CHAPTER ONE

1.8K 51 3
                                    

CHAPTER ONE



"Napakawalang kwenta mo talagang lalaki ka! Naghihirap na nga tayo at halos wala ng makain nakuha mo pang mag inom?"



"Wag mo nga akong sinusumbatan! Para namang hindi mo ginagamit sa pagsusugal yung kalahati ng pera ko! P*tang in*!"



Sigawan at kalabog ng mga gamit ang bumungad sa akin pag bukas ko palang ng pinto. Nagtiim ang bagang ko at napapikit ng maabutan ko ang mga magulang kong halos magpatayan nanaman nang dahil sa pera.




Nasa taas ng dagdan si Mama habang dinuduro at sinisigawan si Papa na lasing na lasing na naka upo sa pipityugi naming sofa. Mga malalakas nilang boses ang lumakip hindi lang sa maliit naming sala kundi sa buo naming maliit na bahay.




Patuloy silang nagsisigawan na maging ang presensya ko ay hindi na nila napapansin. Lagi nalang. Sa tuwing nag aaway sila, wala na silang paki alam kung makabulabog sila ng kapitbahay o sa nararamdamang lungkot ng mga anak nilang kitang kita kung paano nila sumbatan ang isa't isa.




Wala na ba talagang halaga sa kanila ang pamilya namin? Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa mga isip nila at nakakapagod na silang intindihin.




Naiinis kong pinasadahan ng aking kamay ang magulo ko nang buhok at marahas na bumuntong hininga. Pumikit ako upang matigil ang nagbabadyang luha sa aking mata.



Pagod na pagod ako mula sa trabaho at ito agad ang maabutan ko? Wala na ba talagang peaceful na lugar para sakin?




Padabog akong umalis at nagtungo sa kusina. Naabutan ko dun si Ate Ivy na nakaupo sa isa sa apat na upuang nakapalibot sa maliit na lamesa habang umiinom ng gatas. Nang makita niya ako ay ngumiti siya ng pagod. Bumuntong hininga ako at dinaluhan siya sa mesa. Mula dito ay dinig na dinig parin ang mga sigawan sa sala.




"Kumain ka muna. Mukhang pagod na pagod ka eh." Mahinahong niyang sabi at inalis ang nakatakip sa mga pagkain sa lamesa.



Napatingin ako sa nakahaing pagkain, isang plato ng kanin at kakarampot na sardinas. Binalingan ko si ate.




"Ayos lang ba ito sayo ate? Dalawang araw nang puro sardinas ulam natin ah, paano si Baby mo?" Malamig kong tanong sa kanya. Buntis ang ate ko at alam kong kailangan niyang kumain ng masustansyang pagkain.



"Wala naman akong magagawa eh kaya kakainin ko kung anong nakahain sa mesa. Umiinom din ako ng gatas ayus na naman siguro yun." Nakingiting salasay ni Ate ngunit hindi umabot sa mata.




Awang awa akong nakatingin sa Ate kong hinahaplos ang maliit pang umbok ng tiyan niya, limang buwan na siyang buntis. Nabuntis siya matapos siyang gahasain ng walang hiya niyang boyfriend. Kaya wala akong tiwala sa mga lalaki e.




Nilabas ko naman mula sa bag ko ang puting envelope na naglalaman ng sweldo ko ngayung buwan. Nilapag ko ito sa mesa at tinulak sa direksyon ni Ate.




"Ate gamitin mo muna. Para naman makakain ka ng masustansya." Maliit na ngiti ang binigay niya sa akin at umiling.



"Hindi na. Kailangan mo yan, pasukan na sa susunod na araw kaya kailangan mo ng pamasahe at pocket money." Ngumiti siya at tinulak pabalik sa akin ang envelope.




Tinitigan ko ang Ate ko, ang ganda niya talaga. Matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata, mapupulang pisngi at labi, at maliit na bilugang mukha. Morena din siya maging ako. Kahit na buntis siya ay hindi parin nawala ang magandang hubog ng katawan niya, maliban sa umbok sa tiyan niya ay nasa ayos parin ang curves niya. siguro babae ang anak niya.




Siya rin ang pinakamabait at matapang na taong nakilala ko. Sa dami niyang napagdaanan sa buhay eto parin siya at nagagawang ngumiti.




"Huy natulala kana dyan." Natatawa niyang sabi. Ngumiti din ako sa kanya.




"Ate, ayos lang. May natabi pa naman akong konting pera para sa pasukan. At may sweldo naman ako sa pagiging student assistant. Kaya please, tanggapin muna para sa baby mo" Nilapag ko na mismo sa palad niya ang envelope upang hindi na siya makatanggi.




Wala na siyang nagawa sa pamimilit ko at tinanggap niya ang envelope.




"Maraming Salamat. Ang bait mo talaga Ivonne." Nakangiti niyang sambit.




"Mga walang silbi! Magsama kayo ng mga anak mong parehong mga walang silbi at disgrasyada pa!" At isang malakas na kalabog ng pinto.




Napapikit ako at napabuntong hininga nang marinig nanaman ang linya ni Mama sa tuwing mag wawalk out siya. Kahit ilang beses ko ng naririnig yun, tagos parin sa puso.




Nagulat ako ng hawakan at pisilin ni Ate ang kamay kung nakalatag sa mesa.




"Huwag mo na siyang pansinin, Galit lang yun. Huhupa din yan bukas." She assured me. Alam kong siya ang mas nasasaktan sa mga salitang binitawan ni Mama.




"Sa susunod na araw na ang pasukan diba? Kailan ka tutulak?" Pag iiba niya ng topic at inubos ang gatas sa baso niya.



"Bukas ng madaling araw. Magrereport pa kasi kami bukas para sa Student Assistance." Pagod kong sabi at tinakpan ulit ang kanin at ulam sa lamesa.



"Sige Ate una na ako sa taas. Pagod na pagod na ako eh." At tumayo na ako't tinalikuran na siya at nagsimulang maglakad palabas ng kusina.




"Teka! Hindi ka man lang ba kakain?" Mahina niyang sigaw.




"Hindi ako gutom. Ipakain mo na lang yan bukas kina Mama at Papa." I answer coldly and wave my hands without looking back. Diretso ang lakad ko pataas ng hagdan. Nasilip ko pa si Papa na nakatihaya sa sofa sa sobrang kalasingan.




Sa kalagitnaan ng pag akyat ko ay nakasalubong ko si Mama na bihis na bihis.



"Mama, saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya at hinawakan ang mga braso niya. Agad naman niya itong winaksi at binalingan ako habang dinuduro.



"Manahimik kang bata ka ah, wala kang pakialam kung saan ako pupunta! Mag sama sama kayo ng tatay mo dahil pareho kayong walang silbi! Sinabi ko naman sayung magtrabaho ka nalang, mas pinili mo pa yang aral aral na yan! Put*!" Nanggagalaiti niyang sigaw at galit na bumaba sa hagdan.





Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit tila galit sa mundo si Mama. Dahil gusto niyang itigil ko ang pag aaral at magtrabaho nalang sa bar ni Tita Marites. Kaya nga mas pinapabuti ko ang pag aaral ko to prove her that I can be successful because of education which is really the truth.




Pumasok ako sa kwarto ko na ang laman ng isip ay mga sinabi ni Mama. And No, I'm not worthless, because I studied hard and I will study hard to prove to her that the education she's underestimating is the key to my success.




Dumapa ako sa maliit kung kama at humagulhol sa aking unan. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako umiiyak. Araw araw ay hindi ko mapigilang itanong, Bakit naging ganito pamilya ko? Bakit naging ganito ang buhay ko?


Seems like there's no room for happiness in my life.

The Mistress' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon