CHAPTER SEVENTEEN

714 26 13
                                    

CHAPTER SEVENTEEN 

Nagtayuan ang mga nanunuod nang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang laban. Naghiyawan ang mga kasama naming mga atletang nanunuod sa laban ng basketball team ganun din ang ibang mga kababaihan nahumaling sa mga naglalaro.

Nakangiti kong nilapitan ang team na masayang nagdidiwang sa una nilang panalo. Nakipag apiran sila sa isa't isa at masayang nagtatawanan. Kumaway pa ng iba sa direksyon ng mga kakabaihan sa bleachers habang panay ang kindat sa mga ito. Mas lalong umingay ang buong gym.


I chuckled. Ang yayabang at ang lalandi ng mga to. Nang makalapit ako ay agad kong inakbayan si Martin at Hans.

"Congrats guys!" I screamed joyously at them at sinabayan ng malakas na tawa. They all looked at me and smiled inwardly.

"Salamat Ate Ivonne."

"Hindi pa naman talaga dapat magdiwang, isa pa nga ang panalo namin. Marami pa kaming makakalaban." Hans said with a frown. Ang isang to ang nega. His teammates groaned at him.

"Ano ka ba Hans, wala ka bang tiwala sa team niyo? Mananalo kayo, wag kang mag alala." Sinundot ko ang tagiliran niya dahilan kung bakit siya napaigtad. He threw me a dagger look but I just grinned at him.

"Oo nga Hans. We have to win. Nakataya dito ang relasyon namin ni Ivonne." Natahimik kaming lahat nang seryosong nagsalita si Raven sa likod ko.


Masungit akong bumaling sa kanya upang pagtangkahan siyang barahin. But I stopped when I saw his dark eyes staring directly at mine. I was appalled with his stern face. Nakatiim ang bagang niya at nakalapat ang mga labi. He looked so mysterious with that serious face.

My forehead creased. I looked at him with confusion. May problema ba si Raven? Hindi ba siya masayang nanalo sila sa first game? Mukhang hindi lang ako ang nagtataka sa reaksyon niya, even his teammates were. Sumipol si Kael nang wala pa ring nagsalita sa amin.

Mas lalong kumunot ang noo ko ng bigla siyang ngumiti ngunit seryoso pa rin ang mga mata. Matalim siyang tumingin sa likuran ko kaya dahan dahan akong limingon. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalingon ay bigla niyang niyakap ang ulo ko at siniksik sa dibdib niya.

"Aw"

"O... Ivonne tara. Nanalo kami sa first game kaya kailangang mag celebrate." Nakangiti niya akong kinaladkad papalayo sa iba. Sa lakas niya ay hindi na ako nakapalag.


"Una na kami, guys!" He waved at his teammates without looking at them. I sighed in defeat. Kahit pawisan siya, ang gwapo at bango niya parin. Kaya nga ang daming sumisigaw ng apilyedo niya kanina habang naglalaro.



But this is not the right to admire him. Based on what he is doing, I know there's a problem. Nang makalayo kami sa iba ay mahina kong kinalas ang kamay niyang nakapulupot sa akin. Bahagya naman siyang lumayo.



"Raven, may problema ka?" He looked at me and raised his eyebrow.


"Hmm. Wala naman, bakit mo natanong?" Balewala niyang sagot. Nagkibit balikat ako.



"Ang seryoso mo kasi. Mukhang hindi ka nga masaya na nanalo kayo ngayun." Nagsimula kaming maglakad papalabas ng gym. We walked sideways, and I can see the eyes bluntly admiring the guy I'm with.



"Masaya ako. At tulad nga ng sinabi ko kanina. Nakasalalay sa tournament nato ang magiging relasyon natin." He said naughtily then winked and smirked at me. I rolled my eyes at him. Mukhang bumalik na ang dating Raven. Hindi ko alam kung mas gugustuhin ko yung seryosong Raven o ang bumalik siya sa ganito.



The Mistress' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon