why are you doing this?

Isang luha na naman ang lumabas sa mata ko. Gulong gulo na ako sa mga nangyayari at sa pagkakaalam ko lang sa ngayon ay gusto ko lang magpahinga.

I'm tired, Just let me sleep for a while, Life.

*****

Jackson's POV

Nakita kong umakyat ng lumang building si Flits at Arcuse kaya sinundan ko sila, hindi kasi maganda ang kutob ko.

Destined To Be BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon