CHAPTER FOURTEEN

652 20 1
                                    

CHAPTER FOURTEEN


Hanggang ngayun hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kahapon. Halos hindi ako nakatulog kakaisip. Kung nakakatunaw nga ang titig, malamang tunaw na tunaw na ang kisame ko kakatitig ko doon. Kung hindi ako tulala ay nagpagulong gulong lang sa kama hanggang mahulog, buti nalang hindi nagising si Kylie sa ingay ko.





Kahapon pa ako hindi mapakali. Para akong uod na binudburan ng asin. Yung mga paru-paru sa tiyan ko panay nagliliparan, sa tingin ko masusuka ko na sila anytime. Daig ko pa ang triathlete na sumali sa triathlon sa lakas ng tibok ng puso ko. Ang dami ring tumatakbo sa isip ko at sa tingin ko wala ng pumapasok na matino. I’m a total mess. Well, a beautiful mess. Naiiyak ako sa nangyari. Dahil kahit sa sakit ng dibdib ko at gulo ng utak, nangibabaw pa rin ang saya. I’m so happy that it hurts.





Matapos niyang sabihin yun ay hindi na ako nakapagsalita. I became a maniquin, literally. Like a maniquin with no brains, mine malfunctioned. Para akong naputulan ng dila at wala ng nasabi. Tulala lang akong nakatitig sa kanya nang ngitian niya ako at igiya sa papunta sa sasakyan. Kahit nung hinatid niya ako pauwi ay walang lumabas ni kahit ano sa bibig ko. I was too shock to even think, what more to speak. The only thing I can hear at the moment is the abnormal beating of my heart.






I don’t know what gotten into me that I said those things, pero mas lalong hindi ko alam kung anong nakain niya at sinabi niya ang mga salitang yun. What he said is too much. He is too much. Everything is too much.






“Ma’am, Ayos lang ho kayo?” I raised my head to see the one talking. Napaangat ang kilay ko sa ahente sa aking harapan. Sa tingin ko ay mas matanda lang siya ng ilang taon sa akin. Nakasuot siya ng uniform ng remittance center kung saan ako nagpapadala ng pera.




“Huh?” I looked at her with confuse look.




“Uhm. Pulang pula po kasi ang mukha niyo. Baka lang may sakit ka or something.” She answered then smiled at me. Nagulat ako sa sinabi niya at kumurap. Inangat ko ang mga kamay sa mukha at dinama ang mukha ko. Pulang pula ang mukha ko? Seriously? When will he stop making wonders to my body?




“Ah. Mainit po kasi kaya ako namumula.” Kyeme kong sagot at sinabayan din ng kyemeng ngiti. Nagpakunot ng noo niya na parang hindi naniniwala. Sino ba namang maniniwala sa palusot ko. Unang una, morena ako kaya hindi ako madaling mamula at pangalawa, makulimlim ang panahon kaya nagmukha akong tanga ng sinabi kong mainit.





Kahit hindi naniniwala ay pinalagpas niya nalang. She went inside to process the papers I needed for the remittance. Ilang sandali pa ay may binigay siya sa aking mga papel na dapat pirmahan at kung ilan ang babayaran. Ginawa ko agad ang lahat ng sinabi niya at nagbayad.





“Maraming salamat.” I smiled at her and slightly bowed. She then, mimicked what I did.





“Balik po kayo.” I took a glance at my wrist watch when I finally went out. I still have twenty minutes before the start of my first class in the afternoon. Agad akong pumara ng jeep papuntang paaralan.






Hindi na ako nakasabay kay Kylie kumain ng lunch. I just told her that I have some important things to do. And the curious Kylie threw me dozens of questions, that’s why I left her screaming for my name.





Tumawag si Ivy kagabi telling me about the good news. Nakalaya na daw si Tatay dahil na kahanap ng ipapapyansa si Nanay. Maybe one of the reasons why I felt so light last night. I’m relieved. Sa wakas ay hindi ko na masyadong iniisiip ang mga masasamang bagay na maaring mangyari kay Tatay sa loob ng kulungan.





The Mistress' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon