CHAPTER ELEVEN

773 21 3
                                    

CHAPTER ELEVEN

"Peace be with you."


"Peace be with you, Ivonne" Malaki ang ngiti ni Kylie sa tabi ko at nagpeace sign. Yan nga ang kailangan ko ngayun, Peace, of Mind.



Linggo ngayun at pinilit ko si Kylie na magsimba. Muntik pa siyang hindi pumayag dahil matutulog lang daw siya buong araw. Napagod daw siya sa ginawa namin kahapon. Buti nalang nasuhulan ko ng isaw kaya nadala ko dito.



I don't know. I just felt like I need this. Feeling ko napakamakasalanan ko na. Gusto ko lang ng something na nakakapagpapa-alala sa akin sa kung ano ang tama at mali. And that something is the church. Binasa ko nga ulit ang nakapaskil na 10 Commandments sa harap ng simbahan.



"Ivonne, magkano budget mo para sa isaw natin ngayun?" Kylie asked while we're walking towards the food court just meters away from the church. Basta pagkain talaga, concern na concern si Kylie.


"Limang piso, Ky" bored kong sabi at tamad na tumingin sa kanya.



Nanlaki ang mata niya at umawang ang labi dahil sa sinabi ko. Kumurap kurap pa siya na parang hindi makapaniwala.



"Limang piso?! Ano namang mabibili natin sa limang piso!?" Histerya niyang sigaw na nakapalingon sa mga tao sa paligid. Pinanlakihan ko siya ng mata at sinenyasang hinaan ang boses niya.



"Alam mo ikaw? Nakakahiya ka talagang kasama. Nagbibiro lang ako, gaga ka."




"Linawin mo kasi. Alam mo namang ayaw kong nagjojoke ka, hindi halata." Pabalang niyang sagot as she flipped her hair and left me in the place. I sighed in frustration. Nakakafrustrate magpalaki ng isang Kylie.






"Hay, busog na busog ako." Pinanliitan ko ng mata si Kylie na hinahagod ang tiyan sa sobrang kabusogan. She smiled cutely and batted her eyelashes. I rolled my eyes at her at tinalikuran siya. Buti pa siya nabusog.



"Salamat talaga sa libre Ivonne ha. Akala ko talaga limang piso lang budget mo ngayun eh, may ilalaki pa pala yun? Ay! Mukhang masarap yung ice cream, alam mo na panghi— "



"Hoy babae! Tigilan mo ako ah. Inubos mo na nga pera ko dun sa isawan tapos hihingi ka pa ng panghimagas! Anong akala mo sakin, tumatae ng pera? Wag mo na akong kausapin, natritrigger ako sayo!" sigaw ko na naka pagpatigil sa sinasabi niya. Muli ko siyang tinalikuran at mabilis na nagmartsa palayo sa kanya.




Ilang sandali pa ay nakasunod na siya at hinihingal akong pinigilan sa paglalakad. Nakapameywang siya sa harap ko at nagtaas ng isang kilay.





"Alam mo nakakahiya kang kasama." Umawang ang labi ko at umusok ang ilong sa sinabi niya. Aba!



"Ano?! Ako? Nakakahiya?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.



"Oo. Sino ba namang matinong tao na magsisigaw tungkol sa pagtatae sa harap ng maraming taong kumakain? Ewan ko sayo, trinitrigger mo ako eh." Kylie then flipped her hair at nauna ng naglakad.




I glanced at the crowd at the back and thankfully, they're already busy with their own world. Ngayon lang din nag sink ang sinabi ni Kylie. Nakakahiya nga.







Nakarating kami sa kanto na puro pang iirap at pangdidilat ng mata ang natanggap ko kay Kylie. Habang naglalakad kami pauwi ay puro pangaral lang ang naririnig ko mula sa kanya. Kesyo maging responsable daw ako sa mga salita ko, igalang daw ang lugar kung nasan ako, umarte daw akong may class para hindi magmukhang eskwater.




The Mistress' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon