CHAPTER TWENTY

1.3K 25 18
                                    

CHAPTER TWENTY

"Congratulations team!" Malakas kong sigaw habang patakbong sinalubong ang mga players na papasok sa gym. Pare-parehong maaliwalas ang mga mukha at malalaking ngiti ang nabungaran ko nang makalapit ako sa kinaroroonan nila.

I grinned inwardly at them when they waved at me. Sa magaganda nilang ngiti, kahit sinong makakasalubong nila ay siguradong mahahawa. Their skills in basketball are not the only pride of our school, their looks also made them stand-out.

Kahit may dala-dalang mga bagahe at sobrang haggard mula sa byahe ay hindi pa rin nababawasan ang kagandahang lalaki ng mga ito. Kaya nga kahit sobrang aga pa ang daming nag-aabang na estudyante sa gate para salubungin ang mga players mula sa tournament, at kalahati sa mga yun ay mga fan ng mga malalaking taong to.

"Congrats guys!" Winagayway ko ang dala kong pom-pom habang sumisigaw ng Congats. Ginawa ni Kylie itong pom-pom kahapon para raw maging makatotohanan ang pagsalubong ko sa kanila. I don't know what makes it 'makatotohanan', but she's so eager to make me use the pom-pom, that I don't have a choice but to used it. At ngayon nagmumukha akong tanga na winawagayway ang pulang pom-pom na ito sa harap nila.

"Salamat Ivonne, pero hindi mo na kailangang mag-effort ng ganyan." Natatawang sabi ni Martin. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya mas lalo siyang natawa. Nagsimula silang maglakad papunta sa kanilang locker room kaya agad akong sumunod.

"Oo nga Ate, hindi kami sanay ng nakikita kang ganyan. Mukha kang si Ate Kylie, siguro nahawa ka na dun kakasama mo sa kanya. Wag ka na kayang sumama sa kanya." I rolled my eyes when I heard Brent exclaimed from a far. Andi chuckled on my side making my dagger look diverted on him.


"Anong tinatawa tawa mo dyan?" Mas lalong naningkit ang mga mata ko nang umiling siya habang pinipigilang matawa. Sinubukan ko siyang sapakin ngunit agad siyang nakailag. Natawa ang lahat nang hindi ko siya nagawang masapak. Sinasabi ko na nga ba hindi nakakabuti ang mga suggestion ni Kylie sa akin, kaya ngayun pinagtatawanan ako ng mga dambuhalan to.


Akma kong ibabato sa kanila ang pom-pom na hawak ko kaya agad silang kumaripas ng takbo. At mas lalong lumakas ang tawanan nila. Kylie!

"Argh. Humanda talaga kayo sa akin!"






"Huy! Ate Ivonne!" Gulat akong napabaling kay Yuan nang bigla siyang sumigaw sa harap ko. Napahawak ako sa aking dibdib at napukap habang nakitingin sa kanya. Kunot ang noo niya at pabaling baling ang tingin sa akin at sa pinto.

"Ahh. Nakakagulat kang Yuan ka, ano bang problema mo?" Singhal ko sa kanya nang makabawi sa pagkagulat. Napangiwi siya sa singhal ko. Lumayo siya ng konti sa akin at nameywang.

"Kanina ka pa kasi pabaling baling sa pinto. May hinihintay ka?" He asked with a confuse look. Napamaang ako sa tanong niya. Lumakas ng tibok ng puso ko habang isa-isang inaalala ang mga galaw ko. Am I that obvious? Paano kung-

"Ha! Siguro hinihintay mo si Captain no." Carl interrupted making me sigh in relief. Alam kong mali pero mas mabuti ng ganito ang iniisip nila kaysa ang mapansin ang hindi dapat. Pabiro akong ngumiwi at hindi sumagot.

"Ate Ivonne. Alam naming nahihiya ka, pero hindi naman kasalanan ang magtanong." Inakabayan ako ni Reaniel at inosenteng nagkibit balikat. Napakamot ako ng ulo. Or not. Kung anu-anong tumatakbo sa isip ng mga batang to.

"Tigilan niyo nga ako." Pagalit kong singhal. Mukhang nahahawa na ang mga ito sa Kapitan nila, nakaka-pikon na talaga.

"May emergency sa bahay nila Raven kaya doon na siya dumiretso." Hans declared silently, earning a grunt from others.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mistress' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon