CHAPTER FIFTEEN

720 24 4
                                    


CHAPTER FIFTEEN


“Pwee! Ano ba itong pinakbet mo Ivonne, ang alat!” I glanced at Kylie wearily. Kanina pa siya nagrereklamo tungkol sa mga luto ko. Sunog daw yung prinito kong isda tapos ngayun maalat ang pinakbet ko. Hindi na ako magtataka kung magrereklamo siyang matabang itong tinitimpla kong juice.



Marahas niya akong hinigit paharap sa kanya saka ako niyugyog ng niyugyog. Sa lakas ng yugyog niya halos humiwalay na ang kaluluwa ko sa aking katawan. Naalog yata ang mga brain cells ko.

“Aray ha.”



“Anong nangyayari sayo? Hoy! Ivonne, kung may problema ka sabihin mo. Hindi yung dinadamay mo ang pagkain ko!” She shouted at my face. Pagod akong bumuntong hininga saka bumalik sa paghahalo ng juice.



“Ky, wala akong problema. Pagod lang ako at gusto kong matulog whole day.” Nang matapos akong maghalo ay nagsalin ako ng juice sa baso saka binigay sa kanya. She made a face but still received the glass I handed.




“Halata nga Ivonne. Hindi ka na nga nakakaluto ng maayos, e.” Ngumiwi siya sa akin at sumandal sa lababo. Pinaglaruan niya ang baso sa kanang kamay niya.




“Matutulog na ako Kylie, Good Morning.” Tamad kong sabi saka siya tinalikuran. Pero bago ko pa man maisarado ang pinto ay narinig ko na ang sigaw niya.



“Ivonne! Ang tabang ng juice mo!” Sinasabi ko na nga ba.



Pagod kong binagsak ang sarili ko sa kama. I’m physically, emotionally and mentally exhausted. Linggo ngayun, at tinatamad akong gumawa ng kahit na anong bagay. Yesterday, I indulged myself into dirty works. As in, literal na dirty works. Binungkal ko lahat ng lupa sa bakuran namin. Nag ayos ako ng hardin. Kinuha ko ang mga halaman, patay man o buhay. Itinapon ko ang mga halaman na wala ng pag asa saka pinalitan ng bago. Inayos ko ang pagkakatanim ng bawat halaman at ang pagkaka-arrange nito.




Naging hardenera ako kahapon, at saka ko lang naramdaman ang pagod ng matapos ko ng mabago ang hitsura ng bakuran namin. At masasabi kong maganda naman ang kinalabasan ng pagpipilit kong kalimutan ang mga nangyari. Pinagod ko ang sarili ko para hindi na maalala ang mga kaganapang yun. Para na rin ng dahil sa pagod ay makatulog ako agad. Nung gabing yun ay hindi ako nakatulog sa daming tumatakbo sa isip ko. And I want to forget it all and have a tight sleep.



Pero kahit pagod na pagod ako hindi parin ako nakatulog ng maaga. Pagkahiga ko sa kama ay ang dami agad pumasok sa isip ko at lahat ng yun nagpapasakit sa dibdib ko. Ang dami kong bakit. Bakit niya nasabi yun? Bakit niya nagawa yun? Bakit ako umasa sa sinabi niya? Bakit ko ginawa ang huli kong ginawa? Bakit ang tanga tanga ko?




And my every whys were stuck in my head down in my heart. I didn’t cry despite of all the pain. I promise to myself that I will never cry again. But my heart is so full of aches and now it’s overflowing.





Kaya ngayun nagmukha akong lantang gulay dahil sa pagod. My whole body is in pain, from my head down to my toes. All I want now is to rest and sleep soundly.


******



“Ivonne, ayos ka na ba talaga?” I sighed and looked at Kylie who’s questioning me for a hundred times. Kanina pa siya tanong ng tanong at kanina ko pa siya sinasagot pero nagtatanong ulit.





“Oo nga Kylie, kanina ka pa ah.” Gusto kong mainis pero hindi ko magawa. Masama pa rin kasi talaga ang pakiramdam ko at paos pa rin ang boses ko. Noong linggo, ay nakatulog ako ayon sa plano ngunit nagising akong nanginginig at inaapoy ng lagnat. Buti nalang at naisipan ni Kylie na bisitahin ako kwarto kaya naagapan niya ako at napainom ng gamut.






The Mistress' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon